∆ seventy five ∆

1 0 0
                                    

I've made a lot of friends in college

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I've made a lot of friends in college. Nung makatapos ako ng senior high, saka ako nag-decide na kumuha ng Industrial Design sa College. Among the art courses na malaki ang kita kapag natapos na, ito ang pinaka nagustuhan ko. Sinadya kong kumuha ng scholarship para walang masabi si Papa na siya ang nagpapaaral sa'kin kaya kailangan ko siyang sundin or whatever.

Nung freshman year ko, bumili ako ng reference books about sa course ko at inaral ko yun ng inaral. During vacation, puro lang pag-sketch ng mga ideal design ang ginagawa ko para mag-improve ako.

"Sa inyo naman tayo punta para gumawa ng plates, Addy." Sabi ng isa kong kaklase sa'kin, na kinagulat ko. Nasama ako sa grupo nilang magkakaibigan kasi naging group mates kami sa icebreaker activity nung first day ngayong 1st sem ng third year ko sa college. Ayos naman ang mga ugali nila. At kapag dalawang tig-2 hours lang ang subject namin sa isang araw, nagawa kami ng plates sa mga bahay nila.

Wala sa kanilang may alam ng sitwasyon ko sa bahay. Mas madali na kasing magtago ng mga sugat at pasa ngayong hindi na namin kailangan magsuot ng uniform. Civilian lang araw-araw. Kapag may mga visible akong pasa sa braso, nagsusuot ako ng maninipis na long sleeve sweater or blouse. Kapag may di sadyang nakakapisil ng pasa ko, hindi na lang ako nagrereact at swerte, dahil yung mga pasa ko na aksidente lang nilang nakita, maliliit lang.

Mas malala na mambugbog si Papa kasi mataas na ang pain tolerance ko. Madalas pa rin ang pambubugbog niya, mostly kapag nale-late ako ng uwi. In-adjust niya ng isang oras ang high school curfew time ko. Mulang 8PM, naging 9PM. Pero minsan sa dami ng ginagawa, di inaasahan na sobrang late ako nakakauwi. Pero kapag expected ko naman na, nag-iiwan na lang ako ng pagkain at sulat sa ref para iinform si Papa.

Nakailang excuses na ako sa mga kaklase't kaibigan ko ngayong college para hindi kami sa bahay gumawa ng plates. Kaso mapilit sila ngayong araw. Pinag-uusapan na nila ang pagpunta sa bahay kahit hindi pa ako tumatanggi o nasang-ayon. Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi wala na akong maisip na excuse. Parang nagamit ko na yata lahat.

"H-hindi pwede," I blurted out as everyone was talking. Nagulat sila at napatingin sa'kin. Nasa canteen kami. I can feel my panic coursing through my body. Anong idadahilan ko kung bakit hindi pwede? I can't just tell them the truth.

Simula nang mag-college ako, nangako ako sa sarili ko na itatago ko ang fact na nabubugbog ako sa bahay. Pagod na akong tingnan ng mga tao like I'm fragile and in need of saving. Bagong environment na 'to, mas konti ang may alam ng situation ko kaya hindi ako nilalapitan ng mga tao out of pity or to make themselves look good (which is yung ginawa ng mga kaklase ko ng senior high school).

Nag-theorize naman sila sa kung bakit hindi ako napayag na may pumunta sa bahay. Sinabi nila na baka maliit ang bahay namin o kaya kinahihiya ko ang magulang ko, magulo raw ba at hindi ako nakapaglinis? Tinanggi ko lahat yun, yet I still can't find the right excuse.

"Okay lang naman samin kahit anong meron sa bahay niyo, gusto lang namin makita kasi gusto ka pa naming makilala." Sabi sa'kin ni Rory. Siya ang pinaka-close ko kasi naging magkaklase na kami sa iilang subject last sem. 

The Human Development of AdelaideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon