Chapter 17

1K 36 2
                                    

CHAPTER 17

HINDI si JOCELYN mapakali habang naghihintay sa kaibigan niya. It's been two weeks that Baste didn't show up with them! Dalawang linggo na niyang hinihintay ito at dalawang linggo narin na hindi siya mapakali!

Masama ang kutob niya at kinakabahan siya. Nangingilid ang luha sa mga mata niya kapag naalala niya ang pinagdaanan noon. Ito pala ang pakiramdam ni Baste nung iwan niya ito. She can't stop thinking of him over and over again. Hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa kasintahan. Okay lang ba ito? Maayos lang ba ang kalagayan nito? May kasama ba ito?

Ngayon ramdam na ramdam na niya ang ginawa ni Jocelyn noon sa binata. But, she didn't meant to leave him behind. Wala siyang choice kundi iwan ito at sumang-ayon kay Jero. Ginawa niyang masama ang binata sa pananaw ng mga tao. She's selfish and impulsive to decide in her own without telling him.

Kung sinabi niya ba noon ang totoo, magiging ganito ba ang kahinatnan?

Pinunasan niya ang luha sa pisnge ng dumating ang mga kaibigan.

“Beb, okay ka lang ba?” Nag-aalala na bungad ni Azia. Agad siya nito niyakap.

Umiling siya at napakagat ng labi.

Nagbuntong hininga ang dalawang kaibigan.

“T-tahan na, Beb. Ang iyakin mona.”

Hinagod ni Azia ang likod niya at umupo ito sa tabi niya. Minsan iniisip niya kung hindi kaya siya naging maka-sarili, mangyayari kaya ito?

“M-mali ba ang g-ginawa ko noon, Beb? Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Ito pala ang pakiramdam na hindi mo alam kung nasaan siya, kung okay lang ba siya?! H-hindi ako mapakali.. Parang.. parang may nangyayari na hindi ko alam” Tanong ni Jocelyn sa kaibigan.

Nagka-tinginan ang kaibigan pero agad rin umiwas.

“Hindi ba siya nag-paalam sayo? Nag-away ba kayo?”

Umiling siya.

Okay naman kami, diba? Ang lambing pa nga nito at lahat ng gusto ko ginagawa nito. Bakit ngayon, wala siya?!

“Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin” Mahinang bulong niya..

Kahit si Brace, hinahanap na si Baste. Palagi nalang ito umiiyak at gusto na gusto pumunta sa hospital kahit paulit-ulit na silang bumabalik doon. Wala doon ang binata!

“Hindi naman aalis si Baste kung walang dahilan, diba? He's always there for you. Sapalagay mo ba kaya niyang iwan si Brace?” Dugtong ni Mafe.

Kaya bang iwan ni Baste si Brace?

Sinakop ng mga kaibigan niya ang kamay. “Beb, sa nakikita ko. Mahal ka ni Baste, hindi mag-babago 'yun mula noon. Kaso may kinatatakutan lang ito. Hindi nga siya nagalit ng nakalimutan mo ang mahalagang araw niyo diba? I think, he's scared to be left behind again? Na, ipagpalit mo siya sa iba katulad noon.. Lalo na nakita niyang mag-kasama kayo ni Hans.”

Bumagsak ang balikat niya at nag-aalala na tumingin sa mga kaibigan. Ganun naba kasama ang ginawa niya noon?

“Kaibigan ko lang si Hans—”

Umiling si Azia..

“Kung mahal mo ang isang tao, natatakot kang mawala siya sayo lalo na't naranasan niya noon ang iwan at ipagpalit sa iba diba? Hindi naman sa wala siyang tiwala sayo, Beb.. The trauma that he experience from the past, it will never easy for him to forget or to get rid of it. You know that right? Hindi naman 'yun basta-basta mawawala, Beb. Bakit, mapipigilan mo ba ngayon ang what if mo?” Paliwanag ni Azia.

AlphabetusSeries 2: One Wild NightWhere stories live. Discover now