Chapter 4

1.5K 47 2
                                    

CHAPTER 4

TUMINGIN si JOCELYN sa binata habang tinitingnan nito ang kapatid. Nahihiya siya dahil ang binata ang nag-bayad sa lahat ng bill ng kapatid, nalipat narin ito sa hospital ni Baste at ang pinili nito ang VIP room para sa kapakanan nila. Kapag naalala niyang dinadaanan at tila hindi siya nito kilala, nahihirapan at nasasaktan siya.

Galit ba talaga ito at ganito ang trato nito sa akin?

Napa-kuyom ni Jocelyn ang kamay niya ng makita ang Nurse na pasulyap-sulyap sa binata. She bit her lips. Her body pushing her to stand up and grabbed that nurse away from Baste but her mind stopping her. Bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi niya nga ako kinakausap o nilalapitan man lang.

Yumuko siyang nilalaruan ang kamay niya.

Umangat ang mukha niya ng marinig ang tawa ng Nurse. Tumingin siya sa dalawa at nakita niya ang mahinang pag-hampas ng kamay nito sa balikat ng binata. She shouldn't feel this unfathomable emotion but the way her heart sway at him, it's endless and good. Umiwas siya ng tingin at dumako ang mata sa kapatid. Ang payat-payat at putla nito.

Kasalanan ko to lahat.

Doc, I'll visit you at D's Club. I'm willing to—”

Bumaling sa kaniya ang binata.

“I'm busy”

Gusto niya mag-diwang sa narinig niya sa binata. Hindi ni Jocelyn alam kung bakit ganito ang naramdaman niya pero sumilay ang maliit na ngiti sa labi.

Malambing na tumawa ang Nurse.

Napaka-landi. Sabunutan ko kaya ito?

Umiiling siya. Bakit niya naman gagawin 'yon?

“Alam kung pupunta ka sa bar mamaya. I'll reserve your one hour at Hell. Come on, doc. It's fun to play especially in the midst of the night. Bakit ba ayaw mo akong pag-bigyan, maganda naman ako at maganda ang katawan ko”

Walang emosyon na tiningnan siya ng binata. Bakit panay tingin nito sa kaniya?

“Be professional Bea, we're in the middle of discussion—”

“Hihintayin kita mamaya, doc” She wink to Tein.

Tumingin ito sa kaniya at pinasadahan siya mula ulo hanggang paa. Sa paraan ng pag-tingin nito sa kaniya ay iniinsulto siya nito. Hindi ni Jocelyn gusto 'yon lalo't na hindi tumakas sa paningin niya ang pag-taas ng sulok ng labi ng nurse. Jocelyn doesn't like it, her hands fisted to the point she can't feel her body shaking in anger. Nanliit siya sa katotohanan na wala siyang maibibigay na buo kay Baste, may sabit siya. Kaya ba siyang tanggapin ulit ni Tein kung alam niyanghindi na siya nito mapapatawad? Kaya ba siya nitong tanggapin kapag malaman niya ang totoo?

Napaatras siya at nagising siya sa katotohanan na wala ng lalaki na tatanggap sa kaniya lalo na si Baste.

“Bea, umalis kana”

Masungit itong umalis sa harapan niya. Sinapo ni Jocelyn ang dibdib at mahinang napa-upo sa sofa na kaharap sa kapatid. If she could only restrain those uncanny feeling that enwraps on her, if she could only stop and control it. Hindi niya maranasan ang lahat ng ito, hindi siya magdudusa at mawalan ng pinaka-importante tao sa buhay niya. Pinigilan niyang umiyak ng lumapit sa kaniya si Baste.

Hindi niya ito pinansin, mas mabuti nang lumayo sila sa isat-isa kaysa ipilit niya ang tao hindi naman siya mapapatawad. She felt hopeless and worthless. Sapalagay niya lahat nalang na nangyari sa buhay niya ay walang kwenta, lahat puno ng sakit at takot.

AlphabetusSeries 2: One Wild NightWhere stories live. Discover now