Chapter 6

629 31 6
                                    

Saan nga ba ako magsisimula? Kanina ko pa tinatanong 'yan sa sarili ko dahil lost na lost na ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Saan nga ba ako magsisimula? Kanina ko pa tinatanong 'yan sa sarili ko dahil lost na lost na ako. Ang lakas ng loob kong gumawa ng bucket list pero epic fail naman ako pagdating sa pagpaplano. Kaya heto, hanggang ngayon, nganga pa rin ako.

"Ang hirap naman kasi!" reklamo ko sabay sabunot sa buhok ko. I was sitting at one of the longue chairs malapit sa beach front dahil maaga pa naman at hindi pa ganoong kainit ang sinag ng araw. Kaunti pa rin ang mga tao kaya maganda siyang pwesto para makapag-isip-isip at makagawa sana ng plano...kung hindi nga lang ako epic fail dito.

Inis na ibinaba ko ang laptop na gamit ko sa isang tabi. Ang dami kong plano sa buhay pero hindi ko alam kung saan ba dapat magsimula. Ayaw ko namang guluhin nang guluhin sina Venus tuwing may kailangan ako. They have their own lives to live at besides, I'm really not their boss so I couldn't order them around or even ask for favors every single time.

"Oslob? Pupunta ka ng Oslob?" tanong ng pamilyar ng boses sa tabi ko. Hindi ko malaman kung bakit pero para bang biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. I could already smell his perfume kahit na hindi ako lumilingon sa kanya which can mean two things. Una, sobrang lapit na talaga niya sa akin. O pangalawa, sadyang mabango lang ang pabango niya at mala-Jo Malone levels at hindi ka-level ng Baby Bench.

"Pakialam mo ba?" mataray kong sagot sa kanya sabay hablot sa laptop ko. Umusog na rin ako ng upo dahil hindi na ako komportable sa napakaliit na distansya sa pagitan naming dalawa.

"Can I join you?" tanong niya sa akin and by the looks of it, para bang excited na excited na siya sa magiging pagsama niya. As if naman hahayaan ko siya.

"Nope. Hindi. Dili. Aniyo at kung ano mang translation ng no sa iba pang lenggwaheng alam mo," mataray na sagot ko sa kanya. I honestly thought that he would follow what I just said but nope. Instead of leaving, a small smile suddenly formed on his lips.

"Leave me alone, okay? Why do you keep on appearing everywhere I go ba?" naiiritang tanong ko which I shouldn't have asked at all. Mukhang napasama pa lalo ang sitwasyon ko dahil doon.

"I like you," deretsong sagot niya sa akin, his smile still not disappearing from his lips. Okay, fine. He looked kinda cute with those Chinito eyes and the dimples on his cheeks pero nakakairita pa rin siya. I shall not be swayed by those dimples, damn it. Naloko na ako ng batang lalaking may dimples dati kaya hindi na ako magpapaloko ngayon. Promise!

"Well, I don't. The feeling is not mutual so get the hell away from me. Doon ka na sa babaeng kasama mo kahapon and stop pestering me, okay?" singhal ko sa kanya. I then closed my laptop and prepared to leave pero agad siya lumapit sa akin. Ikinulong niya ako gamit ang mga braso niyang mukhang batak sa gym at tinitigan niya akong mabuti.

Hindi dapat ako kinakabahan sa ganitong sitwasyon pero ewan ko ba. Of all the moments that I could feel nervous, bakit ngayon pa? I know he wouldn't dare to do something scandalous in this area right now pero abot langit pa rin ang kabang nararamdaman ko.

Crucify You in CebuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon