Chapter 5

632 31 9
                                    

I spent the whole day inside my room

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I spent the whole day inside my room. Gustuhin ko mang mag-buffet nang mag-buffet, I still wasn't feeling that well to actually go out and roam around the area. And so I just ordered everything through room service. Ilang beses ding dumaan sa kwarto ko si Venus. Minsan, kinukumusta ako pero madalas para makidukot ng pagkain at tsumismis. I'm not complaining though. Venus somehow makes things brighter. 'Yon nga lang, minsan ay sumusobra na sa daldal.

When dinner time came, doon ko napagdesisyunang lumabas na ng kwarto. Appa must have paid a lot for my stay here and I simply can't put it to waste. Kailangan ko pa rin namang sulitin ang lahat. So nagpunta na ako sa wakas sa restaurant ng resort to eat to my heart's content.

Upon entering the restaurant, nakita ko agad sina Hera at Chari. Apparently, they were assigned pala sa restaurant talaga at hindi lang kami nagkakasaktuhan whenever I visit it. Agad silang ngumiti at kumaway sa akin nang makita nila ako. Ngumiti rin naman ako at naglakad papalapit sa kanila.

"Hanap niyo po ba si Venus?" tanong ni Hera na agad kong inilingan.

"Naku, kanina pa 'yon daan nang daan sa kwarto ko. Sawa na ako sa pagmumukha n'on," natatawang sagot ko. I then scanned the area at nakitang maluwag pa sa loob ng restaurant. I breathed a sigh of relief dahil it means marami-rami pa ang pagkain ngayon.

"Parang ang onti yata ng tao ngayon?" I asked Chari na may tinitingnan sa labas ng glass walls ng restaurant. Bilang chismosang nilalang, umikot din ako para makita kung ano ba ang tinitingnan niya.

"Oh," mahinang ani ko. Napalingon naman sa akin yung dalawa dahil doon, probably wondering kung bakit gano'n ang naging reaction ko. I then tried to keep a poker face dahil wala rin namang rason para mag-react ako sa nakita ko. It was just a random guy and a random girl who happened to be flirting...except for the fact na siya rin yung ilang beses ko nang nakabanggan nitong mga nakaraang araw.

Lihim akong napailing sa kung anong naiisip ko. Nope. Hindi ngayon ang panahon para mag-isip ako ng kung ano-ano. I must focus on making the most out of this trip but that does not involve getting tangled up in a complicated relationship. Nandito ako para mag-relax at hindi para mag-ipon ng problema.

"Gusto niyo na po bang kumain? Samahan ko na po kayo sa table niyo," ani Hera na siyang pumukaw ulit ng atensyon ko. Agad akong tumango at sumunod sa kanya. Pagkain lang ang makakapagpatahimik ng pagkatao ko. Right. Sa pagkain lang ako dapat mag-focus at wala nang iba.

"Stop. Stop thinking about it. Geumanhae jebal," mahina kong litanya habang walang habas na hinihiwa 'yong steak sa harapan ko. Wala nang kalaban-laban 'yong karne pero grabe pa rin kung tadtarin ko iyon. I didn't know that a simple thing could rile me up like this. Ang labo. I wasn't raised by eomma and appa like this. I always kept my cool sa kahit na anong sitwasyon. So why was acting this way now? (Stop it, please.)

"Jejeongsiniya? Micheoseo? Guemanhae!" paulit-ulit kong bulong sa sarili ko, in the hopes na tumigil na rin ako sa pagkabaliw kong ito. When I was slowly regaining my focus, saka naman may naupo sa harapan ko. (What the fuck is wrong with you? Have you lost your mind? Stop it!)

Crucify You in CebuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon