Fast forward na tayo mga sissy. Hihi. Labyou all. Mwahhh.
^^^
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan, kinarir ko kasi ang pagtatrabaho dahil nalalapit na ang pasukan. Hindi ko alam kung magreresign ako o magiging working student.
"Sa tingin mo sis? Kaya ko kaya mag-working student?" Tanong ko kay Terrence habang kumakain kami dito sa barbeque-han.
"Depende." Sagot niya saka kumagat sa hita ng manok at dalawang beses sumubo ng kanin. Kaloka si bakla, lamon na lamon. "Kung kaya ng sched mo eh di go." sabi niya yun habang punong-puno ang bibig. Tumungga ng softdrinks at nagsalita ulit. "Pero kung ako sayo wag na! Di mo naman need pagsabayin sis. Saka anjan naman boyfriend mong mayaman!"
"Sira! HAHAHAHA."
"Speaking of the monster na may monster cock, ayan na nga siya ate." sabi niya saka ngumuso sa bandang likuran ko. Natatawa akong lumingon sa kanya. Tangina sa monster cock. HAHAHAHA.
"Kaen." alok ni bakla pagkalapit nito. Agad akong gumilid para makaupo siya. Naaamoy ko na naman yung pabango niya. Napakasexy ng dating. Amoy mayaman.
"Busog ako, sige lang." sagot niya na hindi man lang lumilingon sa kahit sino sa amin ni bakla. Napairap si Terrence. Gets ko ang gusto niyang iparating. Badtrip na naman ang Junggoy. Bakit kaya?
"Go. Patapos na rin naman kami." Sagot ni Terrence saka nagpatuloy sa pagkain. "Magfocus ka na lang sa school sis, kung ako sayo." sabi niya pa na binalikan ang pinag-uusapan namin kanina.
"Bakit?" Takang tanong ni John Paul.
"Ah tinatanong ko lang kung uubra ba kung magwoworking stude..."
"Hindi. The answer is no." Sagot niya agad na kagaya nung una ay hindi man lang umaalis ang mata sa cellphone. Di man lang pinatapos ang sasabihin ko eh.
"HAHAHAHAHA." Pagtawa ni Terrence. "I told you."
"Bakit ikaw kinaya mo naman." Tanong ko.
"Because I had no choice at that time. Wag mo nang pahirapan sarili mo. Di mo naman kailangang pagsabayin." Seryoso niyang sabi.
"Okay." sagot ko na lang. Ayoko na makipagtalo dahil nakikita ko nang kumukunot na ang noo niya.
"Let's talk about that later. I have something to tell you din. Tapusin niyo muna yang kinakain niyo. Wait ko kayo sa labas." seryoso niyang sabi saka tumayo na at naglakad palabas. Problema nun. Kaloka naman.
"Walk out king talaga yang boyfriend mo ate. Hahahaha." Natatawang naiiling na sabi ni Terrence. Ewan ko ba. Tinotoyo na naman ata. Baka kulang sa iyot. Charing.
***
"Bye Sis. Bye John Paul. Salamat sa paghatid." paalam ni Terrence bago isara ang pinto ng backseat. "Ingat kayo." Pahabol niya pa.
"Ge." maiksing sabi ni John Paul saka nakasimangot na bumaling sa akin. Hindi pa man umaandar ay ramdam ko na ang tensyon sa pagitan ng passenger's seat at driver's seat.
"Why?" Tanong ko. "Kanina ka pa nakabusangot Labs. Para kang ano."
"Ano?"
YOU ARE READING
Si Malakas at si Pabebe -Season II
Humor"Basta hindi na tayo maghihiwalay ah, magtiwala ka lang sakin..."