Chapter 16

1.1K 34 2
                                    

CHAPTER 16

MAHIGPIT na humawak si BASTE sa cellphone na hawak niya. Bigla nalang siya nakaramdam ng paninikip ng dibdib.

Alam naman niya na delikado ang ginawa niya noon pero pinili niyang ibaon 'yun sa limot. 

Brain hemorrhage (Intracranial Hemorrhage) The bleeding occurs in the lobes, pones and cerebellum of the brain. It's too risky and dangerous in his condition right now. Kahit doktor siya, hindi niya alam kung maliligtas pa siya.

Mabigat ang dibdib na dumako ang tingin ni Baste sa dalawang mahimbing natutulog. It's too early to leave them but he need to hide this. Ayaw niyang masaktan ang mga ito at lalo na, ayaw niyang makita ng anak ang kondisyon niya. Lalo na ang kasintahan niya. Selfish na siya kung tatawagin pero ayaw niyang makita na nagdudusa at umiiyak ang lahat dahil lang sa nangyari noon sa pamilya niya. It's his fault, lahat ng nangyari sa buhay niya ay kasalanan niya.

“I-im s-sorry for everything, Mon Coeur” Mahinang bulong niya sa kasintahan at matagal na hinalikan ang noo nito.

“Im s-sorry”

Napapikit siya ng mas lalong lumalala ang kondisyon niya.

Ayaw niyang iwan ang dalawa! Pero kapag pinapatagal niya ang kondisyon niya. Baka, hindi na niya makita ang mag-ina niya habang buhay. Kailangan niya munang mag-tiis ng kunti at mawalay sa kanila.

'Sana..sana, pag-gising ko may babalikan pa ako..'

He tried not to get emotional but it's too hard to restrain his emotions. Hindi niya inaasahan na magkatotoo ang hinihiling niya noon.

Bakit ngayon pa?

“B-brace? Don't cry again ha? Babalik si Papa. Promise” Bulong niya sa anak at hinalikan rin ito sa noo.

Mabigat at nahihirapan si Baste na umalis sa tabi nila. Gulong-gulo ang utak niya sa decision na gagawin. Hindi niya rin alam kung tama ba ito?

Napatingin siya sa screen ng cellphone niya.

Lase Calling..

“G-gusto kona magpahinga, Lase” Agad na bungad ni Baste sa kaibigan.

Gusto niya tumawa ng marinig ang malakas na mura ng kaibigan.

“F*ck you! B-bakit ka tumakas?! Diba sabi ko sayo, mag-hintay ka lang sandali?!” Buong lakas na sigaw ng kaibigan, galit na galit ito sa ginawa niya. “At ano ang magpapahinga?! You can do it—we can do it.. Hindi kaba naawa sa sarili mo? Naisip mo ba ang mga taong iiwan mo ha? Paano kapag nalaman ito ng kapatid—”

“Kapag nalaman niya ang totoo. Alam ko naman magagalit si Tween sa akin lalo na si Yohanne. W-wag mong sasabihin sa kanila”

Matagal na sumagot si Lase sa sinabi niya.

“W-what? Anong sinasabi mo, Baste?!”

Ang katotohanan ang dumurog sa buong pagkatao niya.. Ang katotohanan na pinagkait sa kaniya ng ina at ama.

Kaya pala ganun nalang ang galit nila..

“I-i'm o-okay.. O-okay lang t-talaga ako. T-tanggap kona, tanggap kona ang katotohanan.” 'Yun lang ang huling sinabi niya at binaba ang tawag.

Tumingala siya at pinipigilan na pumatak ang luha na kay tagal na niyang pinipigilan.

Why?! Why?!

All this years, ako naman pala ang may kasalanan bakit nawala sila..

“K-kuya”

Inayos ni Baste ang sarili ng marinig ang boses ni Yohanne.

AlphabetusSeries 2: One Wild NightWhere stories live. Discover now