° twenty six °

3 0 0
                                    

Isang buwan bago ang pasukan, balik na naman kami sa training

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Isang buwan bago ang pasukan, balik na naman kami sa training. Sa sobrang pagkasanay ng katawan kong nag-eexercise tuwing training, kahit nung natapos na ang intrams nag-continue ako sa pagwowork out. Pinatakbo kami ni Coach ng ilang ulit dito sa court tapos naglaro kami ng tatlong beses. All that took almost three hours before it ended. Pero mas malala ang training ng mga bago. Since naisalang na ako nung intrams, hindi na kasing lala ng tarining nila yung sa'kin.


Nakaupo ako na ako ngayon. Although halos buong araw akong inuutusan ni Coach at ng mga senior players. Nagpapakuha lang ng gamit sa locker room. Mas malayo pa yung tinakbo ko sa buong school kaya mas malala ang pagod ko kaysa sa kanilang lahat.


Umiinom ako ng tubig mula sa tumbler ko, legs apart, sweaty as heck. Nakasuot na kami ng team uniform. Maikling shorts at jersey. Eleven ang jersey number ko. Yun kasi ang date ng birthday ko at January 11 rin nung sagutin ako ni Addie. Tinabihan ako bigla ni Karlo, who snuck inside the court again. Gawain niyang manood ng mga laro. Nung March at April nasa court siya lagi ng subdivision kapag umaga. Kaso hinihila siya ni Coach May lagi palabas doon kasi kailangan niyang pumunta sa ospital para sa physical therapy niya. Isa pa, parang tinotorture niya lang ang sarili niya, watching others play when he knows he can't.


"Oy birthday mo raw ngayon?" Tanong sa'kin ni Karlo. Tumango naman ako. Marami nang bumati sa'kin kaninang umaga. Parents, friends from Manila at sina Addie. My teammates don't know, coach doesn't know. Hindi naman kasi sila nagtatanong kaya hindi ko rin sinasabi.
"Lagot ka na naman," sabi ko kay Karlo nung mapatingin dito si Coach. Tinapik ako ni Karlo after niyang mag-Happy Birthday sa'kin tapos tumakbo na siya bago pa siya malapitan ni Coach.
"Hoy wag ka masyadong tumakbo, yung tuhod mo!" Sigaw sa kanya ni Coach habang winawagayway ang kamay niyang naka-form into a fist. Napailing na lang ako.


Isang buwan na simula nung mag-birthday si Addie. APril 10 siya, May 11 ako. Masaya kami. Hindi rin masyadong namomroblema. Natatakot lang ako na baka gawin niya rin yung tactic na ginawa ko sa kanya last month. Luckily, that wasn't the case.


After training, naligo na nga ako sa locker area. Nung matapos ako, nagbihis ako bago lumabas ng shower. Pagkalabas ko at pagbalik sa locker area, walang tao. Wala rin ako halos nadaanan o nakasalubong na teammates nung papunta ako rito. Baka nauna na silang kumain? Walangya, iniwan ako. E ang dami nila dito kanina, di man lang ako inaya. Well, anyway.


Tinago ko sa bag ang pawisan kong mga damit. Tapos sinukbit ko na yung bag at naglakad palabas ng locker area. Nag-chat na lang rin ako kay Coach na uuwi na ako. May family dinner raw kami nila mom sa mall ngayong gabi, like every year. Kaya kailangan kong umuwi na. Maghihintay pa akong matapos maligo si Mom, hihintayin pa namin makarating sa bahay yung jowa ni kuya. Paliliguan pa si Alessandrino. While I will wait for everyone with dad at manonood lang kami ng TV.

The Human Development of Adelaideحيث تعيش القصص. اكتشف الآن