• sixteen •

1 0 0
                                    

Cold season na, ang lala pa lalo rito sa south

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


Cold season na, ang lala pa lalo rito sa south. Paano na kaya ang weather sa Baguio ngayon? Naninigas na ba sila sa lamig? Maaga akong umalis sa bahay ng nakasuot ng jacket. Naglakad ako papunta sa school nang nakasilid lang sa bulsa noon ang kamay kong nilalamig. Sobrang thankful ako sa makapal at mahaba kong buhok na tinatakpan ang leeg pati batok kong nilalamig.

Hindi maulan at hindi rin sobrang init. Palibhasa kasi November na. Speaking of November, nagre-enroll na si Ales para sa values subject na kailangan niya ulit i-take dahil sa ginawa niya sa teacher namin.

Isang buwan na ngayong araw na hindi nag-uusap sina Jan at Cole. Kung hindi ko sila kilala, hindi ako aakalain na sobrang close nila noon. Ako ang nasasayangan e. Minsan pa kulang na lang hatiin ko ang katawan ko para parehas ko silang makasama at the same time. Minsan kasi nag-aaya si Jan, e nauna na mag-aya si Cole. Tapos ayun magtatampo si Jan. Ganun rin si Cole. Magkaparehas nga sila ng ugali.

May nabalitaan ako kahapon, wala sa bahay buong Christmas break si Papa dahil magpupunta raw sila sa Mindanao para mag-donate ng regalo sa mga bata. Babalik siya pagkatapos na ng bagong taon. Matapos ang ilang taon, ngayon lang yata ako magkakaroon ng tahimik na holiday.

Ang mga makakasama ko sa bahay sa holidays ay yung tita ko na kapatid ni mama pati yung anak niyang si Levi. Matagal ko na silang hindi nakikita, sa Quezon kasi sila nakatira at wala namang annual family gatherings sa pamilya. Isa pa, hindi masyadong nakikipag-usap si papa sa mga kapatid ni mama. Siguro mahirap pa rin para sa kanya.

Kaya lang siya pumayag na samin muna tumira sina Levi kasi nag-volunteer sila at ayaw akong iwan ni Papa nang walang bantay. Pakiramdam niya na naman mabubuntis ako bigla o magdadala ng lalaki sa bahay at gagawa ng milagro sa kwarto ko. Pero alam kong pinakatakot siya na mag-report ako sa pulis ng pambubugbog niya sa'kin. Hindi ko nga alam kung gusto kong gawin yun pero naniniguro si Papa.

"May training pa rin kami kahit holidays kasi sa second week na raw ng January yung intrams." Sagot ni Ales nung tinanong siya ni Jan kung anong gagawin niya sa holiday. Tapos tumingin sa'kin si Ales habang naglalakad kami sa hallway.

"Patambay ako sa bahay niyo after training ah, papahinga lang ako." Sabi ni Ales sa'kin tapos nagpa-cute pa para pumayag ako. Cute naman na talaga siya, no need for that. Pumasok lang ang thought na yun sa isip ko, ewan ko kung bakit.

Hindi rin nakatali ang buhok ni Ales na kasing haba na ng sa'kin. Mukhang basa pa yun kasi bagong ligo ata siya? Mas payat na siya kaysa nung una namin siyang makilala pero maraming muscle sa braso at legs. Nakatiklop pa rin ang sleeves ng malaki niyang blouse at above the knee ang palda na suot niya kasi ang tangkad niya kahit one inch below the knee talaga dapat yun.

"Bakit samin ka magpapahinga?" Tanong ko para matigilan ko nang i-check out ang appearance ni Ales. Mas maganda siya tingnan pag naka-PE uniform or naka-civilian after ng training nila. Ewan ko ba pero simula nung last, last, last week parang gandang-ganda ako sa pagmumukha ni Ales.

The Human Development of Adelaideحيث تعيش القصص. اكتشف الآن