Chapter III - Goodhear Corporation

8 3 1
                                    

Nasa bahay na ako at nagluluto ng aking hapunan para kumain. Day off ngayon ni Yaya Beka, kaya ako ang nagluluto ng aking pagkain. Ang niluluto ko ay fried egg lang naman, di ako marunong magluto kasi. Habang kumakain ako tumunog ang telepono, tumayo ako upang sagutin ito. Ng nasagot ko na, biglang nag-iba ang aking mood dahil narinig ko ang boses ng aking ama. "David, kumain kana?" tanong ng isang lalaking malalim ang boses sa kabilang linya. "Oo, wag ka ng mag-aalala sa akin" sagot ko naman na mahahalata sa boses ang pagkawala ng mood ko. Binaba ko na agad, at bumalik sa lamesa upang kumain.

Pagkatapos kong kumain, may kumatok sa labas, nakakapagtaka dahil wala naman akong ine-expect na bibisita sa akin ngayon. Pagbukas ko ng pinto, wala namang tao kundi may isang malaking karton na may nakasulat sa taas na "Son, This is for you from mama". Natuwa ako, dahil naalala ko na may pinapabili pala ako sa aking mama at buti nalang di niya nakalimutan, di katulad ng aking ama. Pinasok ko na agad ang package at dali-dali itong binuksan, at pagkabukas ko ng package ay umabot sa tenga ang aking ngiti dahil nandito na ang bagong PC na pinabili ko kay mama.

Agad ko itong inayos upang magamit ko na ito. Pagkatpos ng 20 minutes ay nasi-ayos ko na at sa wakas ay may bagong PC na ako dito sa kuwarto. Dali-dali akong umupo upang maglaro ng Cities Skyline.

Madaling araw na pero hindi pa ako inaantok at patuloy pa rin ako sa paglaro, ng biglang tumunog ang aking cellphone dahil tumawag si France. Sinagot ko ito at nabigla ako dahil si France ay sumisigaw, "David! tulong" pagkatapos nun namatay na ang call. Tinawagan ko siya ulit pero hindi na ito sumasagot. Trinack ko agad ang number ni France, at nakita ko malapit siya sa airport, bakit nasa airport siya na taga- Makati lang naman siya at wala naman siyang gagawin dun.

Pinuntuhan ko ang location ng cellphone ni France, at pagdating ko sa location ay nakita ko lang ang cellphone ni France. Pag-ikot ko sa lugar may nakita akong sulat na may lamang parang IP address ng isang website. Umuwi ako agad at hinanap ko agad ang IP address na nakasulat sa papel, at laking gulat ko ng ang IP address na nahanap ko ay ang IP location ko dito sa bahay. Nagulat at kinabahan ako ng biglang may pumasok sa bahay ko na mga lalaking may dalang armas at naka bulletproof vest. Pinadapa nila ako at pinatatahimik. "Ikaw ba si David?" tanong ng isang lalaking parang siya ang leader ng grupong ito. "Oo, ako si David, bakit kayo nandito? anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa lalaki na mahahalata mo sa boses ko ang pag-aalala sa aking sarili. Kinabahan ako ng pinusasan ako ng isang lalaki na nasa likuran ko at nagsalita ang lalaking nagtanong sa akin at sinabi, "David, inaaresto ka namin sa salang kidnapping, may karapatan kang tumahimik lahat ng salitang iyong sasabihin ay puwedeng gagamitin upang ilaban sa iyo." Ako ay napatahimik ng ilabas na nila ako sa bahay ko at lahat ng tao sa labas ay nakatingin sa akin na parang may nagawa akong malaking kasalanan.

Nasa presinto na ako at ako lang mag-isa, wala akong kasama dahil ayaw kong tawagin si mama dahil alam kong mag-aalala lang yun sakin at may sakit din siya sa puso. Kinausap ako ng isang police at tinanong ako kung bakit ako nandito at wala akong kibo dahil hindi ko alam ang sasabihin. Nabigla ako ng sabihin niya na nandito daw ako dahil kinidnap ko raw si France. Nanlaki ang aking mga mata ng marinig yun, ako kikidnapin ang nag-iisang kaibigan ko. Di pa naman sira utak ko para gawin yun sa napaka-importanteng tao sa buhay ko. Di ako makapaniwala sa narinig ko.

Mag dadalawang oras na ako dito ng may isang abogadong lumapit sa akin at nagpakilala na ako ang magiging lawyer niya dahil wala raw kahit isang lawyer ang nagpakita sa akin. Tinanong ko siya kung sino ang nagpadala sa kaniya at ang sagot niya ay galing siya sa PAO at ang tumawag sakaniya ay ang mga pulis, yung pulis na sumugod sa bahay ko. Halatang magkasabwat sila ng kinuha nilang abogado para sakin. Di ko pa maisip kung sino ang gagawa sa akin nito, dahil sa pagka-alala ko wala naman akong naka-away.

6 am na ng umaga, at wala pa ring kamag-anak ang pumunta sa akin. Di ko na matiis maghintay dito sa loob na sobrang baho pa naman kay napilitan akong tawagan si Yaya Beka na alam kong nasa bahay na iyon dahil tapos na ang kaniyang day off. Pagkaraan ng mga ilang minuto, dumating na si Yaya Beka at makikita mo sa kaniyang mukha ang pagiging ina na nag-aalala sa kaniyang anak at niyakap niya ako agad. Kinuwento ko sakaniya ang lahat ng nangyari, pero parang wala lang sa kaniya kaya tinanong ko siya kung ok lang ba siya at bakit nakatulala lang siya. Ang sagot niya sa akin ay para raw nangyari na ito sa ibang tao at ang pakana raw nito ay ang aking ama.

________________________________________________________________________________

Nandito na ako sa labas ng presinto at kasama ko si Yaya Beka, siya ang nagpalaya sa akin dahil may dala siyang mga paunang ebidensiya na hindi ako ang nag kidnap kay France.

Ngayon ay gabi na at magkasama pa kami ni Yaya Beka kaninang umaga kaya sinabihan ko siya na umuwi na upang magpahinga pero ayaw niya pang umuwi baka raw may mangyari na naman sa akin. Tumawag ako sa pamilya ni Yaya Beka na hindi muna makauwi siya dahil ako ay may sakit, pumayag naman ang kaniyang pamilya dahil itinuring na rin nila akong parte ng kanilang pamilya dahil nuong maliit pa ako, lagi akong sinasama ni Yaya Beka sa kanila dahil walang magbabantay sa akin.

Kinabukasan, ako ay nagpunta sa bahay ni France upang alamin ang tunay na nangyari sa kaibigan ko, pero pagkadating ko sa kanila laking gulat ko ng makita si France at binati ako. Bakit siya nandito? tanong ko sa sarili ko na sobrang nagtataka sa lahat ng nangyari sa akin.

Bakit ka nandito sa bahay niyo? tanong ko kay France na medyo naiiyak. Nagtaka naman siya sa tanong ko, sino ba naman kasi ang magtatanong sa may-ari kung bakit siya nasa bahay niya, hay naku David. "Bawal na ba ako nandito sa sarili kong pamamahay?" sagot niya na pabigla sa akin. Hinila ko siya papasok sa kotse ko at tinakpan ang bibig niya at ini-explain sa kaniya ang nangyari sa akin kahapon.

Di makapaniwala si France, sa sinabi ko at nagtataka pa rin siya kung bakit siya na-kidnap na nasa bahay lang daw siya maghapon. Kung nasa bahay lang si France maghapon at nung madaling araw tulog pa siya, bakit ako kinuha ng mga pulis sa bahay ko ng 4 am?

Umuwi na ako upang magbihis dahil pupunta ako sa NBI at magsampa ng kaso para sa presinto at sa mga pulis na kumuha sa akin sa bahay dahil di naman totoong na-kidnap si France. Papalabas na ako ng bahay ng may nag doorbell at binuksan ko ang pinto, wala namang tao. Pagtingin ko sa baba, may sobre na nakaipit sa dirt rug ko. Binuksan ko ito at nagulat ako sa nakasulat.

"Don't you ever report this or your mother will die".

- Goodhear Corporation 

I Got TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon