TEASER

24.2K 551 83
                                    

Disclaimer:

The following is a work of Fiction. Names, characters, places, and incidents are the products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is entirely coincidental.



Nag aabang Sila sa Isang sulok habang nakamasid sa paligid. Sobrang sama ng amoy ng paligid. Amoy na amoy nito ang nabubulok na laman loob ng mga namamatay na Tao. Blood is everywhere. Prenteng nakaupo ang grupo ng mga Lalaki habang humihithit buga ito ng sigarilyo. Inaabangan nito ang hinihintay nilang palabas na magaganap sa madugong gabi.

" Wag kang duwag Wang! Magpakita ka!" Sigaw ng lalaki habang hawak hawak nito ang baril sa kaliwang kamay na paikot ikot at tumitingin kahit saan. Atras ito ng atras habang palipat lipat ng direksyon ang hawak niyang baril.

*Bang*

*Bang*

*Bang*

" Hindi mo ako matatakot Wang! Hahahahahaha ngayong Gabi, ako Mismo ang magpapakilala Sa'yo sa Emperyo! Pupugutin ko ang ulo mo! " Sigaw nito habang nagpapaputok.

" Hindi ka nararapat mabuhay sa mundong ito Wang! Kaya mamatay ka na! " Sabay pagpaputok nito. Tumama ang bala kahit saan hanggang sa mawalan na Sya ng bala. Agad syang kumuha ng armas sa likod niya at itinutok ito sa ulo ng bihag.

" Lalabas ka ba Wang o Tutuluyan ko na itong pinakamamahal mo na Chairman! Wang,Wala ka nang matatakbuhan! Patay na ang mga Kaibigan mo hahahahahaha. Wag Kang Duwag! Ano, Wang magbibilang-

" Wag mong hintayin na lalabas ang Dragon. " Nakangising putol ng Chairman sa lalaki.

" Tumahimik ka! " Sabay hawak nito sa kwelyo ng Chairman at pilit itong pinatayo.

Isang Saglit pa, may tatlong palaso ang lumilipad sa ere at deretso itong tumama sa harapan ng lalaki kaya napaatras Siya habang tagaktak ang pawis nito sa noo.

" Wang! " Sigaw nito.

" Hahahahahaha matakot ka na. Dumating na Sya. " Tawa ng Chairman habang nakatingin ito sa madilim na parte ng Lugar.

Naalerto ang lalaki at deretsong hinila nito ang Chairman at tinutukan ng baril.

" Isang kalabit ko Lang nito Wang.... Say Goodbye to your Harabeoji. "

Vrooooom....... Vrooooom..... Vroooooommm

Napaatras siya habang hawak hawak ang Chairman sa leeg at palinga linga sa paligid. Hinanap nito kung saan nanggaling ang ingay ng motor.

Mula sa itaas ay nagpakita ang Isang motor na lumilipad sa ere at dahil sa sinag ng Ilaw na nagmula sa motor nito ay hindi niya makita kung sino ang nakasakay dito. Bumagsak ang motor sa kalsada at binangga ang Iba pang mga Tauhan nang lalaki na madadaanan nito. Napadaing ang mga Ito dahil sa sakit.

" Sugurin niyo! " Sigaw ng lalaki sa mga Tauhan niya.

Sinubukan na Lumapit ang mga ito sa nakamotor pero agad na pinapaikot ng Driver ang motor niya sa pwesto niya. Walang ni Isa ang makalapit dito.

Napalibutan sya ng mga usok mula sa tambutchu ng motor at dahil dito, mas lalong hindi nila makita kung sino nga ba ito.

Hinugot nito ang baril na mula sa tagiliran niya at deretsong pinaputokan ang mga Lalaking sumugod sa kanya. Pàa at kamay ang punterya niya kaya napadaing Ito sa sakit.

May Isang Lalaki na hahampas ng baseball bat sa kanya ngunit, agad niya itong nasalag at deretsong pinaputokan sa pàa gamit ang Isang kamay na may hawak na Isang kalibre na baril.

Nang matanto niyang bagsak na Lahat ng mga Tauhan nito ay agad niyang inihinto ang motor sa mismong tapat nito habang nakatuon parin ang ilaw sa mukha ng Target.

" Sino ka?" Natatarantang tanong nito habang hawak sa leeg ang Chairman.

Sa Halip na sumagot ay dahan dahan siyang bumaba sa motor niya at naglakad papalapit sa target.

" Dyan ka Lang! Papatayin ko tong Matanda na ito! "

" Parang kaya mo naman " Bored na sagot nito.

Unti unting naaninag niya ang kabuuan nito pero, hindi ang mukha. Nakasuot ito ng mahabang hood na abot pàa habang may nakalagay na puting tela sa mukha nito. Mata lang ang makikita nito at ang bagsak na mataas nitong Buhok.

" I-ikaw? " Gulat na tanong nito.

Ngumisi naman ang Babae sabay lipat ng tingin nito sa Chairman.

" Masaya ba ang kidnapping? " Kaswal na tanong nito.

" Alam kong darating ka talaga" nakangiting turan nito sa apo.

" Tch! " Usal nito bago ibinalik ang tingin sa lalaki.

" Isa kang Wang? "

" One and Only." Sa isang iglap agad na tumama ang palaso sa kamay ng target at deretso nitong nabitawan ang Chairman.

" Argh! Damn it! "

" Hindi mo na kailangan ipakilala ako sa madla. Dahil ako na mismo ang gagawa" walang buhay na aniya ng Babae habang nakatingin Ito sa Target. Napasinghap ang paligid ng tanggalin niya ang puting tela na nakaharang sa mukha niya. Tumambad sa mukha ng Lahat ang gulat ng makita nila ang kabuuan ng mukha nito.

" It's nice to Be back. " Nakangising turan nito at tumalikod na.

Mula sa Grupo ng mga lalaki na nakatayo sa dilim, pinagmasdan nila ang Babaeng naglalakad pabalik sa motor nito, Isang masiglang ngiti ang sumilay sa labi nila habang sinusundan ng tingin ang babaeng tila walang pakialam sa paligid.

" The Hidden Daughter of the Wang's Clan is finally Back". aniya ng Isa sabay buga ng usok sa hangin.

Itutuloy...

Plagiarism is a Crime!

Comment down Below and Vote! I'll be updating Daily if you read this till the end.

              Unrecognizable22

Season 1: The Hidden Daughter of Wang ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon