~ forty ~

1 0 0
                                    

Sa hindi inaasahang dahilan, kinailangan nila Ales, Cole at Jan na manatili sa Manila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa hindi inaasahang dahilan, kinailangan nila Ales, Cole at Jan na manatili sa Manila. Gusto raw kasi makilala si Cole ng mga kaibigan ng papa niya. Doon sila natulog kagabi, pinagpaalam na lang si Jan sa parents niya.

Birthday ng mama ko ngayong araw. Nagising ako kanina at nagluto ng breakfast. Alam kong hindi lalabas ng kwarto niya si Papa. Baka nag-iinom lang siya doon. Basta tahimik ang bahay kapag birthday ni mama. Ni hindi ako hinahanap ni Papa o pinapagalitan kapag hindi ako nakakauwi sa oras. Iniwan ko ang isang tray ng pagkain ang harap ng kwarto niya bago ako umalis at bumili ng maliit na cake sa convenience store. Dinala ko yun sa sementeryo at ginawang offering sa puntod ni mama.

Nung naglalakad na ako papunta sa sakayan ng tricycle bago ako pumunta ng school, may tumawag sa pangalan ko. Nung tingnan ko kung sino, si Miss May yun na tumatakbo at nakasunod sa kanya ang asawa niyang may dala ng bag nilang dalawa. Mukha siyang natataranta.

"Kaibigan ka ni Ales diba? Nakauwi na ba siya?" Tanong ni Miss May sa'kin. Tumango ako sa unang tanong at sumagot ng hindi sa pangalawa. Napabuntong hininga siya. Tiningnan niya ng may pag-aalala ang asawa niya. Tumango ito at hinarap ulit ako ni Miss May.

"Pwede bang makahingi ng favor, Adelaide?" Malumanay at hopeful na tanong sa'kin ni Ms. May. Hindi ako sanay tumanggi sa mga nakakatanda sa'kin, kaya tumango ako.
"Kasi, may kailangan kaming puntahang teacher's seminar ngayong araw, for us PE teachers and we can't miss it. Kaya lang, mag-isa lang si Karlo sa bahay niya at hindi siya makatayo o makalakad ng matagal. Ayaw niya namang magpunta sa ER o kaya uminom ng gamot. Walang magbabantay sa kanya, can it be you?" Dire-diretsong sabi ni Miss May at nagulat ako. Si Karlo ang favor niya? Yung dull, as in duller than me, Karlo?

"Paano po yung mga klase ko?" Tanong ko kay Miss May at sinabi niyang sasabihan niya na lang ang lahat ng teachers namin ngayong araw na excused ako. Since nag-aayos ng questions para sa susunod na exams ang mga teacher, wala silang mga ipapagawa ngayong araw. Wala akong choice kundi mag-oo na lang. Sa sobrang saya, niyakap ako ni Miss May. Tinuro niya pa sa'kin ang daan papunta sa bahay ni Karlo.

Haaaay nako, imbes na papuntang school ako naglalakad, papunta tuloy sa bahay ni Karlo. Buti na lang at puro taong bahay at hindi mga chismosa ang mga kapitbahay ni Karlo. Advantage rin na completely walang pakialam sa'kin si Papa ngayong araw.

Naglakad ako hanggang makarating sa blue na gate ng bahay ni Karlo. Binigyan ako ng susi ni Miss May at ginamit ko yun para pumasok sa loob. May pinto pang kailangang buksan bago tuluyang makapasok sa bahay.

Kumatok ako. Narinig kong nagmumura sa loob si Karlo tapos pasigaw niyang tinanong kung sino raw ang kumakatok.
"It's me, Addie. Sent by Miss May," sagot ko at sinabihan niya akong pumasok dahil bukas naman ang pinto. Alam kong bukas yun, tingin ko lang rude na bigla na lang pumasok sa bahay ng ibang tao. Kung ako lang mag-isa sa bahay tapos biglang magbukas ang pinto, baka mapatili ako sa gulat at takot. Not that he would react that way.

Nakita kong nakaupo sa sofa si Karlo at naka-extend sa kabuuan noon ang kaliwang paa niya. Binebendahan niya yun.
"Pakiabot nung safety pin," malumanay na request niya at tinuro ang ilalim ng sofa. Nakita ko yung safety pin sa ilalim ng tsinelas niya. Inabot ko yun sa kanya at pinagpatuloy niya na ang pagbenda ng tuhod niya.

Para sa lalaking mag-isa sa bahay, hindi ganoon kadumi ang bahay ni Karlo. In-expect ko na makalat 'to since hindi naman siya mukhang naglilinis ng bahay. Walang pagkain sa mesa sa kusina niya. Mukhang kagigising niya lang din at hindi pa kumakain.

"Buti dito ako natulog kagabi, or else magpapagulong-gulong ako sa hagdan na yan para makapagluto, makakain or baka namatay na ako sa gutom sa kwarto ko." Sabi niya pa at inabot ang nakapatong na icebag sa table na nasa harap ng sofa. Pinatong niya yun sa taas ng nakabenda niyang tuhod.

Tiningnan niya ako at napansing nakasuot ako ng school uniform. Umiwas siya ng tingin, nahiya. Alam ko ang gusto niyang sabihin kahit hindi niya sabihin.
"Those coaches sure are persistent," he said under his breath. Pinababa niya sa'kin yung backpack na dala ko. Nanood siya ng TV. Sinabi niya ring pwede akong umupo sa kahit saan ko gusto, 'wag lang daw ako pupunta sa second floor. Mukhang nandoon yata ang lahat ng kalat na hindi ko nahanap dito.

Bago pa kumalam ang sikmura niya, nagluto ako ng hotdog at itlog tapos nagsaing. Buti at may pagkain sa ref niya. Ano kayang pakiramdam ng ganito? Na hindi kailangan tumira kasama ang mga mgulang? Masaya ba? Malaya? Malungkot? Lonely? Kung ako ang paipiliin, mas pipiliin kong maging mag-isa o humanap ng apartment para samin ni Ales at magkasamang tumira doon.

Hindi napansin ni Karlo na nagluluto ako dahil invested siya sa sports movie na nag-pplay sa TV niya. Dinalahan ko siya ng plato na may kanin, dalawang hotdog tapos konting piraso ng scrambled eggs. Nung makita niyang hawak ko yun sa harap ng mukha niya, tumingala siya sa'kin.
"Ikaw, hindi ka kakain?" Tanong niya at kinuha yung plato pati utensils mula sa'kin. Hindi ko pala namalayan na umalis ako ng bahay nang hindi nag-aalmusal. Excited akong pumunta sa puntod ni mama at bumili ng maliit na cake kasi natakot ako na baka mag-soldout yun agad.

Pumunta ako ulit sa kusina pero wala na akong makitang plato o utensils. Sinabi ko yun kay Karlo, nag-sorry siya. Hindi naman surprising kasi siya nga lang dito. Ito ang unang beses na makapunta ako rito. Kahit sina Ales, Jan at Cole hindi pa rin nakakapunta rito pero alam ni Ales ang address. He never suggests this place kasi ang unang instinct namin, kina Ales lagi pumunta dahil sa luto ng mama niya.

"Kumuha ka na lang ng tupperware," sabi niya at ginawa ko nga yun. Kinuha ko ang tupperware na nasa loob ng cupboard dito. Binanlawan ko yun bago nilagyan ng pagkain. Matapos yun, humingi ako ng utensil. Pinalapit ako ni Karlo sa kanya at inabot sa'kin ang kutsara niya.

"Nalawayan mo na yan," reklamo ko. Kumalam naman bigla ang tiyan ko.
"Kukunin mo, huhugasan mo muna o magkakamay kang kumain sa harap ko?" Pagbibigay ni Karlo ng options ko kaya kinuha ko na lang ang kutsara niya tapos kumain na rin ako. Umupo ako sa pang-isang taong sofa dito. Wala akong alam sa basketball, pero yun ang nag-pplay sa TV kaya wala akong choice kundi panoorin yun. Kumuha ako ng tubig at naghati kami sa isang baso matapos naming kumain. Ako ang unang uminom, ganti sa pagbibigay niya sa'kin ng gamit na kutsara.

Nung matapos ang basketball game sa TV, nakita kong pumikit si Karlo. Hindi siya tulog pero matagal siyang ganoon. Pinatay niya na rin ang TV at hawak niya lang ang remote. Naligpit at nahugasan ko na yung pinagkainan namin. Wala na lang kaming ginagawa ngayon.

"Bakit ayaw mong magpunta na lang sa ospital?" Tanong ko, na nakabasag sa katahimikang bumabalot saming dalawa. Nagmulat si Karlo at tiningnan ako.
"Self-harm," mahinang sagot niya tapos ngumiti na parang hindi yun malaking bagay na dapat hindi ipag-alala ng kahit na sino. Form of self-harm niya ang pagtitiis ng sakit ng injury niya?
"May mga taong nasasaktan kahit ayaw nila tapos ginagawa mo yan sa sarili mo?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko lang na malaman niya na ang unfair niya. Hindi niya naman kailangan saktan ang sarili niya so bakit niya ginagawa? Although less painful na maituturing ang self-inflicted harm but this, yung ginagawa niya, hindi yun healthy. Ngayon, self-harm yun at sa susunod, self-destruction na.

Lumingon siya sa'kin nang nakangiti pero tumutulo ang luha.
"Kapag hindi ko ginawa 'to, wala akong nararamdaman. Hindi ko maramdaman yung lungkot ng mga bagay at tao na nawala sa'kin. Do you know that pain makes people feel and know that they're alive? I feel dead for I don't know how long already kaya kapag sumasakit 'tong injury ko, ayokong mawala yun agad." Sabi niya sa'kin. Kahit na umiiyak siya at nakangiti, emptiness lang ang nakikita ko sa mga mata niya. Naramdaman ko yung bigat ng bawat salita niya. Pumikit siya ulit at nanahimik, hindi na lang ako nagsalita ulit.

If pain makes people feel and know they're alive, bakit pakiramdam ko namamatay ako ng unti-unti kapag sinasaktan ako ni Papa?

The Human Development of AdelaideWhere stories live. Discover now