• eleven •

5 1 0
                                    

Pagkagising ko nung umaga, tulog pa rin si Ales dito sa sofa sa sala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Pagkagising ko nung umaga, tulog pa rin si Ales dito sa sofa sa sala. Nag-init lang ako nung natirang pagkain na pinadala samin ng mama niya kagabi. Bukas pa ng hapon ang balik ni Papa at bukas naman ng tanghali uuwi si Ales sa kanila. Naligo ako matapos mag-init ng pagkain.

Nung natamaan ng araw ang mukha ni Ales, nagising siya. Una niyang ginawa ang maghilamos sa CR tapos kumain kami ng breakfast nang magkasama. Matagal na akong walang nakakasabay kumain dito sa bahay, simula nung namatay si mama. Lagi akong naiwas na sumabay kay Papa at yung isa o dalawang beses na nagkasabay kaming kumain, nabugbog pa ako nang hindi natatapos kumain.

Pagkakain namin, naligo naman si Ales kasi nga may tryout siya ng volleyball ngayon. Pinapasama niya ako, moral support daw. Gusto rin niyang isama sina Cole at Jan kaso busy ang mga yun ngayong bakasyon. Kaya kaming dalawa lang ni Ales ang magkasamang pumunta sa gym ng school para sa volleyball tryouts.

Umupo lang ako sa bench dito habang binabantayan ang bag na dala ni Ales. Nakasuot siya ng leggings tapos shorts and T-shirt, at syempre panglaro rin ang sapatos niyang Nike yata, yung pinakabagong labas na model. Masasabi talagang well-off sa buhay ang pamilya ni Ales. Pero kahit ganoon, hindi siya matapobre o mayabang.

Mga isang oras at forty minutes yata ang tinagal ng tryouts. Nag-announce na rin kung sinong pasok sa team at si Ales yun pati isa pang babae na di ko alam ang pangalan. Si Ales raw ang nasa team tas yung isa sa substitute team. Pinauwi na kami nung coach kasi may tryouts pa ng ibang positions na pang-substitute sa mga player.

Pawis na pawis si Ales nung naglakad kami pauwi. Kinuha niya mula sa bag ang tubig pati face towel niya. Ako naman ang nagbuhat ng bag niya. Hanggang ngayon ay hinihingal pa rin siya.

"Mag-celebrate tayo," sabi ko kay Ales nung makabalik na kami sa bahay. Tinanong niya kung paano.
"Magluluto ako," sabi ko. Simple lang yun kasi kung ano lang meron sa ref, gagawan ko ng paraan para ma-meet ang expectation ni Ales. Masarap naman akong magluto kaya walang palya yun.

Ang ginawa ko, kinuha ko yung hotdog, margarine, sibuyas, at bawang tapos hiniwa ko yun habang pinaiinit ko ang kaldero. Pinagpahinga ko muna sa sala si Ales.
"Parang gusto ko ulit maligo, walangya." Sabi sa'kin ni Ales at sinabi kong pagkakain na lang ulit niya gawin yun para hindi siya mapasma.

Sinangag ko yung kanin na natira kagabi tapos nilagay ko yung mga hiniwa ko kanina doon. Para sa ulam, nagluto ako ng corned beef na may patatas pati sibuyas. Nung natapos na ako, tinawag ko na si Ales para kumain.

Masigla na siya ulit, porket nakapagpahinga na. Kumain kaming dalawa at natuwa naman siya sa luto ko.
"Dahil sinuportahan mo ako sa tryouts, kahit anong gawin mo sa buhay mo sususportahan rin kita." Sabi ni Ales sa'kin, para siyang nag-ppromise so tinanong ko kung promise ba yun at tumango lang siya habang ngumunguya.

"Ako na maghuhugas ng plato pero maliligo muna ako ulit." Sabi ni Ales na hindi na nakatiis kaya tumango lang ako. Kumuha siya ng mga bagong damit pati towel tapos pumunta siya sa banyo. Niligpit ko ang pinagkainan namin at nilagay yun sa lababo. Actually, hindi ko alam kung marunong ba maghugas ng pinggan si Ales. Pero kung hindi, id-double check ko na lang yung hinugasan niya.

Ganoon nga ang ginawa ko matapos maghugas ni Ales ng plato. Surprisingly, she did a good job. Nasa sala na ulit siya ngayon, nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV. Nagkwentuhan kami at sinabi niya sa'kin na matagal na rin since naglaro siya ng kahit anong sport kasi natuto siyang mag-online games.

Nanood kami ng marami pang movies, nag-dinner tapos natulog. Medyo malungkot ako nung magising ako kinabukasan kasi aalis na nga si Ales. Sinulit namin ang pagkukwentuhan at bonding hanggang tanghali sa pamamagitan ng paglilinis ng bahay. Hinatid ko si Ales sa bahay nila tapos nakatungo ako nung umuwi sa malinis na bahay.

Ayoko talaga ng bakasyon. Lalo na ang undas. Naaalala ko kung paano namatay si mama, kung paano ako sinimulang bugbugin ni papa hanggang sa ngayon. Nagkulong lang ako sa kwarto ko hanggang mag-hapon. May pagkain naman na para sa hapunan, hindi na ako gagambalain ni papa.

Nag-sketch ako ng mukha ni mama. At nakatulugan ko yun dahil umiiyak ako habang ginagawa yun. Nung magising ako, November 2 na ng umaga. Nagluto ako ng almusal, nagmadali akong kumain at maghugas ng plato.

Tuwing umaga ng November 2, na All Soul's Day, nagpupunta si papa sa sementeryo para dalawin ang puntod ni mama. Never niya akong sinama kasi hindi ko raw deserve na magpunta doon para makita si mama. Lagi lang akong nagtatago sa kwarto ko. Lagi namang umuuwing lasing si papa. Pag di niya ako nakikita, nagwawala lang siya sa kwarto niya pero kapag nakita niya ang mukha ko, kinukuha niya yung belt niya at pinapalo ang katawan ko gamit yun, no matter what part. Ang alam ko lang masakit yun.

Kaso ngayon, paakyat na sana ako sa kwarto ko nung biglang dumating si Papa. Sinabunutan niya agad ako at minura nung makita niya ako. Sinubukan kong tumakbo pero nahawakan niya ang paa ko tapos pinagsasampal ang mukha ko. Yung sabunot niya pa, sobrang grabe kaya ang sakit sa anit. Ramdam ko rin na nagdudugo na ang labi ko. Tiniis ko lang ang pananakit niya kasi kapag nagsalita ako, mas lalo lang yung lalala. Nasinturon na naman ako sa braso at tiyan. Matapos yun, umalis ulit siya.

Tumakbo ako pabalik sa kwarto ko nang umiiyak. Nag-lock ako ng pinto at nagtanggal ng T-shirt. Ginamot ko ang mga sugat ko habang nakatingin sa salamin. Minasahe ko rin ang anit ko. May mga hibla ng buhok ko ang nalagas at naiyak na naman ako. Sinuot ko na ulit ang T-shirt ko. Buti na lang at naka-baby bra ako kaya kahit papaano, naprotektahan ang dibdib ko mula sa sinturon ni papa.

Umupo ako sa kama ko nang nakataas ang mga paa. Sinandal ko ang ulo ko sa tuhod ko at umiyak ako ng umiyak, wishing na nandito si mama.

Halos lahat ng tao, nagsasaya kapag bakasyon. Napunta sa ibang lugar, sa may dagat o sa ibang bansa kasama ang mga pamilya nila. Meron ding mga tumutulong sa pamilya o sa ibang tao gaya nila Jan at Cole. Pero hindi ako kabilang sa mga taong ganoon ang nararanasan kapag bakasyon. Walang masaya sa mga bakasyon ko, puro lang pagtitiis at sakit.

I'm glad na naumpisahan 'to nang masaya, thanks to Ales. Maliit na pagbabago lang yun, iindahin at titiisin ko pa rin 'to hanggang sa mag-resume ang klase. At hindi ako sigurado sa kung anong mga mangyayari sa'kin. Ang alam ko lang, hindi yun masaya o maganda.

The Human Development of AdelaideWhere stories live. Discover now