Chapter I - Firework Show

35 5 0
                                    

Today is December 31, New years eve. Nandito si David, sa Luneta Park para manood ng fireworks. Habang naghihintay, napag-isipan ni David na maglaro muna habang wala pa ang show. Nakatitig si David sa mga tao habang naglalaro, pero huminto siya agad, may napansin siyang kaka-iba sa mga tao, lalong lalo na sa isang partikular na tao, isang napakagandang babae. Gusto niya itong puntahan kaso, biglang nagsimula na ang Fireworks show. 

Natapos na ang firework show, at napag desisyunan ni David, na umuwi na siya, at ng  biglang may umakbay sa kanya, si France, kaibigan niya. 
"David, uuwi kana aga pa oh" banggit ni France na may dalang kasiyahan sa mukha.  " Oo, France kailangan eh" sagot naman ni David, na may halong pag-aalala.  "Hay naku David, New year na ngayon, mamaya kana umuwi, ikaw lang naman sa bahay mo. Ganto nalang, kain muna tayo samin, madaming chicks dun," sagot ni France na may kasamang biro at halikhik.
Pumayag si David na sumama kay France dahil nagugutom na rin siya at ayaw niya rin gumastos ngayon kasi, naniniwala siya sa kasabihan na bawal gumastos sa bagong taon. 
Pagkadating nila sa bahay ni France, may napansin agad si David na kakaiba, na parang paru-paro na lumilipad sa kanyang puso, at nakatitig siya sa isang napakagandang nilalang sa balat ng lupa, siya yung babaeng nakita niya sa Luneta. Nagulat si David at napaisip, bakit siya nandito, hala bakit, pinsan ba siya ni France, ano to?. 

France POV:
Nang dumating kami ni David, sa bahay. Nagtaka ako, ba't huminto siya? May problema ba?. Tiningnan ko siya at yun na nga tama ang aking hinala, huminto at nakatitig sa pinsan kung si Anna. Hay naku David di ka parin nagbago. Sinipa ko ang kanyang paa, at yun nagulat siya sa ginawa ko." Hoy David, na inlove ka na naman agad? " binibiro ko habang  tumatawa sa kanya. "Tumigil ka nga dyan France, di ako mabilis ma-inlove." sagot naman ni David sa tanong ko. " Hindi raw, sus David kilala kita, bestfriend na tayo simula elementary".  Oo, tama ang iyong narinig, kaibigan na kami ni David simula nung Grade 3. Nagsimula ang pagiging kaibigan namin noong may nag bully sa kanya. Nerd kasi tong Hearthrob nyo.
"Oo, kaibigan nga tayo dati pa. pero mali ka lagi." sagot ni David sa sinabi ko sa kanya.   "Oo na, hindi na,  tara pasok na tayo, pakilala kita sa mga pinsan ko. " 
 Nasa living room na kami, at napapansin ko pa rin si David na nakatitig sa pinsan kong si Anna. Kaya napag-isipan ko na kausapin si Anna at siya ang mag first move, kasi torpe to si David, di marunong makipag-usap. Kasi daw siya ay isang introvert. Intorvert in my face, bahala ka diyan kiligin mamaya. 

Napapayag ko na si Anna, na kausapin niya si David at ako naman ay excited makita ang reaksyon ni David. Masama na ba akong kaibigan? Di naman siguro, basta tawa lang tayo mamaya. 

David POV: 
Nandito na kami ni France sa bahay nila, kausap ko ang mga magulang niya.
 Oo, close kami ng parents niya, para na nga'ng pangalawang magulang ko na sila. Legit kasi ang kanilang pinapakita sakin, hindi katulad ng mg magulang ko na always work lang ang alam, wala ng time sila sakin. Yes, only child, lang ako kaya nakukuha ko lahat ng gusto ko. Pero di yun sapat, dahil syempre anak din ako kailangan ko din ng time and affection, especially ang love and care ng isang magulang. Pero ok na yun, nandito naman mga parents ni France. 
" Iho, may girlfriend kana? di kapa nagkka-girlfriend, abay mag asawa kana, ang tanda mo na" gulat na tanong ng mama ni France, na si Tita Daffney. "Ah, tita naman, alam nyo naman na torpe akong tao, di ko gusto kumausap ng ibang tao." sagot ko sa pabiglang tanong ni Tita. Oo, single pa ako, at ako rin ay introvert. Mas kilala sa tagalog na mahiyain. Mahiyain na talaga ako simula pa nong bata pa ako. Nasanay kasi ako na nasa loob lang ng bahay. Home schooled ako noong kinder hangang grade 2. At noong Grade 3 don ko na nakilala si France. 
"Abah, iho ang tanda mo na, 20 kana, magsimula kana maghanap ng iyong magiging ilaw ng tahanan." banggit ni Tita Daffney. "Tita naman, ayaw ko pa po, di pa ako tapos mag-aral. Teka asan ba si France?" sagot ko naman sa sinabi ni Tita sa akin. 
Lilingon sana ako sa likod ko, upang hanapin si France ng biglang may kumausap sa akin na babae.
 OMG, ang cute ng boses. Nahihiya na ako agad.
"Hi, ikaw ba si David?" tanong ng misteryosong babae na nasa likuran ko. "Ah, oo ako nga si David" sagot ko sakanya, at ng tiningnan ko ang mukha. 'OMG bat si Anna!  pinsan ito ni France.'

At nahimatay si David, sa pagkagulat ng makita niya si Anna. 


Makalipas ang gabi, nagising nalang si David sa kuwarto ni France. 


"Oh, gising kana pala, kamusta? sarap ng tulog mo ah." bungad na pang-aasar ni France sa kaibigan niya. 
"Wag ka nga muna mang-asar, di ko maalala yung nangyari kagabi." naiinis na sagot ni David
"Oo, na chill ka lang, natatawa ako sayo." sagot ni France, habang nagpipigil ng tawa.
"May nakakatawa ba?" naaasar na sagot ni David. 
"Wala ngayon, kahapon meron." sagot ni France, na di na mapigilan ang tawa. 
"Kwento mo nga sakin, anong nangyari kagabi" saad ni David, na pinipilit si France. 

Pinipilit ni David si France na ikwento sakanya ang lahat ng nangyari kagabi, dahil di niya ito maalala.
Napapayag rin niya ito, pero may kapalit. 
" Oo, na sasabihin ko na. Pero sa isang condition, dapat mong ligawan si Anna." tawang tawang sagot ni France.  " Oo na, gagawin ko na yan." napilitang sagot ni David. 

" Sige, ito lang naman ginawa mo. Pagkatapos kang kausapin ni Anna, sumigaw ka bigla, lumabas ka, nagsasayaw sa gitna ng kalsada, nagtatalon-talon sa sala at sa kusina, hinagis mo lang din naman yung pusa ko sabay sabi, go pikachu, pero dun kami nabigla nung tumalon ka sa may pinto at nauntog ka, sa may bakal, ayun bagsak. Natalo mo pa yung lasing David." nagpipigil sa tawa nagkwento si France sa nangyari kay David kagabi.

Di makapaniwala si David, sa nangyari at nagtago sa kumot ng dahil sa kahihiyan. 

I Got TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon