Chapter Sixteen

969 28 0
                                    


The bar is on peak now. Nakadami na din ako ng baso ng alak na naiinom habang ang katabi ko ay nakadalawang baso lang pero mukhang naka ilang bote na ang nainom sa sobrang ingay.

"Dude! Damn! Heto na ang inaabangan ko! The girl! Alam ko kapag nasa peak na ang bar dun lang lumalabas yung babaeng Star nila dito. Dude alam mo ba---"

Hayst. Ang dami pa niyang sinasabi pero hindi ko na lang inintindi ang mga yun. Busy akong uminom at magmasid masid sa paligid. Tama ang sabi niya dahil ilang sandali lang halos balutin ng kadiliman ang buong bar.

Pumailanlang ang isang mahalay ng tugtog kasabay ng pagbukas ng mga ilaw sa gitna ng stage. May isang pole dun at ang nasa gilid niya ay isang babae na mahalay na sumasayaw at halos bra at panty lang ang suot. Simula nun, hindi na mapakali ang kasama ko. Palagi pang humihiyaw. Hayst.

Sa kalagitnaan ng pagsasayaw nung babae, naramdaman kong sunod sunod na nagvibrate ang phone ko na nasa bulsa ko senyales na may nagmessage sa akin kaya kinuha ko to. Ngunit bago ko pa man makita kung sino ay nawala na sa kamay kong ang phone ko.

"Dude pahiram, vivideohan ko lang. Dude, ako na ang nagsasabi sayo, this is one of the experiences that I'll not forgot! Wuhooo!"

Experience what? Going to a strip bar? I laughed without humor.

"I'll just go to the restroom." paalam ko sa kasama kong wala naman atang pakialam. Tumayo na ako at nahanap naman kaagad kung saan banda ang banyo.

Marami rami nakong naiinom pero hindi pa naman ako lasing. Masyado lang akong naiinitan kaya napagpasiyahan kong maghilamos ng mukha. At yun nga ang ginawa ko pagpunta ko sa banyo. Habang pinupunasan ng tissue ang mukha ko pagkatapos kong maghilamos ay nakatingin ako sa salamin. Nahuli ko ang pagsipat sa akin ng isang lalake na kasama ko dito sa banyo ngunit hindi ko na lang pinansin. Nang masigurong maayos na ang itsura ko, mabilis din akong umalis dun.

Pagkaupo sa pwesto namin, busy pa rin si Pier sa pagkuha ng video dun sa babaeng wala ng pantaas at panty na lang ang suot habang sumasayaw.

Napatingin ako sa waiter na naglagay ulit ng mga inumin sa mesa namin. Tinungga ko agad yung isang baso na para kay Pier pala dahil iba ang tama kaysa sa iniinom ko kanina.

"Damn. That's hot."

"Yeah, she's hot."

Napalingon ako kay Peir nang sambitin niya yun. I chuckled. Akala niya ata ang tinutukoy ko ay yung babaeng nasa stage. Tsk.

Narinig niya ang tawa ko. "Oo nga pala, bakit ko ba nakalimutan. Ganiyan yung mga type mo diba dude? Look! I know you can't resist that ass!"

Napakunot ang noo ko sa mga pinagsasabi nanaman niya. Napaka ano talagaa. Nang silipin ko siya, muntik pa siyang matumba sa kakagalaw niya. Goodluck na lang sa akin mamaya kapag pauwi na. Hayst.

"Who's Damon?"

Mabilis akong napatingin sa kaniya nang banggitin niya ang pangalang yun.

"He's calling you."

Hindi ko maipaliwanag ang kabang dumagsa sa dibdib ko ng marinig ko ang sinabi niya. Oh, he's calling me right now, huh? Why just now? Siguro kung hindi ko siya nakita dun sa bar baka agad kong sasagutin ang tawag niya pero hindi. Hindi ko matanggap na kahit text man or tawag di niya maibigay sa akin tapos nanoon lang pala siya dun sa bar. Problema din sa akin eh, wala nga kami, walang kami, so bakit niya ako iuupdate diba? Pero alam ko kasi nagusap kami, we just need to take it slowly.

"Ignore it."

Pinagmasdan ko ang ginagawa niya ngunit kumunot ang noo ko na parang may kakaiba sa phone ko. Napasinghap ako ng malakas at mabilis na inagaw ang phone ko sa kaniya na agad kong pinatay.

FRAIL (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon