ACQUAINTANCE PARTY 2

3.5K 182 2
                                    

Tristan P.O.V

Para akong Timang na hindi mapirmi sa pwesto ko habang nakangiting pinagmasdan ang Babaeng Hayop Kong Sumayaw. parang ako Lang. 😉

Naiinis Talaga ako sa Choreography nila. May pa haplos haplos pa talaga? Hindi naman sa nag iinarte ako. Ang sakit sa mata ehh. Tapos lantad na lantad pa ang hita at Hubog ng katawan niya. Pigilan niyo ako!

Susugurin ko talaga ang mga lintek na mga Lalaking pinagpepyestahan ang Zin ko. Badtrip!

Nababadtrip talaga ako!

" Ang sexy pala ni Kyran " Dinig Kong Sabi ni Yuan habang nakatingin na parang Timang sa stage

" Yeah right! Goddess indeed" sabat naman ni Lexus Bago sumipol at Tumayo pa. " CLASSMATE KO YAAAAN WOOOOHHHHH! "

Tiningnan ko sila ng masama. Pasikat! Hmp!

* BABEEEEEEEEEEEEEEEEYYY" Sigaw ng kung Sino

Tang Ina!

Tumayo ako at Sumigaw " SHUT THE FUCK UP! SHE'S NOT A BABY ANYMORE! "

Nabaling naman sa akin ang attensyon ng lahat. Inirapan ko Lang Sila at padabog na Umupo. She's not their Baby!

" Hihihihi ang kyutt ni Tristan" Sabi ng Kung Sino! Hindi ako Cute! Gwapo ako! Gwapo! Anak Kaya Ako ni Venus! Bad Sya!

" Bagay Sila ni Kyran Noh.. hihihi kystanYieeeee. Labteam. "

Napangiti naman ako ng malapad. Kystan daw pero parang Tunog Pakistan

Zineus in short for Zin at Thaddeus

Pwedi rin na Trisky.

What do you think?

Natapos ang sayaw nila nang malakas na palakpakan at Hiyawan mula sa Audience.

Ang Galing kasi ng Zin ko ehh.

" Nag enjoy ba kayo sa makamandag na surpresa ng KABILIN DANCE TROUPEEE? SAGOTTTTTT" Sigaw nong emcee.

" We want MORE! MORE! MORE! "

" GANDA YONG BABAE! HOT! MORE! MORE DANCE! MORE! "

" Ang Gagaling nila ano? Pero mas maganda Kung ipakilala natin ang Bagong KABILIN DANCE Member na tinitilian, Iniiyakan, Iniabangan ng mga kalalakihan, Kababaihan in short nating Lahat. Please let me Welcome, The newest Cool member of Kabilin Dance Troupe from AHIS" pakilala nong Emcee Kay Zin. Lumapit naman si Zin sa Tabi nong Emcee with her poker face.

Natigilan ang Lahat ng suklayin niya ang Buhok niya using her right hand at Kumaway sa Madla.

Shocks

Gondo ng Zin ko ehh

" Waaaahhhhhh Chicks pare! " Sigaw nong Isang lalaki at Tumayo pa.

" Miss Beautiful witwew"

Babasagin ko kaya ang pagmumukha niyo. Ingay!

" Good Evening ." she started

" I'm kyran." Nakangiting aniya at iginala ang paningin sa audience. Nang magtama ang paningin namin ay agad syang tumango Kaya naman napunta din sa akin ang mga tingin ng mga Tao
.
" Yieeeeeeeeee"

" Sana oil"

" Yieeeeeeeeee"

Sinuklian ko naman Sya ng isang matamis na ngiti at Tumayo pa ako para mag flying kiss pero Inilingan niya lang ako.

Naman ohh!

" Kinikilig akoo" Sabi naman nong emcee. Pero Patay malisya lang Itong si Zin. She waved back to the Audience and get back on her place.

" She's Beautiful right? " Tanong nong Emcee.

" Yes! Sobraaaa"

" Maganda siya"

Sari-sating komento ang mga audience patungkol Kay Zin. She might be Badtrip right now. She don't like attention. She's a Bit aloof. That's the reason I like her. Zin is Talented, Smart, Gorgeous, Kind, Caring, Responsible and Diligent.She might not talk a lot but she's a good listener. Parang Matanda Kasi yan mag isip. In short Matanda na yan ehh. Pffft

" At this Point, Syntax Error band will serenade us Tonight. With their Newest Vocalist... Kyran Zin Valencia and Of Course, Mr.Tristan Thaddeus Chua. Let's give them a tumultuous applause"

" Waaaahhhhhhhh"

" Tristan and Zin Go!." Sigaw ng kung Sino.

Ngumiti naman ako habang naglalakad papunta sa stage. Agad Kong hinalikan sa pisngi si Zin nang Makita ko sya kaya mas lalong umingay ang Hall.

Tch!

Friendly kiss lang naman yon ehh. Isyu!

" Tsk" angil ni Zin habang inaayos ang Guitara.

Lima ang Myembro ng Syntax Error. Sina Ryeo, Zenun, Rory ako at Zin.

Season 1: The Hidden Daughter of Wang ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon