Chapter 22

3.9K 170 4
                                    


Flashback

Kyran P. O.V

" Abeonim! Abeonim! " Sigaw ko habang Tumatakbo sa mahabang Pasilyo hawak ang manipis na papel. Winawagay way ko Ito sa ere na may ngiti sa Aking mga Labi. Sa gulat ay nasipagtinginan ang Ibang mga Estudyante  at ang mga kaklase ko naman ay nagsilabasan sa aming silid at bumubungis ngis habang nakatingin sa aking ama.

Ang Ilan ay umiling habang natatawa dahil sa lakas ng Boses ko.

" Abeonim! Aboenim! " Sigaw ko at agad yumuko sa Harapan niya. Tiningnan naman niya ako na may ngiti sa labi. Ngumiti ako at agad Ipinakita sa kanya Ang obra na Aking gustong Ipagmalaki sa kanya.

" Binigyan ako ng Malaking Marka ni Seonsangnim. Ang Saya Saya ko Abeonim. Ang Saya Saya ko. " Lumapit naman Sya sa akin at kinuha ang obra na ipinagmamalaki ko. Tumatango tango Sya habang pinagmasdan ito. " Napakabuti mo Kyran Zin.. Ako'y natutuwa sayo. "

Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang marinig ko ang mga Katagang yon mula sa Bibig niya.

" Chairman must know this. " nakanging aniya at inakay ako papunta sa kotse namin..

" Eomonie-

" I told you not to shout Kyran Zin! What's it that you can't speak to me in a low Voice? " Taas kilay at maawtoridad na tanong niya. Napayuko ako at agad nagtago sa likod ni ama..

" Don't scare our Daughter, Hon. " Kalmadong sabat ni Ama.

" Let's go. Keith needs us. "

Sinulyapan niya mona ako ng Tingin Bago pumasok sa loob ng kotse. Humarap Naman sa akin si Ama at nginitian ako.

" Halmoni will fetch you after your Class. Cheer up Gorgeous! "

Tumango naman ako at nginitian Sya. Agad niya akong niyakap ng mahigpit at Hinalikan sa noo Bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse at Umalis na.

Hindi ko mapigilan ang Aking sarili na Hindi malungkot dahil sa inasta ng Aking Ina. Mas maganda Ang pakikitungo ni Ina sa mga nakakatanda ko pa na Kapatid maliban nga lang sa akin.  Hindi ko maiwasan matanong sa aking sarili Kung bakit nga ba. Siguro dahil Hindi ko napapantayan Ang katalinuhan ng Aking mga kapatid. Mapait akong tumingala sa asul na kalangitan at Bumuntong Hininga.

Pagkatapos ng aming Huling klase ay Sinundo na ako ng Isa sa Tauhan namin. Bagsak Ang Aking Balikat na Tinungo ang loob ng Sasakyan at Umupo. Oras Ang lumipas ay narating na namin Ang aming Mansyon.

Pinagbuksan niya ako ng pinto Kaya Lumabas na ako at matamlay na tinungo ang nakangiting pigura ng Aking kapatid habang may dala itong prutas na mansanas.

" Yodongsaeng, Anneong" nakangiti niyang Bati sa akin. Halos Hindi na Makita ang kanyang mga mata dahil sa malapad niyang ngiti.

" Orabeoni" iyon ang Katagang Lumabas sa Aking bibig habang nakatingin sa kanya ng Deretso. Hindi ko parin maiwasan na hindi malungkot. Hindi ko alam. Pero ang bigat sa pakiramdam.

" May masakit  ba sayo? Inaway ka ba? "Puno nang Pag aalala ang Mukha niya habang nakatingin sa akin. Agad niyang inilagay sa Kamay ko ang Mansanas na hawak niya kanina at Hinawakan ang leeg ko. " Hindi ka naman nilagnat. " Pabulong niya na Sabi.

Nginitian ko naman Sya.

" May mataas na marka akong nakuha ngayon dahil sa Obra na ginawa ko.." nakangiti Kong sumbong sa kanya..

" Talaga? Patingin nga! "

" Mamaya na. Puntahan mo nalang ako sa Kwarto at kwentuhan mo narin ako sa mga panibagong nalaman mo. " Nakangiti parin na Sabi ko. Ginulo naman niya ang Buhok ko at Tumango. Sabay sabay kaming Pumasok sa loob ng mansyon.

Season 1: The Hidden Daughter of Wang ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon