~ forty seven ~

1 0 0
                                    

Ilang gabi at umaga na akong natutulog tsaka gumigising nang naiyak

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ilang gabi at umaga na akong natutulog tsaka gumigising nang naiyak. Maraming unclaimed na leave si Papa sa trabaho niya bilang accountant kaya lagi siyang nasa bahay, dalawang linggo na.

Hindi naiiwasan minsan na nakikita ako ni Papa at naiirita siya o may nagagawa akong mali kasi iniisip ko kung ano bang meron kay Ales. Alam kong hindi siya magtatago ng kahit na anong major mula sa'kin pero nagsinungaling pa rin siya nung monthsary namin about sa kung nasaan siya.

Kinabukasan noon, tinanong ko si Ales kung kumusta yung training nila at kung hanggang anong oras yun inabot. Nagsinungaling pa rin siya even when I gave her the chance na ibahin ang sagot niya.

Pero hindi yun ang iniisip ko ngayon. Hindi ko alam kung paano itatago ang marami kong pasa. Alam ni Ales na lumipas na ang period ko. So, hindi ko na magagamit yun as an excuse. Hindi rin nagana sa kanya yung excuse na mababa ang dugo ko kaya madali akong magkaroon ng pasa. Bukod sa mga pasa, syempre may sugat at ang emotional wounds pa.

Pinunasan ko ang pisngi ko at umupo ako sa kama ko. Gusto kong humingi ng tulong kay Ales. Gusto ko lang siyang kausapin, kung pwede. Pero kapag nakikita ko siyang nakangiti, nagi-guilty ako at nawawala yung kagustuhan kong magkwento sa kanya ng mga nangyayari sa'kin. Kasi ang saya ng buhay niya e.

Darkness ako at siya naman, parang ang liwanag sa mundong ginagalawan niya. Ayokong maging dahilan para maging dark din ang buhay niya.

Iba ang buhay naming dalawa, alam ko naman na yun dati pa. Kaso dahil hindi ko na laging nakakasama si Ales, nahihirapan akong magsabi sa kanya ng mga nangyayari sa buhay ko. Parang mas okay nung magkaibigan kami. Kasi noon, lahat nasasabi ko sa kanya nang walang pag-aalinlangan.

Hindi naman ako magsasabi kung hindi ako tatanungin. Ales hasn't asked yet. Lagi lang din kasi akong ngumingiti. Dahil maraming nangyayari sa buhay ni Ales, hindi niya pa rin napapansin na fake yung mga ngiti ko.

Tiningnan ko ang ipon kong pera at binilang yun. Balak kong pumunta sa mall para bumili ng concealer. Ilang linggo ko na ring pinag-iisipang gawin yun.

Bumangon ako at naligo para pumasok sa school. Sinabihan ko si Cole na samahan ako sa mall mamaya bago umuwi. Ayoko isama yung si Karlo kasi naiirita ako sa kanya. Alam kong minsan nag-aalala lang siya samin ni Ales pero yung mga pinagsasasabi niya, pinag-ooverthink ako. Hindi nakakatuwa.

Ilang araw ko nang iniisip kung deserve ba talaga ako ni Ales or mas okay siya nang wala ako, na pabigat ako sa masaya niyang buhay. I mean, varsity player siya sa school, masaya ang family niya, lagi silang nagbobonding ng mga kapwa niya player. She's making new friends.

Ang sa'kin lang, namimiss ko siya lagi. Kahit na nakikita ko siyang naglalakad sa school kasama ang ibang volleyball player, para akong fan lang niya. Ilang Friday na rin namin siyang hindi nakakasama at kahit nandoon siya sa bahay ni Karlo, kahit na magkatabi kami, kahit hinahatid niya ako pauwi, at kahit hinawakan niya yung kamay ko, parang ang layo niya pa rin.

Nagpaplano rin kami ng future naming dalawa since 4th year na kami next year at gagraduate na ng high school. Kaso, hindi pa set ang mga plano ko. Si Ales rin naman pero at least may plano na siya. Samantalang wala akong kahit na ano. Hindi ako papayagan ni papa na mag-Fine Arts kahit as a scholar kasi sasabihin niyang wala namang pera o kabuhayan doon. Dumadagdag pa yun sa iniisip ko.

Pumasok ako kanina sa school nang nakasuot ng jacket at mahabang socks para takpan ang mga pasa at sugat ko sa braso at legs. Dengue season at tag-lamig na rin naman kaya wala masyadong nagtaka, hindi lang naman ako ang ganon ngayong araw.

"Kumusta yung nililigawan mo?" Tanong ko kay Cole nung naglalakad na kami sa mall. Tumango-tango siya at sinabing okay naman daw sila.

"Nakatatlong date na kami tapos bukas, birthday niya. Inimbitahan niya ako," sagot ni Cole at napangiti naman ako.

"Anong bibilhin mo dito? Hindi ako masyadong nagtatanong tungkol sa'yo recently, so dapat mong sagutin." He asked curiously. Napabuntong hininga ako at tinaas ang sleeve ng jacket ko. Nakita niya ang marka ng kamay ni Papa doon na naging pasa. Kaninang umaga lang yun nangyari, bago ako umalis ng bahay.

"Bibili tayo ng concealer," sagot ko sa Tanong niya. Nakita kong ngumiwi si Cole at binaba ko na ulit ang sleeve ng jacket ko.

Pumasok kami sa Watsons at naghanap ako ng concealer na ka-shade ng balat ko. Tapos binayaran ko yun. Nag-tricycle kami ni Cole at nauna siyang bumaba nung nadaanan namin yung orphanage na tinitirahan niya.

Tinago ko sa bag ko yung concealer tapos pumasok na ako sa bahay. Nakita kong tulog si Papa sa sofa kaya tahimik akong umakyat sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto. Nagbihis ako ng pambahay. Nakita ko ang katawan ko sa half-body length na salaming nakasabit dito sa kwarto ko, maraming pasa ang tiyan at likod ko. May mga sugat din sa hita ko.

Ang rason din kung bakit lagi akong naiyak sa gabi or sa umaga ay dahil nagkakaroon ako ng masasamang panaginip. Lagi kong tinatakbuhan si papa or may mamamatay tao akong tinatakbuhan. There were also big, scary monsters. At ngayon na nandito sa bahay si Papa indefinitely, hindi ko nararamdaman na safe ako rito. Kaya lagi akong naglolock ng kwarto ko.

Nag-vibrate ang phone ko, may picture na sinend sa'kin si Karlo. Nakita niya pala kami ni Cole sa mall na bumibili ng concealer. Tinanong niya ako kung gaano kalala ang mga pasa ko. Hindi ako nag-reply. Nag-chat naman ako kay Ales na nakauwi na ako.

The Human Development of AdelaideWhere stories live. Discover now