Prologue

2.5K 82 20
                                    

Bukang Liwayway Foundation Inc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bukang Liwayway Foundation Inc.

"HOY, BATA!" sigaw sa akin ng batang lalaki na nakatayo malapit sa pinto ng foundation. Agad nag-init ang ulo ko dahil sa pagsigaw niya. Nakitang may ginagawa ako tapos istorbo siya. Nagtaas ako ng tingin at nang mapansing nakatingin pa rin siya sa akin, sinigawan ko siya pabalik, "Hoy ka rin!"

"Hoy, Ysay! Pasaway ka talagang bata ka!" sita sa akin ni Ate Nora. Tiningnan ko naman si Ate Nora at handa na sana akong ipagtanggol ang sarili ko nang biglang lumapit sa amin yung batang tinawag ako ng hoy kanina.

Ang laki ng ngiti niya nang tuluyan na siyang makalapit sa amin. Kitang kita ko ang singkit niyang mga mata pati na rin yung dimples niya sa magkabilang pisngi. Ang puti ng kutis niya pati rin yung ngipin niya. Bagay na bagay sa suot niyang puting polo at short.

Hala. Bakit ganito itsura nito?

"Ysay, mag-hello ka dali," utos sa akin ni Ate Nora pero hindi ko siya pinansin. Nanatili lang akong nakatingin sa batang nasa harapan ko. Sinamaan ko siya ng tingin at nang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya, tinapakan ko siya sa paa.

"Aray! Bakit mo 'ko tinapakan?!" reklamo niya. Agad namang piningot ni Ate Nora ang tainga ko at pinipilit akong mag-sorry sa batang 'to. Nagpumiglas ako sa hawak ni ate at nang magtagumpay ako, lumayo na ako sa kanila.

"Hindi ako mag-so-sorry! At hindi hoy ang pangalan ko!" sigaw ko at nagtatakbo na ako papasok sa foundation.

Nasa may pintuan na ako nang marinig kong magsalita si Ate Nora.

"Naku, Ren-Ren, pagpasensyahan mo na si Ysay ha? Medyo matagal na rin kasi siya rito. Yung mga kasama niya dati, mga naampon na kaya ganyan 'yang batang 'yan. Pakiramdam niya kasi, walang may gusto sa kanya." Napapikit ako dahil sa narinig ko kasabay ng pagsikip ng dibdib ko. Ito na naman. Pinaalala na naman ni Ate Nora sa akin ang nakaraan. Di ko namalayan, may namuo na palang luha sa mata ko.

"Kainis. Kainis. Kainis," paulit-ulit na bulong ko sa sarili ko. Pinunasan ko agad ang luhang tumulo mula sa mata ko at akmang babalik na sana ako sa kwarto nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko, yung bwisit na bata na naman kanina.

"Hello! I'm Ren-Ren. Ano'ng pangalan mo?" nakangiti niyang tanong sa akin. Napakurap-kurap ako dahil doon. Teka. Hindi ba siya galit sa akin? Hindi ba siya napapagod ngumiti? Mabait ba talaga siya o wala siyang choice kung hindi magpangaap na mabait? Ganito ba ang feeling kapag sinusundo ka na ng mga anghel sa langit?

Lord, magpapakabait na po ako! Huwag niyo pa po muna akong kunin, please!

"Hello? Okay ka lang ba?" tanong ni Ren-Ren kasabay ng pagkaway niya sa harap ng mukha ko.

Lord naman! Bakit nandito pa rin 'tong anghel na sumusundo sa akin?!

"Anghel ka ba? Ikaw na ba ang susundo sa akin?" walang kurap na tanong ko sa kanya. Napatulala naman si Ren-Ren dahil doon. Maya-maya lang, may namuo na namang ngiti sa labi niya.

"Ang cute mo!" bulalas ni Ren-Ren sabay kurot sa pisngi ko.

Lord, kung pasaway rin po pala ang mga anghel niyo at nangungurot sila ng pisngi ng iba, kunin niyo na nga lang po ako!

***

Pagkatapos no'ng araw na 'yon, hindi na ako tinantanan ni Ren-Ren. Tuwing bibisita sila ng magulang niya sa foundation, ako ang una niyang hinahanap. Nakikipaglaro siya sa akin, nakikipagkuwentuhan. Palagi rin akong may nakukuhang regalo mula sa kanya. Habang tumatagal, pagaan nang pagaan ang loob ko sa kanya. At habang tumatagal, umaasa akong magiging kapatid ko na lang siya.

Pero katulad ng iba ko pang mga hiling noon, hindi na naman natupad ang gusto ko.

"Ysay, halika rito," tawag sa akin ni Mrs. Susan Marie Yosep, ang may-ari ng foundation. May nakatayong dalawang singkit sa likod niya na hindi naman mukhang mga magulang ni Ren-Ren.

Teka. Nasaan na ba 'yong bwisit na 'yon? Sabi niya pupuntahan niya ako ngayon e! Bibigyan niya pa nga raw ako ng tsokolate saka bagong damit. Kaasar. Tokis naman pala siya! Naghilod pa naman ako ngayon tapos tatlong beses akong nag-toothbrush ngayong araw kahit na madalas, tatlong beses sa isang linggo lang talaga ako kung mag-toothbrush. Nagsuklay pa ako tapos yung magandang bestida at bagong salawal pa sinuot ko. Sayang naman paghahanda ko!

"Aling Susan, nasa'n na po si Ren-Ren? Pupunta po siya ngayon, 'di ba?" tanong ko. Napakamot naman sa ulo si Aling Susan dahil doon.

"Ah... eh... Hindi kasi makapupunta si Ren-Ren ngayon. Ah... May inaasikaso yung parents niya. Tama... Pero may ipakikilala naman ako sa 'yo," pag-iiba ni Aling Susan sa topic, halatang hindi alam kung anong isasagot sa tanong ko.

"Po? Di naman po pumapalya ng punta rito sina Ren-Ren ah?" pagpupumilit ko. Hindi na maipinta ang mukha ni Aling Susan sa kakulitan ko at hindi na rin niya sinagot ang tanong ko. Ngumiti na lang nang pilit si Aling Susan at lumingon sa dalawang singkit na kasama niya.

Teka. Iba ang pakiramdam ko rito.

"Ysay, sila sina Mrs. Mari Chu at Mr. Pika Chu. Sila na ang magiging bagong magulang mo." Napakurap-kurap ako at tila hindi ko maproseso ang sinabi ni Aling Susan. Pero nang mag-squat si Mrs. Mari Chu para hawakan at nginitian ako, doon ko na-realize na totoo ang narinig ko kanina.

May bagong magulang na ako...

Teka. Hindi pwede.

"Ren-Reeeeeeen!"

Crucify You in CebuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon