Chapter Eleven

1.2K 33 2
                                    


"Baby! Are you done?" napatingin ako sa baba dahil sa marahan na sigaw ni Damon.

Nage-empake ako ng gamit ngayon, good for three days dahil ang pakialamerong lalake, kinausap si Ivy at pinaclear ang schedule ko ng tatlong araw dahil gusto daw niya magbeach kami.

I sighed. He really knows how to bossy me. Wala nakong nagawa nung sabihin yun sa akin ni Ivy. Lalo pa't kuntsaba pa nga ata niya si Ivy. She said this is a good idea, siya na daw bahala sa clinic habang wala ako. I tsked. If I know, sinuhulan lang siya ni Damon eh.

Ilang linggo na din ang nagdaan simula nung incident nung kay Sammy. After nun, I tried to go back to normal. Normal means, no damon. But, failed. Every morning, I will just be surprised that he is waiting for me in the front of my house. Kapag tinatanong ko siya kung anong ginagawa niya dito ng umagang umaga, ang sinasagot niya ay dahil hahatid daw niya ako. At first, pinag awayan pa namin yun dahil ayoko, meron naman akong sasakyan so why bother? Atsaka I'm still confused to what we have. But later on, Napapayag niya din ako. Mas malala pa kaya topak neto kesa sakin. Kaya nang magsabi sabi na siya katulad na lang ng malalate na siya sa trabaho kapag di pa ako sumakay. Aba pakialam ko naman diba? O kaya sinasabi niyang may pupuntahan pa daw ako perhaps my bitch, his word, not mine, kaya daw di ako pumapayag. Sa huli, nagpahatid na lang talaga ako. Kainis.

Everyday na ginagawa sa akin yun ni Damon. Syempre dahil siya ang naghahatid sa akin, obligado din siyang sunduin ako noh. Ewan ko ba. Bakit parang ang luwag luwag ng oras niya.

Maliban sa paghatid at pagsundo, madalas ding kaming magkasama. Dahil minsan kapag sinusundo niya ako, minsan sa penthouse niya ang diretso, dun kami kakain at sa huli dun na din ako natutulog. It was hassle. Dahil ihahatid niya ako ng maaga sa bahay ko, para maligo at magbihis bago ihatid ulit ako sa clinic. Dahil naiinis ako sa ganung routine, lagi ko siyang sinusungitan kapag alam kong may balak siyang dumiretso sa penthouse niya, ang ginagawa niy, sa bahay ko na lang siya naglalagi na gusto ko naman dahil nakakalibre ako ng pagkain. Nung isang araw nga nabigla ako pumunta siya dito dala dala ang maraming plastic bags na naglalaman ng mga groceries. Geez. Yes, we acted like a couple.

"All done." saad ko habang linalapitan siya na nakaupo sa sofa ko at nanunuod.

Tumabi ako sa kaniya. "What's with the beach ba? Tayo lang ba talagang dalawa?" tanong ko sa kaniya.

Napatingin siya sa akin. "Actuallly... You know Troy, right?" tumango ako sa kaniya. "It's his sister's wedding." aniya atsaka ako inakbayan at mas lalong pinalapit pa sa kaniya.

Sa linggong mas nakasama ko si Damon, maliban sa pagiging seloso, napansin ko din ang pagiging clingy niya. At first, I'am not comfortable since I'm not used to it especially it is from a man, but later on nasasanay na din ako.

"Is it okay to join you? I'm sure di nila ako kilala at ganun din ako." saad ko.

"It's fine. You have me. Besides, Troy knows you." balewala niyang sagot sa akin.

"How will you introduce me to them? How will I act there?" dere deretso ko ng tanong sa kaniya. Sa pagtingin niya palang sa akin alam ko na alam niya kung saan tutungo tong usap natin. This is actually we need. Talk. About us.

"Of course, I will introduce you as my boyfriend." saad niya na kinabigla ko. Seryoso ba siya?

"What? B-boyfriend?"

Gulong gulo ako nang tumawa siya. "Of course, I'm just kidding." tinignan ko siya ng masama. I'm not dissapointed though. I'm not ready for that. Complicated but, I think enjoying each others company without the committment is what I preferred. For now.

Bumaling ako sa kaniya ng marahan niyang masahiin ang batok ko. "I'll say that you're the one I'm courting." syempre, maang nanaman akong napatingin sa kaniya. Tinawanan niya naman ako. "Also, you will not act there baby, just be youself, I got you."

FRAIL (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon