Chapter 85 MOURNING 2

3.1K 153 14
                                    

"Death leaves a headache, No one can heal.
Love leaves a memory no One can Steal. "

Kairo P.O.V

" Hon, Diba napag-usapan na natin ito? Walang kasalanan si Zin dito. Kung sino man ang may kasalanan yon ay si Sato. " Dinig Kong sabi ni Dad.

Nandito sila ngayon sa loob ng Kwarto ni Keith. Hanggang ngayon ay hindi parin ito nagising. Nakatulog na din si Zin mula sa pagwawala nya kanina. Kung hindi ko sya tinurukan ng pampatulog for sure mahihirapan ang mga Doktor na dalhin sa morgue ang katawan ni Thaddeus. He's one of the closest friend of Zin and I'm thankful for what he did to my sister.

" At bakit hindi sya ang may kasalanan? Sya lang naman ang sumpa sa Pamilyang to! Sa tuwing nakikita ko ang mukha nya, naaalala ko ang ginawa nyo ng kapatid ko. Naalala ko kung paano ako ka walang silbi na hindi kita mabigyan ng Babaeng anak.. I trusted you both. I loved you both! " sigaw ni mommy Kay Dad.

Hindi mabigyan ng Babaeng anak?

" Napag usapan na natin to! You already accepted my Children most especially si Keith. Pero bakit si Zin, Hindi? Alam kong galit ka sa akin, sa Amin. Please lang naman Mingyu, kahit katiting man lang.. respetuhin mo naman ang anak ko. Pinagbigyan na kita noon. Kahit masakit sa akin. Ibinigay ko kay Mengzei si Zin. Masakit iyon para sa akin. Dahil ako yong ama. Zin sacrifice a lot for this family!Hindi mo ba iyon nakikita? "

What the! Si Zin at keith ay anak ni Dad sa ibang Babae?

" Alam ko! Dapat lang yon. Kulang pa nga ang lahat na ginawa nya sa lahat ng kababuyan na ginawa nyo sa nanay ng Babaeng yan! Anak sa pagkakamali!"

" She's never been a mistake. " nakayukong sagot ni Dad. Umismid naman si mom at pinahid ang luha sa pisngi nya.

Nasasaktan ako para sa kapatid ko. Bakit kailangan nyang pagdaanan ang lahat ng to?

" I admit, I never been a good Mother to Zin. And it's because of her rebellious attitude na syang namana nya sa nanay nya! Alam mo bang bakit Hindi ako galit kay Keith? Because she's not like her sister. Parang ako lang dati. Walang karapatan sa  Empire dahil mahina, sakitin. Ha! That's how my parents hated me that fucking much! Naiinis ako Dati Kay Mengzei dahil palagi nalang Sya. Palagi nalang na sya itong magaling, Matalino. Habang ako? Weak and useless. "

M-mom.

" Alam mong hindi totoo yan. "

" Ehh si Mengzei naman talaga ang totoong Mahal at dapat mong pakasalan, Diba? Pangalawa lang ako sa Buhay mo! Sa puso mo! But thanks to God dahil nabuntis mo ako kay kairo. Kaya pinakasalan mo ako. "

Ang gulo!

" Is that true mom? Dad? " gulat ang Ekspresyon ng mga mukha nila ng makita nila ako.

" K-kairo. " mom tried to touch me pero hinawi ko ang Kamay nyang hahawak sana sa braso ko.

My sister doesn't deserve to feel all of this!

" Explain everything to me. " mahinahon kong sabi.  Puno ng pagtatanong ang nasa isip ko. Galit ako. Oo! Galit ako hindi dahil hindi si mom ang first love ni Dad. Galit ako dahil masasaktan naman si Zin. Mula pagkabata sya na itong lagi na napagbuhatan ng kamay ni mom.

Kaya pala galit na galit Sya.

" Son.."

" I said, Explain everything to me Mom, Dad!" inis kong Sigaw sa kanila.

Season 1: The Hidden Daughter of Wang ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon