chapter 15

7.2K 352 43
                                    

Sebastian POV

Hindi ako makapakali sa aking kinauupoan ,Alam Kong may kakaiba Kanina.

Bawat tingin at mga galaw nya ay ramdam ko na may mangyayaring masama

Sinulyapan ko Ang Emperor na hangang ngayon ay mukhang may malalim na iniisip

Hindi kaya napansin nya Rin?

Alam Kong palagi syang seryoso pero kilala ko sya pagsaganitong galawan,tahimik at nakatanaw sa bintana.

Napasulyap ako sa prinsesa na hangang ngayon ay mahimbing parin Ang tulog.

Hindi ako makapakali ,Kanina Lang Ang mga mata nya na parang humihingi Ng tulong.

Gusto Kong bumalik sa mansyon ni lady Khina pero Hindi ko Alam Kong paano ko makukumbinsi Ang Emperor.

Kailangan naming bumalik sa palasyo dahil panigurado na nagwawala nanamn si lady Farah.

"Itigil Ang karwahe"

Napatingin ako sa Emperor Ng nagsalita Ito, seryoso at madilim Ang mukha.

Tumingin Ito sakin saka Ito tumango,nagulat ako doon Hindi kaya ramdam nya Rin iyon namay Mali dalawa.

Pero kahit naganon ay natutuwa ako dahil makakahinga ako Ng maluwag Kung makakabalik ako doon.

Yumoko ako sa Emperor at saka Dali Dali na lumabas sa karwahe,malayolayo na Ang mansyon ni lady Khina pero kailangan Kong bumalik.

Kinakabahan ako at Hindi makapakali,dumadagondong Ang malakas na tibok Ng puso ko.

Sa tanan Ng buhay ko pangatlong beses palang ako kinabahan.

Tagaktak Ang pawis ko Ng nasa tarangkahan na ako Ng mansyon ni lady Khina ,Hindi ko narin pinansin pa Ang pagbati saakin Ng nagiisang kawal na magbabantay doon at linampasan ko Lang sya.

"Ahhhh!!"

Napatigil ako Ng sandali Ng nakarinig ako Ng pamilyar na Boses,pero mukhang nahuli ako.

Sinipa ko Ang pinto at tumambad sa akin Ang magulong Sala may basag na gamit,at sa dikalayoan Ay Ang damang nakapatong Kay lady Khina habang hawak Ang isang basag na piraso ng vase.

Napabaling Ang tingin nila sakin napahinto sa era Ang kamay Ng dama at gulat na nakatingin sakin.

Bumaling Ang tingin ko Kay lady Khina at nagtagis Ang aking panga Ng makita ko Ang kabuoan nya.

"T--tulongan mo ako"

Nandilim Ang aking paningin Ng marinigko Ang Ng hihinang Boses ni lady Khina mabibigat Ang paang nagtungo ako sa dereksyon nila.

Itinulak ko Ng malakas Ang dama na nakapatong Kay lady Khina at Wala sa sariling nakatingin sakin.

Sinamaan ko Ito Ng tingin kaya sunod sunod Naman Itong napalunok.

Third person point of view

Hindi Alam Ni Celine Kung ano na Ang gagawin parang napako na sya sa kanyang kinauupoan dahil nanginginig na Ang kanyang mga tuhod.

Hindi ako makakapayag na maging masaya ka lady Khina Wala Kang karapatan na hawakan at malapitan man Lang Ang pagmamayari ko!!

Galit na galit si Celine dahil doon pero kailangan nya Rin mapaniwala Ang lalake na iniibig nya na Isa syang biktima.

Mangiyak ngiyak si Celine ay binitawan Ang kanyang hawak,saka Ito humagulgul.

"Hindi ko *sub* ko sinasadya*sub* kailangan ko Lang na protectahan*sub* Ang aking sarili Kay lady Khina na *sub* sa pagtatangka nya sa buhay ko"

Napabaling Ang tingin nya sa binata na matalim parin sya nitong tinitigan napadako Ang tingin nya sa babaeng kinamumuhian nya na nakangisi na sakanya ngayon.

SERIAL KILLER Reincarnated To A Abandoned 7th Wife Of EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon