Chapter 8

1.6K 46 2
                                    

CHAPTER 8

MAHIGPIT na hinawakan ni JOCELYN ang kamay ng kapatid. Hindi niya mapigilan na umiyak ng maramdaman ang pag-galaw ng mga daliri nito. Ano bang meron kay Baste at gumagawa ng paraan si Darren na lumaban? Baste cancel all of his appointments for Darren, ito ang nag-asikaso sa lahat at ginagawa nito ang lahat para sa kapatid niya.

Agad na umiwas siya at nawala ang ngiti niya ng dumako ang tingin ni Baste sa kaniya. Jocelyn stoop down her head when she felt her cheeks crept to blush. Hindi pinansin ang nagwawala na dibdib niya.

Tumingin siya dito? Hinawakan niya ang dibdib ng maramdaman ang mainit na hindi niya maipaliwanag sa loob niya.

Jocelyn heart raced when the warm strong arms wrapped around her. Napa-awang ang labi niya at nagulat siya sa ginawa ng binata.

“B-baste, n-nakakahiya” Mahinang bulong niya sa binata.

Baste chuckled and kiss her cheeks. Uminit ang pisnge niya sa ginawa nito.

“Nah, i miss you”

Jocelyn pressed her lips together. Alam talaga ng binata kung paano siya nito pakiligin? Kanina lang sila mag-kasama pero heto sila ngayon. Hindi na humiwalay sa kaniya ang binata at ayaw rin niyang pakawalan ito.

“H-hinihintay kana nila, mahiya ka nga” Nahihiya siyang tumingin sa pinsan ni Baste at kaibigan nitong umiiling sa kanila.

“Ang g*gu nagpapalambing!” Mahinang asik ni Lase.

Ngumiwi ang pinsan nitong tumingin sa kanila. “Nakakainggit kahit minsan hindi siya nagpapalambing sa akin”

“Yeah, nagseselos ako”

Sinamaan ni Baste ng tingin ang mga kaibigan niya.

“Don't mind them, Baby.” Mas lalong humigpit ang yakap nito sa kaniya. What's wrong with him, he's too sweet and clingy.

“S-sige na, hihintayin naman kita.”

Ngumuso ang labi ng binata.

Pinalakihan niya ito ng mata. He want to kiss her infront of his cousin and friend? Hindi makapaniwala si Jocelyn na tumingin sa binata.

“N-nakakahiya, nakatingin sila dito. Mamaya nalang”

Umiling ang binata sa kaniya. “I want now, kiss me”

“B-baste”

Sumilip si Jocelyn sa likuran ng binata at naka-ngisi ang mga itong tumingin sa kanila.

Napakagat labi siyang tumingala sa binata. He's grinning from ear to ear while waiting for her to kiss him. Hindi niya alam pero kinikiliti ang nasa ibaba niya dahil sa tension na nangagaling sa katawan nila ng binata.

Nahihiya na dumukhaw siyang hinalikan ang binata sa labi.

“H-happy ?”

Sumilay ang matamis na ngiti ng binata at tumango sa kaniya. Hindi parin ito umalis, matiim itong tumingin sa kaniya at ginulo ang buhok niya.

“B-baste, bumalik kana doon.”

“Kapag nagutom ka, sabihin mo sa akin at kung pagod ka pwede kang magpa-hinga sa office ko. Don't worry about Darren, ako na ang bahala sa lahat. Hindi mo kailangan na bantayan siya magdamag, ayoko mapagod ka” Malambing na bulong sa kaniya ng binata. 

Tumango siya sa binata at ngumiti dito. Minsan iniisip niya, kailangan ba talaga niyang sundin ang ibang tao para sa hinahangad niya? Kaya niya bang saktan ang lalaking ginawa ang lahat para sa kaniya? Kaya niya bang iwan ito?

AlphabetusSeries 2: One Wild NightWhere stories live. Discover now