Chapter Nineteen

861 23 3
                                    


"Love, you need to behave there." ani ko habang siya ay busy sa pagdadrive papunta sa clinic ko habang ako naman ay nasa passenger seat dahil isa na lang sasakyan ang napagdesisyunan naming dalhin.

"Why are you always saying that? I am behave."

I just scoffed. Ilang sandali pa, dumapo ang kanang kamay niya sa hita ko, hinayaan ko na lang hanggang sa mapasinghap ako dahil tumaas yun at nasagi niya ang hindi dapat masagi.
Tinanggal ko ang kamay niya.

"Hmm see?" ani ko habang tinitignan ko siya ng may pagbabanta. Ngumisi lang naman siya.

Sinalubong kami ni Ivy ng malaking ngiti pagkababa namin ng sasakyan. I just rolled my eyes.

"Aysus! May pahatid hatid pang nalalaman huh" bulong niya ng dumaan ako sa gilid niya.

"I'll stay here." agap naman ni Damon na mas kinalawak ng ngiti ng secretary ko.

Pumasok ako sa office ko na sinundan naman ni Damon. Dumiretso ako sa table ko para kunin ang coat ko at ng makapagsimula na habang linilibot naman niya ang tingin sa opisina ko.

Tumango tango siya. "At last, nakita ko din ng personal tong office mo." mahinang bulong niya na di ko narinig kaya tinaasan ko siya ng kilay, umiling lang naman siya.

"Are you sure about this? Maboboring ka lang dito Damon." saad ko

Hindi ko siya maasikaso, ayon kay Ivy, maraming nakasched sa akin ngayon.

"Yeah sure. Don't mind me, I'll behave. You can do your work na." aniya habang umuupo sa swivel chair ko at may kung anu anong tinitignan sa desk ko.

Napailing na lang ako at saktong may kumatok naman sa office ko. Si Ivy.

Sumilip siya sa amin ng dahan dahan at nang makita ako ay ngumiti siya.
"First patient, Doc." aniya at minuwestra sa akin ang form na may records ng mga pasyente ko. Tumango ako at kinuha yun sa kaniya.

"Hey, sit there." turo ko sa upuan ko kung saan kami kumakain. "Ako diyan."

Mabilis naman siyang tumayo at ngumungusong pumunta sa tinuro ko kung saan siya uupo. Umiling na lang ako at umupo na para makapagtrabaho na.

PALAPIT na ang lunch ng marinig ko ang sunod sunod na pagtunog ng phone ni Damon habang nagbabasa ako ng records ng susunod kong pasyente.

Nang mawala ang tunog ay binalewala ko na at nagfocus na lang ulit sa pagbabasa nang wala pa mang limang segundo ay tumutunog nanaman. Tumingin ako sa gawi niya.

"You can answer that Damon, baka emergency."

Napabuntong hininga naman siya at sinagot na ang tawag. I wonder who's that.

Nagpatuloy akong magbasa pero aaminin kong may balak akong makinig sa kaniya.

'Hello?'

'What happened?'

'What?!'

'That's not true, calm down'

'B-but I-i '

'Fine, I'll go there. Wait for me.'

Agad na nagtama ang mga mata namin. Tinanguan ko naman agad siya. Sapat na yung narinig ko para malaman na kailangan siya. Ang tanong lang ay nino?

Ngumiti naman siya ng pilit at malalaki ang hakbang na pinuntahan ako. Hinagip niya ang batok ko at mariin na sinakop ang labi ko.

"Call me." saad ko ng maghiwalay ang labi namin. Alam naman na niya ang ibig sabihin dun. Tumango siya.

FRAIL (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon