Chapter V - Paghihirap ni David

8 3 1
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas ng maganap ang pag-bugbog kay mama dito sa loob ng bahay. Lagi akong nakabantay araw at gabi para lang masigurado na hindi na mangyari ito kay mama. Halos wala akong tulog sa loob ng tatlong araw dahil tuwing sumasapit na ang gabi, may mga sasakyan ang humihinto sa harap ng bahay, bilang anak ako ay nakabantay, nagmamasid sa gagawin ng mga nakasakay sa mga humihintong sasakyan. Lagi silang nag-iiwan ng mga sulat, mga death note para kay mama.

Mag-iisang linggo na ang ganitong sitwasyon, napag-desisyunan na namin ni mama na humingi ng tulong sa mga pulis upang masigurado ang siguridad niya. Nagpunta kami sa presinto upang manghingi ng tulong para matapos at malaman na kung sino ang may gawa nito. Pagdating namin, may lumapit ka-agad sa amin na pulis at tinanong kami kung ano ang gagawin namin dito sa station. Sinagot naman namin siya ng may paggalang at pinapasok niya kami sa opisina ng hepe ng station.

Kinausap namin ang hepe at sinabi ang lahat ng nangyari sa loob ng isang linggo. Tinanong niya kami kung kilala ba namin ang mga gumagawa nito, kung may naka-away ba kami.

Iniisip ko, mabait na tao naman si mama siya nga piniling presidente ng kanilang homeowners organization dahil kilala siya na mapagbigay sa mga taong walang-wala. Kaya walang magtatangkang magalit saknaiya, dahil kilala na siya ng mga tao bilang mabait.

Pagkatapos ng pag-uusap namin, nangako sa amin ang hepe na poprotektahan kami at magpapadala ng mga pulis bilang proteksyon sa bahay. Dahil kampante na si mama sa pangako ni chief, umalis na kami para mag grocery. Naubos na ang mga stock sa bahay dahil isang linggo kaming hindi lumalabas ng bahay.

_____________________________________________________

Nasa supermarket na kami ng may isang batang lalaking lumapit sa akin, si Raymond ang batang nakita kong umiiyak sa Chino Roces. "Kuya! kamusta?" bati ni Raymond sa akin na nakangiti mahahalata mong excited siyang makita ako ulit. "Raymond kamusta? sino kasama mo?" bati ko sa kaniya na nakangiti rin dahil masaya akong makita siya muli. Hindi kami nakapag-usap masyado ni Raymond dahil uuwi na sila ng kaniyang mama. Tinanong ako ni mama kung sino yung bata, sinagot ko naman siya at nakangiti siya sa akin habang ikuwento sa kaniya kung paano ko nakilala si Raymond.

Tapos na kami mag grocery, at pasakay na ng kotse ng nagulat ako kay mama dahil sumigaw. Tinanong ko siya kung bakit, sagot naman niya sa akin ay may nakalimutan siyang bilhin. Nag-insist na ako na ang babalik at maghintay nalang siya dito sa loob ng sasakyan pero ayaw niya na bumalik pa ako sa loob. Tumakbo siya papasok ulit ng supermarket na parang may humahabol sa kaniya, wala akong magawa at hinintay nalang siya bumalik. After five minutes, bumaik na si mama na may dalang box. Inabot niya ito sa'kin at sinabihan ako na buksan ito.

Binuksan ko ang box na inabot ni mama. Pagkabukas ko, laking tuwa ko ng makita ko ang laman ng box, ang favorite kong candy. Tiningnan ko si mama, at niyakap siya, na-alala niya pa pala ang isa sa pinaka-favorite snack ko. "Anak, yan lang muna maibibigay ko sa'yo, alam kong favorite mo yan. Binili ko yan as a thank you dahil isang linggo mo akong binantayan sa bahay." nakangiting sabi niya sa'kin. Abot langit ang saya ko ngayong araw, kahit madaming problema ang dumadating, nagagawa pa rin ni mama na sumaya sa harap ko. Masaya na ako kung masaya siya. Nagmaneho na ako pa-uwi ng bahay.

Nakauwi na kami sa bahay bitbit ko na lahat ng pinamili namin papasok. Binuksan niya ang pinto at pumasok na kami sa loob. Maghahapon na kaya nagluto na ako ng favorite ni mama, ang tortang talong. "Sarap mo naman magluto anak" pag-aapreciate niya sa niluto ko . "Masarap po ba? Syempre mana ako sa mama kong chef" nakangiti kong sabi sa kaniya. Yes, chef ang mama ko, pero hindi na siya nagluluto sa mga restaurant, dahil ipinasara ni papa ang mga restaurant niya. . Ipinasara ni papa dahil ayaw niyang may nakikita siya na lalaking customer na makikipag-usap kay mama, Seloso si papa, kaya niya nagawa yun. Napakaliit lang ang reason, puwede naman pag-usapan nila yun, pero he just decided to close down the entire food company. Yes hindi lang isang restaurant ang isinara niya, kundi isang kompaniya. Kaya galit na galit ako sakniya dahil napaka-nonesense lagi ang kaniyang mga decision.

I Got TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon