Chapter 4

712 39 7
                                    

I stared at him blankly for a few seconds

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I stared at him blankly for a few seconds. Hindi dahil sa gwapong gwapo talaga ako sa kanya, ah. Trip ko lang talaga siyang titigan at magpanggap na hindi ko siya gets. Ewan ko ba. Parang wala talaga ako sa mood na makipag-usap sa kanya.

"H-huh?" parang tangang tanong ko sa kanya. I swear, pagtatawanan ako ng kapatid ko nito dahil sa pinaggagagawa ko ngayon. For someone who's pretending to be dumb, I could really pass off as a natural. Kulang na lang yata ay may maglagay ng question mark graphics sa ibabaw ng ulo ko para maipakitang 'di ko talaga gets 'tong nasa harap ko.

"Uhhh... Nagkita tayo kanina sa may pampang?" nag-aalangan na niyang sabi, probably wondering why I looked like someone who can't understand him at all. Despite that, patuloy pa rin ako sa pagpapanggap na hindi ko siya naiintindihan. Wala ako sa mood na makipag-usap at makipagkulitan sa kanya ngayon lalo na't may hinahabol pa akong pagkain. Food is life, wala akong pake sa love life!

"Hindi mo ba natatandaan? Kanina nung tinawag ka ng kasama mo..." sabi niya sabay kamot sa batok. I really had to stop myself from laughing dahil para na kaming mga ewan dito. Isang nagpapanggap na tanga, at isang nagpapaloko sa gaga.

"Ay, ambot sa imo. Wala ko kasabot nimo!" masungit kong sagot sa kanya with matching kunot ng noo pa. Napatanga na naman siya sa sinabi ko. Nang hindi na siya nagsalita, kinuha ko na ang chance na 'yon para tumakbo palayo sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Hindi siya ang priority ko. (Ay, ewan ko sa 'yo. Hindi kita maintindihan!)

Kainis talaga. Napupurnada yung pagkain ko!

Habang tumatakbo ako palayo, naririnig ko ang pagtawag niya sa akin. Mukhang naka-recover na siya sa pagkahawa ng kashungahan sa akin but never did I bother to look back at him. Aba, malay ko ba kung anong trip niya sa buhay. Sa panahon ngayon, dapat mas lamang ang busog kaysa kilig.

Dere-deretso ang naging pagtakbo ko. Pero abot langit ang lungkot at pagkatalong naramdaman ko pagkarating na pagkarating ko sa buffet area. Pasarado na ang restaurant at hindi na raw sila pwedeng tumanggap ng customers. At that time, rinig na rinig ko na ang pagkalam ng sikmura ko pero kahit na marinig naman 'to ng babae sa harap ko, at the end of the day ay isa pa rin akong bigo.

Punyemas. Pakiramdam ko puro kamalasan agad ang nangyayari sa akin simula nang magkabangga kami ng pesteng lalaking 'yon. Sana talaga hindi na kami magkita ulit!

Malungkot akong bumalik ng kwarto ko. Naihanda ko na ang sarili ko sa pangmalakasang buffet pero ang ending pala ay room service lang ang magtatawid sa gutom ko. Wala namang issue ang bayad pero hindi ko lang talaga kasi trip na umorder nang maraming putahe na hindi ko naman sigurado kung gusto ko nga ba talaga. Hindi kasi katulad sa buffet na kahit paunti-unti ay makakapili ako. I would have more freedom (and food) there. Kaso wala. I had no choice but to make do of what I have.

After checking the menu for the room service, I immediately ordered fish and chips, carbonara, steak with mashed potato and rice, a slice of red velvet cake, and fresh mango shake. Hindi ko sure kung mauubos ko ba talaga 'to lalo na't wala na nga ako sa mood kumain pero bahala na. It's better to eat something than nothing at all.

Crucify You in CebuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon