Chapter IV - Death Note

9 3 0
                                    

Pagkatapos kong mabasa ang sulat na nasa sobre, agad-agad akong tumawag kay mama upang alamin kung okay lang ba siya, at sa mabuting palad walang masamang nangyari sakaniya. Kaya nagmadali akong nagmaneho papunta sakaniya.

"Ma, si David ito" sigaw ko sa labas hoping na marinig niya ako.
"David anak ikaw ba yan?" sigaw ng babaeng nakadungaw sa bintana.
"Oo ma, ako ito" sagot ko sa kaniya at niyakap ko siya agad.
Nagtaka siya kung bakit ako nagpunta sa kaniya, kaya pinapasok ko siya agad at sinara ang pinto. 

Ini-explain ko lahat ng nangyari sa akin for the past two days. Agad-agad akong tumakbo papuntang kusina upang kumuha ng tubig kasi alam ko na mabibigla si mama pagkatapos niyang marinig ang kuwento ko. 

Ipinakita ko sa kaniya ang sulat at may napansin siyang kakaiba sa sulat, ang sulat kamay. 
Ang hand writing ay familiar  sa kaniya, at nung tinanong ko siya kung kaninong sulat kamay ito. Ayaw niyang sabihin sa akin ito.  Alam kong isang tao lang ang dahilan kung bakit ayaw niyang sabihin kung kaninong hand writing ang napansin niya,  walang iba kundi ang aking ama na si Dems Lukan. 

Nagpaalam na ako kay mama na umuwi, tinanong niya ako kung uuwi na ba ako at ang sinagot ko naman ay oo, para lang hindi siya mag-alala sa akin dahil alam niyang gusto kong puntahan si papa upang alamin ang katotohanan.
 
Nandito na ako sa labas ng building ng Goodhear Corporation sa may Ayala. Pupunta sana ako sa main office, kaso naalala ko na ayaw  pala ng papa ko sa matataas na floor. 

Pumasok na ako sa loob ng building kung saan naka base ang office ng CEO ng company. Pagkapasok ko, lahat ng empleyado ay nakatingin sa akin dahil bilang anak ng may-ari, first time ko pang pumasok sa lahat ng office ng papa ko. 
Bilang respeto sa pagiging anak ng CEO, nagbigay sila ng pugay sa akin pero pinahinto ko sila agad dahil ayaw ko ng ganitong pamamaraan ng pag-welcome sa isang tao. Parang dina-downgrade mo ang isang tao kapag nag bow sila sa'yo. I really hate that method of welcoming a person.

 Nasa elevator na ako kasama ang secretary ni papa, tinanong ko siya kung may pinapadala bang sulat sa bahay ko. At ang sabi niya ay meron, lahat ng sulat na naipadala sa bahay ay tungkol sa business administration course na gustong ipakuha ni papa for me, which I disagreed on. 

Nasa 5th floor na kami ng may pumasok sa elevator, I think mga executive officer ito dahil papunta rin sila sa office ng papa ko. Nag-usap- usap sila tungkol sa business na kanilang ipro-propose kay papa. May isang lalaking nagsabi ng proposal tungkol sa kung paano makakatipid ang companya. Pagkad-rinig ko nito, napaisip ako bigla, ang Goodhear Corporation ang pinakamalaking pharmaceutical sa bansa at isa sa best selling company sa buong Asia, asan na ang lahat ng kita ng company? 

Nakarating na kami sa 10th floor na kung saan nandito makikita ang office ng papa ko. Pumasok muna ang secretary niya upang i-inform siya na nandito ako sa labas. 
Lumabas ulit ang secretary niya at sinabihan ako na maghintay muna dahil nasa meeting pa si papa.
Naghintay ako ng mga ilang minuto, at sa wakas mahaharap ko na ang aking dad na kay tagal kong hindi nakausap. 

Pagkapasok ko sa office niya, makikita mo sa kaniyang mukha ang saya dahil sa wakas dinalaw ko siya, pero hindi yun ang reason kung bakit ako nandito.
"Anak at salamat naisipan mong pumunta dito" bungad ni papa sa akin na abot tenga ang ngiti.
"Hindi ako pumunta rito upang dalawin kayo, may itatanong lang ako sa'yo" seryosong tugon ko sa panimulang bati niya sa akin.
Nawala sa kaniyang mukha ang masayang ngiti at napalitan ito ng seryosong mukha na sabay tanong sa akin.
" Ano ang itatanong mo sa akin?". Pinakita ko sa kaniya ang sobre, tinanong ko siya na may kasamang sigaw.
"Anong ibig sabihin nito?". 
Hindi kumibo si papa, pero desidido akong malaman kung bakit nagpadala ang kompaniya ng ganitong sulat. Tumayo si papa sa kaniyang inuupan at lumapit sa akin.
" Ano naman ngayon kung nagpadala ako niyan sa bahay mo" pabulong na sagot niya sa lahat ng sigaw at tanong ko.
Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko inaakala na yun ang sasabihin niya. "Pero bakit mo yun nagawa?" pasigaw na tanong ko sakaniya.
"Bakit? Anong bakit? tingnan mo nga sarili mo kung bakit?" sagot naman ni papa sa akin, na medyo mahina, alam kong nagtitimpi ito dahil may CCTV sa opisina niya. 
"Ginawa mo yun dahil ayaw kong manahin itong kompaniya, ginawa mong mag-hire ng mga pulis upang maranasan ko ang hirap? Di pa yun sapat pa, kahit anong gawin mo ayaw kung manahin ang kompaniyang ito." sigaw ko sa kaniya dahil hindi ako makapaniwalang ginawa niya yun dahil ayaw kong mag-trabaho sa kompaniya. 
"Kung ganiyan ka, wala akong magagawa kundi pahirapan ka." sagot ni papa sa lahat ng sinabi ko sa kaniya.
"Papahirapan mo ako? Naghihirap na nga ako dahil sa ginawa mo sa akin". pabulong na salita ko, dahil hinahabol ko ang hininga ko. 
Tumalikod si papa sa'kin at may pinindot sa may itaas ng pinto at umalis.

Naiwan ako sa loob na hinihingal at hinahabol ang hininga, ang pinindot niya pala ay ang button upang mawalan ng malay ang nasa loob ng kaniyang opisina. Tumakbo ako sa pinto, pero ito ay nakasarado. Kumakatok ako, sinisipa ang pinto, baka ito magbukas. Nandilim na ang paningin ko at unti-unti ng nawalan ako ng malay.


Nagising ako dahil sa ilaw na nakikita ko. Pag dilat ko ng aking mata, nakita ko ang puting ilaw na nasa itaas ko. Aabutin ko sana pero may humawak sa aking kamay, si France. Tinanong ko siya kung nasaan ako, nasa hospital at nasa private room na dahil nahimatay  ako sa loob ng opisina ni papa.
 Nag-iba ang aking modo ng marinig ko ang kwento ni France sa akin, hindi naman talaga ako nahimatay ng dahil ay kulang lang sa pahinga kundi sinadyang mangyari ito ni papa sa akin upang manahimik ako. Siya pa daw ang nagdala sa akin dito sa hospital dahil nakita niya ako sa opisina  na nakahiga at walang malay.
 Di ako makapaniwala na nagpanggap siya na insosente sa harap ng ibang tao.

Napaka-walang hiya. Nanatili ako sa hospital ng mga ilang araw dahil may nakitang particles daw sa aking lungs na puwedeng mag cause ng pnemonia pag hindi na-agapan. 


Nakalabas na ako ng hospital, dumiretso ako kay mama doon muna ako ng mga ilang araw dahil gusto kong makasama muna siya bago ako pumunta ulit sa opisina ni papa. 

Pagkarating ko dito sa bahy ni mama, may napasin agad ako sa bintana.
May dalawang anino akong nakikita. Lumakas ang hangin sa labas, at ang aking mga balahibo ay nagsitayuan. Tumakbo ako kaagad papasok ng bahay at nadatnan ko si mama nakahiga sa sahig. Lumapit ako agad sakaniya at tinanong kung ano ang nangyari.
"May pumasok na matangkad na lalaki, pinagsusuntok ako"mahinang  sagot ni mama sa lahat ng tanong ko sa kaniya.

Agad akong lumabas upang hanapin ang lalaking gumawa ng ganito kay mama, pero wala akong makita kahit na ano dahil sa dilim, sira ang mga street light at walang mga ilaw sa mga kapitbahay. 
Pumasok ako kaagad upang aalalayan si mama, pagkapasok ko sa pinto may nakita ako na sobre nakaipit sa welcome rug. Binasa ko ito, nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko ito. 

"Mamamatay kana Stephanie." 

I Got TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon