Chapter 2

837 57 22
                                    

"Bulag ka ba ha?" asik sa akin ng lalaking nabangga ko no'ng papasok ako ng foundation

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bulag ka ba ha?" asik sa akin ng lalaking nabangga ko no'ng papasok ako ng foundation. Instead of making a fuss about it, I immediately bowed and muttered my apologies. I'm not sure nga lang kung tinanggap n'ong lalaki yung apology ko since when I looked up to check on him, he was nowhere in sight na pala.

Sayang. I didn't even get to see his face. Gwapo pa naman yung boses kahit na masungit. I mentally slapped my face dahil sa kalokohang naisip ko. Now's not the time para mag-isip pa ako ng kung anong pagkerengkeng. Nauna ko pa talagang napansin 'yon kaysa sa pag-attitude niya sa akin. If I were in Korea now, baka nakipagsuntukan pa ako dahil sa nangyari.

"Relax, Cara," I whispered to myself. Pilit ko na lang pinakalma ang sarili ko at naglakad na ako papasok, hoping to see some familiar faces. Unfortunately though, hindi ko alam kung dahil sa tagal na ng panahong lumipas, halos wala na akong makilala rito.

"Anong maitutulong ko sa 'yo, hija?" tanong sa akin ng isang madre nang makita ako sa gitna ng hallway. Napalingon naman ako sa kanya at naiilang akong napangiti.

"Uhh, nandito pa po ba si Aling Susan?" Nanlaki ang mga mata ng madre dahil sa naging tanong ko. I immediately bit my tongue dahil sa sobrang kahihiyan.

At the back of my mind, I was silently reprimanding myself dahil Aling Susan pa rin ang tawag ko kay Aling Susan kahit na siya naman ang founder nitong foundation. Kahit kailan talaga, walang filter 'tong bunganga ko. But Aling Susan didn't bother to correct me rin naman kasi before! Nasanay na ako na gano'n ang tawag ko sa kanya.

"I meant Ms. Susan, the founder of this foundation?" pagtatama ko sa sarili ko. Nakita kong lumambot naman ang ekspresyon ng mukha ng madre sa harapan ko dahil doon. She then told me that Ms. Susan isn't here right now. She's taking care of some business daw overseas and it might take her a while before she comes back. Disappointed with the news, I just thanked the nun and left the foundation na. Wala rin naman pala akong mapapala rito.

Pagbalik ko sa sasakyan, gulat na gulat pa si Kuya Richard kasi ang bilis kong lumabas ng foundation. He kinda expected that I would take some time here since naikuwento na rin naman na sa kanya ni appa na dito ako nanggaling dati.

"Ang bilis niyo naman po, Ma'am? Palli palli?" tanong niya sa akin. (Hurry hurry?)

"Wala po rito yung hinahanap ko, e. Tara na po. I'll just rebook my flight para makapunta na po ako sa Cebu. Doon naman po talaga dapat ako pupunta," sagot ko sa kanya and he immediately volunteered to fix everything for me. Mula sa plane ticket hanggang sa accommodation ko, siya na raw ang bahalang mag-ayos.

Pagbalik namin sa hotel, I started packing my things already. The flight that Kuya Richard got leaves in a few hours and it's best that I keep on moving. Hindi naman uubra na mag-stay pa ako nang matagal dito sa Manila kung wala naman yung kailangan ko.

The flight, surprisingly, was not delayed. According to the reviews that I have read kasi before, lagi raw nade-delay yung mga flight to and from Cebu. I kind of braced myself for it already that's why I brought some books with me but we left Manila on time, which I'm kind of thankful for na rin. I didn't want to waste more time and I badly wanted to relax.

Crucify You in CebuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon