Chapter 14

1.2K 39 2
                                    

CHAPTER 14

MAINGAT ang hakbang ng anak ni BASTE papunta sa Ina nito. Nanginginig ang labi na tumingala si Brace sa kaniya at pilit na ngumiti. His heart bleeds seeing Brace struggling of touching his Mom.

Why? Why Brace didn't do anything to wake up, Jocelyn?

Tahimik lang itong humikbi sa tabi niya.

Kahit ang mga kamay ni Brace nanginginig sa hindi niya alam. Part of him feels frustration and he's curious that he wanted to ask Brace but he need to be careful. Ayaw niyang masaktan si Brace dahil sa nagtataka siya.

“Masaya kaba kaya ka umiiyak? Oh baka, may dapat ba akong malaman?”

Umiling ang bata at yumakap sa bewang niya.

“Nung umalis ako, hindi po dahil nawawala ako. D-dahil 'yun nakita po kita” Tumingala si Brace sa kaniya. 

Bahagya siya nagulat  sa bulong ng anak.

“A-ano?” Lumuhod siya sa anak at sinapo ang mukha nito. “B-bakit mo iniwan si Mama mo ha? Brace, sabihin mo kay Papa. I'm here, Papa's here. Trust me, okay?”

“K-kasi.. K-kasi” Yumuko si Brace at humikbi.

Bumibigat ang dibdib niya kapag naririnig ang hikbi ng anak. Parang tagos 'yun sa puso niya.

“Brace, p-please. Sabihin mo kay Papa. Please”

“K-kasi sapalagay ko pabigat lang ako kay Mama. Muntik na siyang makuha ng lalaki na 'yun dahil sa akin kaya tumakbo ako. Iniwan ko siya para makatakas siya at ako ang hahabulin nila. P-papa, bakit kasi wala ka dun? Bakit hindi mo kami kasama?”

Ang huling tanong ni Brace ang napatigil sa kaniya. Knowing he's not there for them, makes his heart crumpled in pain. Sinisisi niya ang sarili dahil sa galit niya sa kasintahan. Pero, bakit kailangan iwan niya ulit ako at sumama sa iba? Napayuko at napakuyom niya ang kamay ng maalala ang gabi na 'yun. It's so much painful that he wants to forget that night.

“I'm sorry, Brace. Hindi mo ako kasama at wala ako doon.” Napakagat labi siya at pinipigilan na umiyak sa harap ng anak. “W-wala kasi akong alam, anak. At, hindi maganda ang paghihiwalay namin ni Mama mo noon. Sana patawarin mo ako sa mga pag-kukulang ko sayo. Sa lahat-lahat, Brace. Babawi si Papa sayo, babawi ako Brace”

'Babawi ako, Brace. Kahit malaman pa ni Jocelyn ang totoo'

Pinunasan ni Brace ang pisnge niya at pinatong ang noo sa noo niya.

“Pwede po bang dito tayo matulog sa tabi ni Mama? Promise, hindi ako malikot” Inosente na tanong ni Brace.

Matiim niyang tiningnan ang anak dahil sa pag-iba nito ng usapan. Minsan, iniisip niya. Kung malaman ito ni Jocelyn, anong maramdaman nito? Lalo na at hindi lang siya ang nag-dusa, may batang naapektuhan dahil sa sariling kagustuhan noon ni Jero at ang pag-iwas at galit niya sa kasintahan. Sa huli, ang anak nila ang nasaktan ng lubusan.

Ano ba ang gagawin niya para maka-bawi at makita ang saya sa labi ni Brace?

“Oo naman, anak.”

Agad itong sumampa sa kama at maingat na humiga sa tabi ng ina nito.
Hindi mapigilan ni Baste na tumawa ng makita niya ang paninigas ni Brace sa pag-yakap sa kaniya ng ina.

“Relax, kiddos. Tulog mantika si Mama” Sinabayan niya 'yun ng mahinang tawa. But Brace put his little palm in his mouth to stop him. Nag-aalala talaga itong magising ang ina nito huh?

“Shh, Papa. Magigising si Mama. Ayoko magulat siya at umiyak. Kaya please, please. Shhh” Mahinang bulong ni Brace sa kaniya.

Gusto niyang tumawa pero masamang tiningnan siya ni Brace at sumimangot sa kaniya.

AlphabetusSeries 2: One Wild NightWhere stories live. Discover now