° twenty three °

3 0 0
                                    

One weekend is all it takes to be bruised and wounded again

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

One weekend is all it takes to be bruised and wounded again. Simple lang ang nagawa ko—nakalimutan ko lang lagyan ng label ang container ng asukal at asin. Parehas yun ng kulay at laging nagamit ng asukal sa kape si Papa. Marami lang kasi akong ginagawang requirements para sa klase at natatagalan akong mag-solve sa biology.

Kaya ko nakalimutan lagyan ng label ang lalagyan ng asukal kasi pinagsasabay ko ang pagluluto, paghuhugas ng pinggan at pagmememorize ng Preamble sa utak ko. Dumating si papa sa kusina nung umaga at nag-init ng tubig, tapos nagtimpla ng kape. Nung lasahan niya, saka niya lang nalaman na asin pala ang nailagay niya doon at hindi asukal. Kaya binato niya sa'kin yung kutsara, sinigawan ako at tinanong kung bakit walang label ang mga lalagyan. Matapos yun, sinabunutan niya ako. Nung sinabi kong nakalimutan kong lagyan, sinampal niya ako at nagdugo ang labi ko. Tinulak niya rin ako sa lababo nung tapos na siya.

Kinabukasan, hindi niya naman mahanap ang remote ng TV na siya ang laging may hawak. Na-misplace niya yata. Kaya hinanap ko. Nung oras na para manood siya ng basketball, hindi ko pa rin nahahanap. Tinawag niya akong walang kwenta tapos binato niya ako ng telephone book niya. Ginamit ako ang mga braso ko as shield. Nung bago lang ako makatulog, saka ko napansin na may mga pasa na pala doon, pati sa likod kong tumama sa lababo the day before. Masakit pa ang anit ko dahil sa pagsabunot ni papa sa'kin.

Tuesday na ngayon, tinatago ko pa rin sa mga kaibigan ko yung mga pasa ko. Lalo na kay Ales. Hindi ko alam kung anong magagawa niya kay Papa kapag nalaman niyang nasaktan na naman ako. Tsaka kapag magkasama kami, lagi lang masaya. Nagbibiro siya, nagkukwento, nakikinig kami sa kung ano-anong mga kanta. Kapag gabi, kapag sigurado akong tulog na si Papa, tinatawagan ni Ales ang number ko at nag-uusap lang kami hanggang makatulog.

Lumalaki na nga ang eyebags ko at parehas kaming laging inaantok pero okay lang. Masaya kami e. Nung tinanong ni Ales kahapon kung bakit may sugat ako sa labi, nagsinungaling ako at sinabing tinutuklap ko yun tapos dumugo. Yun ang lagi kong sinasabi sa mga kaibigan, kaklase, kakilala at teachers ko noon pa. Ang alam nila, isa sa mannerism ko ang magtuklap ng dried na balat sa labi ko. Hindi na ako kinulit pa ni Ales tungkol doon.

Natapos na last week ang intrams. Panalo ang school namin sa volleyball. Isang beses lang ako nakanood, nung nasa school namin ang laro at nag-cutting kami nila Jan at Cole ng isang buong set para manood. Syempre proud ako, nag-cheer rin ako at tumili everytime na nakaka-score sila at dahil sa digs ni Ales.

Nag-celebrate kami sa bahay nila Ales, kasama ang mga teammate niya pati yung coach nila.
"Coach, si Karlo?" Rinig kong tanong ni Ales sa coach nila habang kumakain ang halos lahat sa mesa at kagagaling ko lang sa CR.
"Nasa ospital yata. For physical therapy or nagpa-admit lang kasi trip niya, or ewan ko sa isang yun." Sagot nung coach nila Ales tapos umalis na.

Tinanong ko noon si Ales kung sino yung Karlo. Kaibigan niya raw na nakilala sa retaking ng Values. Napatango na lang ako.

Ngayon, ikalawang linggo na ng February. Patago pa rin ang hawakan namin ni Ales ng kamay. Yung hindi magmumukhang normal na ginagawa ng magkaibigan, hindi namin ginagawa sa harap ng maraming tao. Nanonood ng film ang buong klase ngayon at patay ang mga ilaw. Kaya nahawakan niya ang kamay ko.

The Human Development of AdelaideWhere stories live. Discover now