𝙿𝚛𝚘𝚕𝚘𝚐𝚘

15 5 2
                                    

Si Crispin at Basilio ay ang magkapatid na sakristan sa simbahan ng San Diego na anak ni Sisa,sa murang edad ay dinanas na nila ang hirap ng buhay.Ang kanilang ina na si Sisa ay nagtitinda ng mga gulay mula sa kanilang bakuran upang may makain sila kahit isa o dalawang beses sa isang araw, ngunit pagdating ng hapon,uuwi lamang ang kanilang lasenggo at iresponsabling ama upang kainin ang kukonting pagkain na inihanda ni Sisa sa hapag para sa kanilang dalawa,pagkatapos nitong kumain ay aalis nanaman ito ng bahay kubo nila at tutungo sa inuman.Tatahimik nalamang sila at matutulog na walang laman ang sikmura,at kung hindi nama'y iinuman nalang nila ito ng tatlong basong tubig upang sa gayo'y mabusog sila sa ganuong paraan.

Marahang umiihip ang malamig na simoy ng hangin kasabay ng pag alon ng dagat sa dalampasigan.Alas sais na ng hapon at nasa dalampasigan ang dalawang magkapatid nakaupo sa putol at patay na kahoy nakatanaw sa papalubog na araw.

Sa ganuong sitwasyon ng buhay ay hindi naiwasang kwestiyunin nila Crispin at Basilio ang stado nila sa buhay at mag tanim ng sama ng loob sa kanilang ama.

"Kuya,hindi ba natin sasabihin kay ina na pinag bintangan akong magnanakaw ng kura?"walang ano anong tanong ni Crispin sa kanyang nakakatandang kapatid na si Basilio na ngayon ay nakaakbay sa kanya habang nakatingin sa papalubog na araw sa dagat at nag kukulay kahel na langit.

"Hindi, Crispin...malamang ay magagalit si Inay kapag sinabi natin ito sakanya,,,,"wika ni Basilio na diritso parin Ang tingin.Nag aalala sya para sa kapatid.Pinagbintangan ng Pari si Crispin na nagnakaw ng dalawang onsa(P.30 pesos).At nangangamba sila dahal mapapahamak ang kanilang buhay dahil alam nilang hindi nila ito kayang bayaran.

Ang sahod lamang nila ay dalawang piso sa isang buwan kung kaya't paano sila kakain kung magbabayad sila sa halagang ibinibintang sa kay Crispin na hindi naman talaga nito nahawakan.Mamamatay nalamang sila sa gutom ngunit di parin nila mababayaran lahat ang nawawalang salapi at ang pataw na multa ng tatlong beses.

Naisip ni Crispin na dapat ay ninakaw nalang nya ang nawawalang pera at ng sa gayun ay maibabalik nya pa ito at kung mamatay man siya sa malakas na hagupit na palo na matatanggap niya ay may maiiwan naman siya sa kaniyang ina at kapatid.At Kung malaman man ito ng kaniyang ina ay marahil hindi ito maniniwala sapagkat ipapakita niya ang maraming latay na likha ng pagpalo ng kura at ang bulsa nyang butas butas na walang laman kundi isang kuwalta na aguinaldo pa niya noong pasko na kinuha pa sakaniya ng masamang kura.

Bukod sa palo na tinamo ni Crispin ay gutom na gutom narin siya sapagkat di na siya pinapakain mula ng siya ay pagbintangan.

Patuloy na nag uusap ang ang magkapatid tungkol sa kanilang kalagayan na Hindi nila namamalayan na naririnig na pala sila ng sakristan Mayor ,nagpupuyos ito sa galit bagay na mas lalo nilang ikinabahala dahil malamang ay makatatanggap nanaman sila ng palo o kaya ay isang malakas na sampal mula rito.

"Ang kakapal ng mga mukha ninyo!Ang lakas ng loob ninyong mag daldalan sa oras ng trabaho!"buwelta ng sakristan Mayor na pinandilatan pa sila ng mata.Napasiksik nalamang silang magkapatid sa isang sulok dahil alam na nila kung ano ang susunod na mangyayari.

"P-Paumanhin po n-ngunit napatugtog na ho namin ang k-kampana-"hindi na natapos ni Basilio ang sasabihin dahil hinawakan na ng sakristan Mayor ang kanyang buhok upang sya ay mapatingala.Nagsimula ng umiyak si Crispin na mahigpit na nakakapit sa kanyang braso.

"Mag mumulta ka ng isang unsa dahil mali ang pagpapatugtog mo ng kamapana!"bulyaw nito na mahigpit paring nakahawak sa buhok ni Basilio na ngayon ay maluha luha na dahil mukhang mapupunit na ang kanyang anit dahil sa pag sabunot nito.

"At ikaw!"Sabi nito sabay turo sa kay Crispin."Hindi ka makakauwi hanggat hindi mo maibabalik ang perang ninakaw mo!"yumuko nalamang si Crispin habang umiiyak at nakayakap sa kanyang kuya Basilio.

"N-ngunit Sakristan Mayor...Hindi po n-ninakaw ni Crispin ang nawawalang salapi na--"pagtatangkang pangangatwiran ni Basilio bagay na nakapagpapahamak pa sakaniya sapagkat hindi siya papauwiin nito hanggang hindi ika-sampu ng Gabi.

Ang desisyon ng sakristan ay lubhang mapanganib para sa kaniya sapagkat mahigpit na ipinapatupad ng guwardia sibil na bawal maglakad ang sinuman bago sumapit ang ika-siyam ng Gab𝚒.

Pakasabi nito ay hinawakan si Crispin sa bisig at akmang kakaladkarin na ng sakristan Mayor.

"M-Maawa na po kayo s-sa k-kapatid ko w-wala ho siyang kinalaman sa perang--"putol na sabi ni Basilio sa sakristan dahil tinapik lamang ang kamay nito ng hawakan nya ito sa braso.

"K-Kuya!kuya t-tulongan mo ako!"Pagsusumigaw ng kaawa-awang Crispin na humihingi ng saklolo sa kaniyang kuya Basilio na walang magawa.Napatakip nalamang si Basilio ng mawala na sa paningin nya ang kaniyang kaawa-awang kapatid at ang walang kaluluwang sakristan Mayor.Maririnig ang mga yabag at kalampag sa hagadan pati narin ang palahaw na iyak ni Crispin ng pababa sila ng hagdan.Marahil ay sinaktan ito ng sakristan Mayor at gumulong gulong ito sa hagdanan.Maya-maya ay narinig ni Basilio ang kaawa-awang tinig.

"Ina!Kuya!"pagkatapos ay sumunod ang ingay ng pagsarado ng pinto.

Ipinasok ng sakristan mayor si Crispin sa isang cuarto na marumi at maalikabok.Itinulak siya sa sahig ng sakristan mayor bagay na tumama ang ulo nya sa sahig.Akmang hahawakan na sana siya ng Sakristan ng kagatin nya ito sa kamay at buong lakas na itinulak palayo sa kanya.Napasigaw ang sakristan mayor sa sakit.Agad na lumabas ng cuarto si Crispin ng walang ginawang ingay.Nakatakas sya sa kamay ng malupit at walang kaluluwang sakristan Mayor.Agad siyang nakalabas ng simbahan sapagkat mahimbing na natutulog ang mga bantay sa labas at agad siyang nakatago sa isang kalesa.Nabulabog ang mga guardia sibil ng sumunod na tumakas si Basilio at pinaputukan ito ng baril.

Ang kanyang kuya Basilio papunta sa madilim na kalye.Sa mga panahong iyon ay hindi sya makatakbo at sundan si Basilio sapagkat nasa labas na ang mga taong tumutugis sa kanila.

"Lo siento Señor!nakatakas ang dalawang Bata,Hindi na namin dito naabutan sa labas"saad ng isang gwardya na siyang nagpaputok sa kanila.

"Punyeta!!!hanapin ninyo!kayo ang papatayin ko kapag hindi nyo sila nahanap!"bulyaw ng lalaki na tinatawag ng mga guardia na Senor.

"Sé Señor"wika ng isang gwardya at nagtungo sa madilim na kalye na dinaanan ng kanyang nakakatandang kapatid.Nakita niyang bumalik na sa loob ng simbahan ang galit na galit na sakristan mayor kaya mabilis syang tumakbo at tinungo ang daan sa kabilang kalye.

"Ayon ang sakristan!!!dakpin!"sigaw ng isang gwardya.Hindi natinag si Crispin at mabilis na tumatakbo habang marahan na lumuluha,nais nya mang sumigaw ngunit magbibigay lamang ito ng atensyon sa mga taong mahihimbing na ang tulog.

Nagsitakbuhan na ang mga gwardya patungo sa gubat dahil duon sumuot si Crispin,Ang gubat na iyon ay pagmamay ari ni Ginoong Ibarra.

"Fuego!"sigaw ng isang gwardya sibil sa kanyang mga kasama dahil napatigil nalamng si Crispin sa kanyang kinatatayuan.

Wala na syang mapupuntahan,nasa gitna na sila ng gubat at nakatayo nalamang sya sa isang malaking bato malapit sa bangin...Nakatotok na sakanya ang mga baril ng mga gwardya sibil,napayapak nalang sya sa kanyang sarili at humagolhol.

"Barilin nyo na Ang batang iyan!isang syang magnanakaw!salut iyan sa lipunan!"Sabi ng isang gwardya,marahil ito ang pinuno.
"Subalit,,kailangan nating makuha Ang sakristang iyan ng buhay,,,kailangan pa sya ng kura"sabat naman ng isang guwardya na medyo may kapayatan ngunit malaki Ang tiyan,may mahabang balbas at malaki Ang mata,madalas itong namamalagi sa bahay aliwan at tanyag na lasenggo.

"Kung ayaw nyong gawin,ako Ang gagawa"saad ng pinuno at kinuha ang baril sa kamay ng gwardyang lasenggo at itinutok sa dibdib ng kaawa awang paslit.

𝐵𝐴𝑁𝐺𝐺𝐺!

Isang putok ng baril Ang pumailanlang sa loob ng gubat,Ang lahat ng mga ibon at iba pang hayop ay nagsiliparan at nasitakbuhan sa kabilang bahagi ng kagubatan.

Crispin [ La Historia No Contada]-On-HoldWhere stories live. Discover now