Chapter VII- France Presepyo

3 3 0
                                    


"Sino ba namang hindi makaka-alam ng pinaplano mo, eh bukang bibig mo yan kanina. Naririnig kaya kita. Dapat kasi kapag mag-plano tahimik hindi yung maingay." tawang sagot ni Anna sa tanong ko sa kaniya kung paano niya nalaman na ipa-prank ko siya.

"Kaya inunahan na kita" dagdag nitong sabi kahit na tumatawa. .

Habang tumatawa siya, napadilat nalang siya ng tumunog ang kaniyang sikmura, mas malakas pa sa tawa niya. Niyaya ko siyang kumain, dahil nagugutom na rin ako,. Ito ang first time na makakasabay ko siyang kumain.

Nagkukuwentuhan kami habang kumakain ng may napansin ako sa pinto na sumisilip. Ang pinto kasi ng hospital ay may maliit na salamin sa may taas nito o kaya sa ibang kuwarto ay dito sa may handle nakalagay.

Tinanong ko si Anna kung may bibisita ba sa akin ngayon, pero sabi naman niya ay wala. Ibig sabihin lang nito, kami lang dalawa ang magkasama ngayon. Nahahalata kong gustong pumasok ng lalaki dito sa kuwarto. Kaya dali-dali akong tumayo at pumunta sa may pinto. Napansin ito ng lalaking nakasilip sa labas, kaya hindi na siya sumisiilip sa salamin. Sinabihan ko kaagad si Anna, kapag may mangyari sa'kin tawagan niya kaagad si mama.

Bubuksan ko na ang pinto ng kinabahan ako kaagad, baka mangyari na naman sa akin yung nanagyari nakaraang linggo, bahala na basta safe lang si Anna. Pagkabukas ko ng pinto, isang matangkad na lalaki ang nakita ko, pagtingin ko sa mukha napangiti ako dahil si France lang pala ito.

Pinapasok ko kaagad siya para makapagpahinga ito, kakagaling lang niya sa school at bumiyahe pa siya dito para bisitahin ako. Di siya makapaniwala na gising na ako, niyakap ko siiya kaagad dahil excited akong makita siya.

________________________

France POV:

"Nakakainip naman ng klaseng ito, buti naman last na'to.' sabi ko sa sarili ko habang nakikinig sa professor namin sa Biostatics. Ako ay 3rd-year student ng Bachelor of Science in Nursing. Ngayon ay last subject na namin at hindi na ako mapakali dahil nagtext sa'kin si Anna na gising na ang bestfriend kong si David. Naghintay akong mag bell dahil ang professor namin ay nagkukwento na naman sa past love-life niya na tragic naman ang ending. Biruin mo naman, hindi na nga everyday pumapasok si prof pero ang daldal niya kung tatanungin tungkol sa love-life niya noong binata pa siya.

Anyway, balik tayo kay David, nasa labas na ako ng school which is the University of Makati, same kami ng pinapasukan ni David kaya excuse siya ngayon dahil sinabihan ko ang mga proffesor niya na naaksidente siya.

Nandito na ako sa parking lot at pasakay na ako ng motor ko ng may napansin akong nakadikit na papel sa headlight. Kinuha ko ito at binasa.

"Pumunta ka sa basement"

- N

Pagktapos kung basahin ang sulat, tumakbo ako kaagad papunta sa basement upang puntahan ang taong sumulat nito. Pagkarating ko sa basement, may isang lalaki ang lumapit sa akin at hinila ako.

"Bakit? Sino kaba?" galit na tanong ko sa lalaking humila sa'kin.

"Alam ko lahat ng mga ginagawa mo." pasigaw na sagot ng lalaking humila sa akin.

Kinabahan ako sa sinabi niya, anong nalalaman niya sa akin? napaka-secretive kung tao, imposibleng malaman niya lahat ng mga ginagawa ko.

"Kuya, ano bang ibig mong sabihin? may kailangan ka ba sa'kin? pasimpleng tanong ko sa kaniya. Nahahalata ko sa mga mata niya na namumula at nanlalaki, sa tingin ko adik itong kausap ko.

"Alam kong nagbebenta ka ng shabu, kaya sana naman pagbilhan mo ako." pagmamaka-awa ng lalaki habang nakahawak sa binti ko. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman ako nagbebenta ng shabu.

I Got TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon