Chapter X - Ang pag-alis ni Anna

6 1 0
                                    

Naging tahimik ang mga buhay ng pamilyang Presepyo. Lahat ng mga tao ay nakikiramay sa kanila. Labis ang sakit na naramdaman nila hanggang ngayon na halos mag iisang buwan ng wala ang kanilang minamahal na parte ng kanilang pamilya. Ang kanilang mapagmahal na ina, ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari sa kaniyang bunsong anak. Panay iyak pa rin nito, pero hindi niya ipinahahalata sa kaniyang mga anak na lagi siyang umiiyak dahil alam niyang pag nalaman nila ito ay malulungkot sila at maaawa sa kaniya.

Isang buwang walang halos nangyari sa kanilang buhay, araw-araw bumibisita sa puntod sila David at Anna. Halos araw-araw silang nakakakita ng sulat na iniiwan ng mga taong bumibisita sa puntod ng kaniyang kaibigan.

"Gone from our sight, but never from our hearts." "Our thoughts and prayers are with you." "I wish you healing and peace." "I hope you feel surrounded by much love." "We are so sorry for your loss." "We are thinking of you during these difficult times."

Ganitong mga sulat ang halos nakikita nila araw-araw. Walang mga pangalan kung kanino nanggaling. Hindi naman nagtataka sila David, dahil halos araw-araw may mga tao silang naabutan sa puntod ng kaibigan niya.Halos hindi pa rin siya makapaniwala dahil bigla lang nawala ang kaniyang kaibigan. Masakit pa rin ito lalo na kay Anna, na ang pinaka-close cousin ni France. Siya ang laging nakaka-usap, kapag may problema si France. Si Anna lang ang laging nakaka-alam sa mga nararamdaman ng pinsan niya. Isang buwan na pero hindi pa rin nila tanggap na wala na siya.

__________________

Isang panibagong araw, panibagong buhay ang kanilang kinakaharap. Si Anna ay babalik na sa US para mag-aral na. Si David naman, ay malapit na matapos ang kaniyang school year. Lahat nagbago sa kanila, ang kanilang buhay ay naging tahimik at walang ka buhay-buhay.

"Babalik ka paba dito?" tanong ni David habang kausap si Anna sa telepono. Si David ay papunta sa apartment ni Anna para sunduin siya at ihatid sa Airport. Mamayang tangahali ang flight niya, kaya nagmamadali na si David na sunduin siya, dahil ma-traffic ngayon dahil na rin ay kakatapos lang umulan.

"Oo naman, hindi ako puwedeng hindi bumalik dito, bilisan mo kaya magmaneho at mag-focus ka sa daan." sagot ni Anna habang naghihintay sa kaniyang bahay. Naging magka-close na magkaibigan silang dalawa ng palagi silang magkausap at nagdadamayan ng dahil sa pagkawala ni France. Naging mabuti ang pakikipagtungo nila sa isa't isa. Wala na ang mga hiyang nararamdaman nila. Minsan kapag magkasama silang dalawa, napagkakamalan silang magkasintahan ng dahil sa pagiging sobrang close nila.

Nakarating na si David sa apartment ni Anna. Pagka-akyat niya sa unit ni Anna, may narinig siyang pumutok sa loob. Kinabahan siya kung may masamang nangyari sakaniya kaya dali-dali itong pumasok at pagkapasok niya. Nakita niya si Anna may dala-dalang frying pan na may lamang popcorn.

"Bat ganyan mukha mo?" nagtatakang tanong ni Anna kay David.

"May narinig kasi akong sumabog" sagot ni David sa tanong ni Anna.

"Ah,. yung popcorn lang yun, nag-crave kasi ako kaya babaunin ko ito" sagot ni Anna kay David. Natapos na si Anna magluto ng popcorn, nilabas na ni David lahat ng mga bagahe ni Anna at isinakay na niya sa kotse. Lumbas na rin ng apartment si Anna.

Sumakay na sila sa kotse at dumiretso na sa airport.

________________

Tahimik na nagmamaneho si David dahil dinaan niya ito sa EDSA, ayaw niyang iakyat sa skyway dahil ayaw niyang magbayad ngayon.

Nag-aalala na si Anna baka hindi niya maabutan ang flight niya dahil nasa Magallanes pa lang sila at hindi pa nakaka-alis sa makati, sobrang traffic na.

Dahil ayaw ni Anna mahuli sa flight niya, inihiga niya ang upuan ni David, at inalis ang seatbelt niya at tinulak siya papunta sa back seat. Umupo si Anna sa driver's seat, at inayos na ang upuan. Wala ng magawa si David, dahil ayaw niyang mag-away sila kaya tumahimik nalang ito at tiningnan niya si Anna kung ano ang gagawin.

Nabigla si David ng makita niyang inapakan kaagad ni Anna ang accelerator, tinakpan nalang niya ang mga mata niya , ayaw niyang makita ang kaniyang sasakyan mabanga.

Lumipas nalang ang mga ilang minuto hindi pa rin tumitingin si David dahil pakiramdam niya sobrang bilis magmaneho ni Anna.

Dahil sa sobrang bilis ng pagmaneho ni Anna, nabigla nalang si David ng pagdilat niya nasa airport na sila.

"Teka? paano nangyari to? diba nasa Makati pa tayo?" gulat na gulat na nanlalaki ang mga matang tanong nito kay Anna. Mahahalata sa mukha niya ang pagkabilga.

"Duh, ang tagal mo magmaneho tsaka bat mo sinusundan kanina yung traffic?"

"Huh? Paki-explain nga Anna ba't ang bilis na'tin nakarating?"

"Inakyat ko lang naman saskyan mo sa Skyway, walang sasakyan kahit isa duon" seryosong tugon nito sa mga tanong ni David. Hindi inakala ni David, na makakarating sila ng halos 30 minutes ang na save nila sa pagbabiyahe. Nakarating si Anna, dalawang oras at kalahating maaga sa schedule ng flight niya.

Nagpaalam na si Anna kay David, at pumasok na sa airport. Naiwang mag-isa habang nakatitig sa paalis na si Anna. Mag-isa nalang ngayon, wala na siyang kaibigan na malalapitan. Bumalik siya sa kotse at nagmaneho na pauwi.

Mag-isa nalang si David, wala ng kaibigan ang dadamay sa kaniya.Wala ng kukulit sa kaniya. Para maalis ang lungkot na nararamdaman niya, nagsisikap na siyang mag-aral para makalimutan ang lahat ng nangyari sa mga nakalipas na mga buwan.

_______________________

Isang buwan na ang lumipas. Pauwi na si David, galing ng University ng may van na huminto sa kaniya sa harap ng gate. Hindi niya dinala ang kaniyang saskyan dahil mas gusto na niyang magccommute dahil nakakasalamuha na siya ng ibang tao, at nagkakaroon siya ng mga kaibigan sa pag-commute.

Hinila si David ng mga lalaki papasok sa van at isinara na ang pinto agad. Agad namang tinkapan ang mga mata ni David ng panyo na mabaho. Na-kidnap si David!.

Habang umaandar ang van, tinanggal ng mga lalaking kumidnap sa kaniya ang panyong itinakip sa mata niya.

"David, makipagtulungan ka sa'min, alam namin ang mga masamang ginagawa ng papa mo".

'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Got TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon