Chapter IX - Ang pagkamatay ni France

4 1 0
                                    

"Sana naman ay mapunta ka sa mabuting kamay"

Yan ang salitang binitawan ko ng makita ko si France papa-alis sa basement parking ng tinitirahan niyang condo. Naiwan akong hinihingal habang nakatingin sa papalayo kong kaibigan. Sana naman ay walang mangyari sa kaniyang masama.

Habang hinahabol ko pa ang aking hininga ay tumunog ang aking cellphone, tumatawag sa akin si Anna. Sinagot ko naman ito, baka tungkol kay France ang sasabihin niya.

"David, si France!" umiiyak na imik ni Anna sa kabilang linya. Nagulat ako ng marinig ko ang boses niya na umiiyak. Alam kong may hindi magandang nangyari.

"Bakit? nandito ako sa condo niya" sagot ko sa pasigaw na iyak niya.

"Wala na siya!" umiiyak na sagot ni Anna. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya dahil nakita ko pang umalis si France sa harap ko. Kaya agad akong pumunta sa bahay ng magulang ni France para alamin ang katotohanan.

Pagdating ko, maraming tao sa labas ng bahay nila. Pagkababa kong kotse lumapit kaagad sa akin si Tita Daffney

"Iho, yung kaibigan mo wala na" maiyak-iyak na sabi nito sa akin.

"Nasa morgue pa ang bangkay niya kaya hintayin nalang natin dito" dagdag pa niya. Niyakap ko kaagad siya, dahil alam ko ang nararamdaman niya. Bilang isang ina, masakit na mawalan ng anak.

Sabay kaming pumasok ni Tita Daffney sa bahay nila, pagkapasok ko nandun na si mama at kausap ang mga kapatid ni France. Nilapitan ko si Anna at tinanong kong ano ang nangyari at bakit anong dahilan ng pagkamatay ni France. Ituturo pa sana niya ako na itanong ko nalang kay tita ang nangyari sa kaibigan ko pero pinigilan ko siya kaagad, dahil alam kong masakit ikuwento ang mga nangyari sa ibang tao. Mas gugustuhin pa ng ibang magulang ang magpag-isa kapag nangyayari ito.

Ikuwento na nga ni Anna sa akin ang nangyari sa pinsan niya. Nalaman daw nila ng may isang lalaki ang tumawag kay tita Daffney na nagpakilala na kaibigan o katrabaho ni France. Nakita raw siyang tulog sa loob ng banyo. Ginising nila ito pero hindi ito gumagalaw, kaya itinakbo na nila kaagad sa hospital Pagkarating sa emergency room, idinkelara na ng mga doctor si France na 'death on arrival' ibig sabihin kanina pa namatay siFrance. Wala na siya ng makita siya sa loob ng banyo.

Nakita na nila tita at mga kapatid niya ang bangkay ni France, hinihintay nalang nila na dumating ang funeraria para ihatid ang kabaong niya dito sa bahay. Dito naisipan iburol ni tita ang anak niya dahil mag-iisang taon na itong hindi umuuwi para matulog dito.

Dalawang oras na tahimik ang namumuhay sa buong bahay ng pamilyang Presepyo. Nabasag lang ang katahimikan ng dumating na ang funrearia at nagsimula na silang mag- arrange para may ikalagyan ang kabaong ng aking kaibigan. Natapos sila at sumunod namang dumating ang sasakyang may dala ng kabaong ni France. Habang pinapasok siya, si Tita Daffney ay walang humpay sa pag-iyak dahil ang kaniyang anak, sa wakas ay nakauwi na para matulog, pero ngayon ay pang-habang buhay na.

Hindi pa rin ako makapaniwala kahit nakikita ko na siya nakahiga sa harapan ko Nakita ko pa siya kanina nagmaneho ng kaniyang motor, pero sa isang iglap lang na nawala siya sa paningin ko ay nagbago ang lahat.

Isang araw lang ibuburol si France, ililibing na siya kaagad dahil labis na nasasaktan si Tita Daffney kapag nakikita niya ang kabaong ni France. Naalala niya ang lahat ng mga panahon na maliit pa siya, siya lagi ang nagbabantay. Si Tita na ang naging ama kay France, dahil noong habang pinagbubuntis pa niya iyo, iniwanan siya ng kaniyang asawa.

Napakasakit talaga na isipin, na ang anak mong nag-ahon sa inyo sa kahirapan ay mawawala nalang ng parang bula sa mundo.

Magdamag kaming gising ni Anna at ibang kamag-anak nila. Inaalala ang mga masasayang ala-ala na kasama si France. Lahat ay nagtawanan ng maalala ang mga napakawalang hiyang ginawa ni France sa kanila.

Alam naming masakit na mawalan ng kaibigan o kamag-anak pero kaya naming tanggapin ito para lang makita ng aming yumaong mahal sa buhay kung saan man sila ngayon ay masaya kami. Masaya kaming nakita naming hindi na sila naghihirap sa mapanakit na mundong ito.

Nakatulog na ang iba naming kasama, kami nalang ni Anna ang naiwang gising. Madaling araw na at may sikat na ng araw,. napag-isipan namin na maglakad-lakad muna para mabawasan ang mga emosyong dala-dala namin.

.

"Paano mo nalaman na wala na France?" pabiglang tanong ko sa kaniya na halatang nagulat siya.

Hindi siya nakasagot kaagaad pero naintindihan ko naman, masakit sa kaniya na sabihin yun dahil sobrang close nilang mag-pinsan. Bumalik sa alaala ko ang mga napagkuwentuhan namin ni Anna noong nasa hospital pa ako. Kanina lang ako nakalabas pero marami ng nangyari agad. Ang naalala ko sa napag-usapan namin ay, kahit na nasa US pa si Anna ay lagi na silang magka-usap ni France, mahahalata mo talaga na close sila dahil sa pamamaraan ng pagkuwento niya sa akin. Masaya mang isipin na magkalapit sila sa isa't isa, pero hindi pa rin mawawala sa isip mo na ang pinaka-close mong tao sa buong mundo ay wala.

"Nalaman ko dahil tinawagan ako kaagad ni tita" hindi ko akalain na sasagot siya. Tiningnan ko siya at nakita ko na tumutulo na ang mga luha niya, pinunasan ko ito at nagkatinginan kami. Naging awkward ang mga sandaling ito para sa aming dalawa, pero nanaig pa rin ang pagdadamayan ng bigla niya akong niyakap.

"Alam kong masakit para sa iyo dahil close kayong magpinsan. Pero andiyan na yan, kailangan nalang nating tanggapin na wala na talaga siya sa mundong ito." pa simpleng bulong ko sa kaniya habang nakayap parin siya sa akin.

"Nandito lang ako sa tabi mo hindi ako mawawala" pahabol kung sabi sa kaniya bago siya bumitaw sa pagkayap.

Umuwi na kami ng sumisikap na ang araw. Nagmadali kami dahil ang oras ng libing ay mamayang tanghali. Pagkarating namin, ang mga kapatid ni France ay todo na sa paglilinis ng lulutuin para sa padasal. Bilang isang lalaki, tumulong na ako kaagad sa paghiwa ng karne at si Anna naman ay dumiretso na rin sa paghiwa ng mga gulay. Natapos ang lahat ng pagluluto isang oras bago ang padasal. Nagsidatingan na ang mga taong dadalo sa padasal para sa labi ni France.

Halos lahat ng pumunta ay mga matatanda, siguro na rin dahil ang occasion na ito ay mga matatanda nalang ang gumagawa.

Natapos na ang padasal at unti-unti ng naglilinis ang mga kapatid ni France. Dumating na ang hearse o yung sasakyang magdadala sa kabaong sa huling hantungan niya. Papunta na kami sa simbahan para sa huling basbas ng pari para kay France.

Sa pagdaan namin sa mga bahay, ang ibang mga tao ay humihinto at naghahagis ng barya, ang iba naman ay tinatanggal nila ang mga sumbrero nila at inilalagay sa may dibdib nila. Ngayon ko lang nakita ang ganitong mga eksena kapag may pumanaw.

Twenty minutes na walang nagsasalita, tahimik lang ang nanaig sa buong pamilya ng Presepyo at sa mga nakakipag dalamhati sa kanila. Napatid lang ang katahimikanng makarating na ang hearse sa simbahan at naipasok na ito sa loob.

Habang binabasbasan ito ng pari, humahagulgol na sa iyak si Tita Daffney, naka-alalay sa kaniya ang n anak niya na si Fernand.Panganay sa magkakapatid.

Lahat ng mga tao na nakikiramay ay makikita mo sa kanilang mga mukha ang lungkot na kanilang nararamdaman habang nakikita ang pamilyang Presepyo na umiiyak habang nagpapaalam sa kanilang yumaong parte ng kanilang pamilya.

Hinatid na si France sa kaniyang huling hantungan, sa may Manila South Cemetery siya ililibing katabi ng kaniyang lolo at lola na sobrang close sa kaniya. Habang papalapit kami sa cementeyo. Nakaramdam ako ng malamig na hangin na dumaan . Hindi ko lang ito pinansin dahil malapit kami sa may mga puno kaya normal lang ito. Pero hindi ito tumigil hanggang sa makapasok kami sa loob ng cementeryo. Nawala nalang bigla ang malamig na hanging nararamdaman ko ng nahimatay kakaiyak si Tita Daffney ng makita niyang ipinasok na sa loob ng kaniyang grave si France. Napa-iyak nalang din ako dahil simula't sapol ay magkaibigan na kami.

Lahat ng mga naranasan ko sa buhay ay dahil sa kaniya. Siya ang kaibigan kung hindi ako pinabayaan, siya ang naging kuya ko ng wala akong karamay sa mga problema. Siya rin minsan ang nag-aalaga sa akin kapag may sakit ako. Napaka-greatful ko na nagkaroon ako ng katulad niyang kaibigan.

'France, kung saan ka man ngayon. Sana maging masaya kana, wag ka ng mag-alala sa pamilya mo. alam naming masama ang iyong pamamaraan sa kumita ng pera, pero kung ang dahilan mo naman ay iangat ang estilo ng pamumuhay ng iyong pamilya. Naiintindihan kita. Kahit bigla mo kaming iniwan, hindi pa rin ka namin kakalimutan, Kaya paalam at salamat sa lahat.'

I Got TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon