° twenty two °

4 0 0
                                    

Since pag-resume ng classes, may training na rin kami sa umaga

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Since pag-resume ng classes, may training na rin kami sa umaga. Naghahanda kami para sa intrams next, next week. Katatapos lang namin at 12nn na. Nakaligo na ako, nag-aayos na lang ng gamit dito sa locker room.

Ang naunang naligo kanina na si Jenica, galing sa labas ngayon at may dalang tissue paper. Akala ko sisingahan niya lang yun ng sipon pero inabot niya sa'kin. Nakalagay doon ang phone numbers pati pangalan ng mga lalaki, at babae rin. Nagtaka naman ako.

"Anong gagawin ko rito?" Tanong ko kay Jenica. Ngumiti siya at tumingin sa iba naming teammate. Yung captain namin na si Frances, umupo sa tabi ko. Ako lang ang baguhan dito. Mamaya pa ang training ng substitute team at nandito lang ako kasi ako ang A-team libero. I still have to show up to train in the afternoon.

"You're new here, sa school pati sa team. And this happens almost every year. That is a list we all wrote kasi may mga kakilala kaming gustong makipagkilala sa'yo–meaning, they have a crush on you. Nasa sa'yo kung kakausapin mo sila or what." Sabi ni ate Frances. Two years ang tanda niya sa'kin at kapatid siya nung previous captain, she's an outside hitter and a good one at that.

Nagulat ako sa sinabi niya at natawa.

"Both guys and bi or lesbian girls ang nandyan. You choose depending on your preferences, na-sort na rin namin." Sabi pa ni Ivette. Napailing na lang ako tapos nilagay yun sa bulsa ng PE pants ko.

Inayos ko ang sintas ng sapatos ko tapos saka ako nagpaalam sa kanila. Lunch time na ngayon and I'm supposed to meet with Addie and the rest. Hihingi ako ng notes sa kanila at maghahabol sa teachers para magpasa ng activities na namiss ko.

Nakita ko sila sa canteen, Jan was waving for me to go there, kung nasaan sila nakapwesto. Bag ko lang ang dala ko. Dalawang klase lang ang usually na-aattendan ko everyday. Tumabi ako kay Addie habang kumakain sila. Kinuha ko sa bag ko yung baon ko na hinanda ni mom para hindi na ako pumila sa canteen. That's good kasi sobrang nag-ccrave ako na makaupo ng matagal.

I ate with them, listened to their stories. Most of the time, I just looked at Addie. Pabulong akong nagtanong kung kumusta siya. She said she's okay in class, at home naman surviving daw.

Nag-uusap silang lahat habang ninanamnam ko yung creamy mushroom chicken na niluto ng mom ko. It's so good. Pakiramdam ko gutom na gutom ako. Natunaw na ata yung kinain kong breakfast with the running and training I did.

"Hi," rinig kong may nagsabi. Nagulat ako nung sipain ako ni Cole from under the table kaya sinamaan ko siya ng tingin. Knee-jerk reaction niya yata yun kasi nakakita siya ng magandang babae tapos matipunong lalaki sa gilid ng mesa namin.
"Yes? May kailangan ba kayo?" Tanong ni Jan sa kanila while looking at the guy. Napatigil rin akong kumain kasi akala ko nandito yung lalaki para pormahan o bastusin si Addie.

"You're Ales Mendrez, right?" Tanong sa'kin nung babae. Maikli ang buhok niya at medyo morena, mahaba ang pilikmata at may dalawang clip sa ulo. She's holding her wallet and phone. Tumango naman ako.
"Sobrang awkard nito but we like you, my friend and I." Sabi niya pa at napalunok ako ng laway. Alam ba niya ang pakiramdam nang makarinig noon habang nasa tabi mo yung taong nililigawan mo, the person you're trying to prove yourself of being worthy to be with?

The Human Development of AdelaideWhere stories live. Discover now