Sorry late update. Busy sa work. Bitin to pero ganun talaga. Hahaha.
I love you guys, thank you sa support sa napakababaw na storya na to. Hahaha.
Vote please and comment as well. Salamat po.
***
Para tuloy akong may alagang sanggol. Punas dito, punas doon, lagay pulbo sa leeg at katawan. Palit ng damit. Inom pa John Paul! Ginusto mo yan eh. Bagsak talaga siya. Ang kinaiinis ko lang, naglalasing siya ng ganyan. Imagine, halos maubos yung isang litrong empe. Eh ako nga, tatlong tagay lang nun, bangenge na. Jusko. Kapag siya talaga narape ay nako, ewan ko na lang talaga.
Ngayon para siyang anghel na natutulog. Samantalang ako, parang nanay. HAHAHA.
Matapos bihisan ay humiga na rin ako sa tabi niya. Kinakalkal ang cellphone niya at binubura ang mga facebook status niya na puro hugot. Parang baliw.
***
Nagising na lang ako na wala siya sa tabi ko. Umaga na. At base sa nakikita ko sa labas, maganda ang sikat ng araw. Asan na kaya ang unggoy na yun.Ilang minuto pa ng pagmumuni-muni ay dumating na siya. Pawis na pawis.
"Anong nangyari sayo? San ka galing?" Tanong ko agad. "Bat pawis na pawis ka?"
Aba! Hindi ata nakita ang kagandahan ko. Dedma ang lolo niyo.
"Huyyyy! Galit ka pa sakin? I can explain."
Dedma pa rin.
"Nagsabay lang kami nun ni Otep eh... Bumili lang siya ng school supplies, tas ako may binili din... Yun lang yun Labs."
Ayun, dedmakels pa rin ang lolo niyong unggoy. Ang cute niya lang. Nakakunot yung noo.
"Wag ka na magalit." Sabi ko saka lumapit sa kanya na nakaupo sa mesa at hinila papunta sa kama. "Lika higa tayo."
Aba, nagmamatigas! Pabebe na naman! Laki laking tao pabebe. Hahaha.
"San ka ba kasi galing Labs, pawis ka na oh, ang aga aga." Tanong ko saka pinahid yung pawis sa noo at leeg niya.
"Pake mo ba?! Bat ka ba nandito? Alis ka na nga!" Tampong tampo yung tono niya. Hahaha. Maiinis na sana ako kaso yung itsura niya nakaka good vibes eh. "Dun ka na kay Otep. Alis ka na... Alis ka na..." Bulong niya pa. Pinapaalis ako, pero yung tono parang hindi. HAHAHA.
"Bat mo ko pinapaalis? Ayaw mo na ba sakin???" Tanong ko. Syempre paawa din. Kala naman niya siya lang marunong magdrama. Pero nakakainis lang kasi naiiyak ako. Bat ganun? All of a sudden ako na yung pabebe. All of a sudden parang naging totoo yung dapat sana pagdadrama ko lang.
"Shet ka John Paul, naiisip ko pa lang naiiyak na ako." Sabi ko saka tumalikod. Totoo naman, naiisip ko pa lang na ayaw na niya sakin, naiiyak na ako. Haysss. Dapat di ko na lang sinabi yung linyang yun. Kainis!
"Mali naman naiisip mo. Sorry kung nagkakaganyan ka dahil sakin. Basta ako malinis ang konsensya ko. Wala akong ginagawang masama. Wala kaming ginagawang mali ni Otep. Kung ano man yang ikinaseselos mo at ikinagagalit mo. Sorry! Ohhh sorry na ha. Pero sige... Mukhang ayaw mo naman na sa akin..." Napahinto ako saka huminga ng malalim saka naglakad na papunta sa pinto.
BINABASA MO ANG
Si Malakas at si Pabebe -Season II
Humor"Basta hindi na tayo maghihiwalay ah, magtiwala ka lang sakin..."