Chapter 7

988 47 11
                                    

"Okay lang ba kayo, Ma'am?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kuya Lucario

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Okay lang ba kayo, Ma'am?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kuya Lucario. He probably noticed na hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon. I was trying so hard kasi na hindi kami mapansin ni Enzo. Grabeng pagpilipit na ng katawan ang ginagawa ko just to avoid his gaze...kung sakali ngang mapatingin siya sa gawi namin ngayon.

"Nako, 'wag mo na akong pansinin, Kuya. Kumain ka lang muna riyan," sagot ko kay kuya without even looking at him.

"E, Ma'am, mukha na kayong bulateng binubuhusan ng asin diyan. Sigurado ba kayong okay lang kayo?" pangungulit ni kuya and I silently muttered a curse dahil doon. Masyado namang makulit 'tong kasama ko. Nakitang nagtatago na nga yung tao, e.

"Huwag ka nang makulit, Kuya. Please..." mahinang bulong ko sa kanya. Buti na lang at hindi na sumagot pa si kuya.

I then proceeded to call every saint that I know para lang hindi talaga ako makita nung asungot na si Enzo. When a few minutes have passed at wala naman akong naririnig na tumatawag sa akin, I silently thanked the heavens above dahil mukhang nakaligtas ako. Ang kaso, pag-ayos na pag-ayos ko ng upo, there he was, sitting so close to me, a playful smirk plastered across his annoying face.

"Ay taenang kabayo ka!" hindi ko napigilang bulalas upon seeing him up close.

Enzo chuckled lowly because of my reaction. Para bang tuwang tuwa pa siya sa nakikita niya ngayon. Shet naman kasi. Why didn't I feel his presence at all?

"Have I told you you're cute?" bigla niyang tanong sa akin.

"Uhh, no?" wala sa sariling sagot ko sa kanya. I was not even sure kung bakit ko ba siya kinakausap ngayon.

"Well, you're cute," aniya sabay kurot sa pisngi ko. Almost instantly, I felt my cheeks heating up because of it. Goddamnit. Hindi dapat ako nagba-blush sa mga ganitong linyahan!

"S-shut up! Lumayo ka nga sa akin. You're too close," sabi ko in attempt to push him away. Pero ang loko, ngumiti lang sa akin at mas lalo pang lumapit.

Agad kong sinamaan ng tingin si Enzo dahil sa pinaggagagawa niya. He came here with another girl tapos ngayon he's too close with me. Ano bang gusto niyang mangyari sa buhay niya? Collect and select? Puro add to cart pero wala namang chinec-check out?

Nang mapansin kong walang balak na umusog palaya 'tong si Enzo, tumingin ako kay Kuya Lucario. I wanted to ask for help para mapalayas 'tong mokong sa tabi ko pero nang makita ko ang mukha niya, para bang kinikilig pa siya sa nakikita niya. Juskong mahabagin. Bakit naman ganito 'tong kasama ko?

"K-kuya, tara na. Alis na tayo," pagyaya ko kay Kuya Lucario. Akala ko pa naman he would be taking the hint na ayaw ko rito sa katabi ko pero ang kaso, mukhang naging mas kampi pa siya rito.

"Ay, Ma'am, 'di ba sabi niyo magpapa-picture ka pa sa mga bulaklak kapag nakabukas na yung ilaw? Pa-picture ka na kasami si Ser! Bagay na bagay naman kayo, o," walang prenong sabi ni Kuya Lucario.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crucify You in CebuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon