Chapter 23

1K 41 1
                                    

CHAPTER 23

LUMAPIT si JOCELYN kay Lase ng lumabas. Nababahala siya sa tingin at kilos ng binata. Isang oras nalang ang hinihintay nila bago simulan ang operasyon ng kasintahan. Beside all of the pain he been through, Baste always assured her that everything will be fine. Paano kung may iniinda pa itong sakit na hindi nila alam?!

Natatakot siya sa kalagayan nito!

“Lase, okay lang ba siya?”

Lase nod. May pag-alinlangan sa mukha nito.

“M-may problema ba, Lase—”

“I don't want him to give up like this, Joce. I know, there's only 25 percent to survive but Baste.. B-baste want to give you everything he have, Joce. Kayo ni Brace ang nasa isip ni Baste mula ng nangyari ito sa kaniya. Kapag daw hindi niya nagawa, nakiusap siya sa akin na sabihin sayo ang totoo” Yumuko ang doktor.

Habang si Jocelyn ay hindi makapaniwala sa sinabi ng doktor. She doesn't care about what he did before! Baste save her from that man, it's not a mistake! Gusto niya rin 'yun kahit wala siyang maalala. Hindi magagawa ni Baste na gawin 'yun kung hindi niya gusto! Kilala niya ang kasintahan! Kapag ayaw niya, hindi na ito gagawa para saktan siya!

Iiwan niya kami?! Dahil lang dun, iiwan niya kami?!

“S-sabihin mo sa akin. A-ano ba 'yun Lase? Ano ang totoo na kailangan pa niyang gawin to samin?! It's break me seeing him like this but how about him? Susuko siya dahil lang sa nangyari noon?!” Hindi niya maiwasan na tumaas ang boses niya.

Pagod na pagod ang isip niya dahil nag-aalala at natatakot siyang mawala ang kasintahan. Halos sisihin niya ang sarili dahil sapalagay niya kasalanan niya ang lahat! She can't eat nor sleep, hindi na niya naalagaan ang anak at ang baby na nasa sinapupunan niya. Hindi na niya alam ang gagawin, gulong-gulo siya at punong-puno ang puso niya dahil sa bigat na naramdaman. It's frustrated her and wanted to do something to ease his pain! Gusto niya maka-usap o makita ito pero hindi pwede dahil 'yun ang gusto nito. But, why?! Why?!

Gusto ni Lase na lapitan siya pero napatigil ito.

“Stop stressing yourself too much. Masama 'yun sayo. I'll do my best to save him but please, magpahinga ka. Hindi para kay Baste, para sa bata na nasa sinapupunan mo.”

Pinigilan ni Jocelyn na magalit ulit. Pinigilan niyang umiyak paulit-ulit. He's right, it's bad for her to stress. Baka ano pa ang mangyari sa bata kapag pinapatuloy niya ito.

“A-alam mo?” Mahinang tanong niya..

“Narinig ko si Tita at halata na ang umbok sa tiyan mo. Please, calm down and wait for my update. Okay? Ginagawa namin ang lahat para maligtas si Baste.” Tila pagod rin ang doktor habang nakatingin sa kaniya.

“Sasabihin mo ba sa akin ang totoo, Lase? Please, sabihin mo sa akin.. Gulong-gulo rin ako. Gusto ko malaman kung bakit nagiging ganito si Baste—”

“Dahil sa ginawa mo noon. Takot na takot na si Baste ma-iwan at ipagpalit sa iba. Baste love you more than himself, Joce. Nung iniwan mo siya at pinagpalit, doon rin siya nasaktan at nawalan sa sarili. He's lost and hurt to the point na gusto niya wakasan ang buhay niya. It's about his family first but when he found out about everything you did like what Tita Trisha did to Baste. Hindi na niya 'yun kaya, Joce. It's like you abandoned and betrayed him. Alam mo bang muntik na siyang nawala?”

Umiling siya. Wala siyang alam!

“He wanted to end up his life, twice but luckily Heiro's there to stop him. Alam mo ba 'yun. Kaya ayaw niyang sabihin sayo ang totoo dahil alam ko. Alam kung mahina si Baste pagdating sayo. Baka gagawa ito ng hakbang para parusahan ang sarili niya. Joce, please.. Nakikiusap ako sayo. Wag mo siyang saktan.. Wag mong saktan ang kaibigan ko. Dahil hindi mo alam ang pinagdaanan niya ng iniwan mo siya..” Nakikiusap ang mukha ng doktor habang sinasabi niya 'yun..

AlphabetusSeries 2: One Wild NightWhere stories live. Discover now