𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊 𝚅𝙸𝙸𝙸:𝙺𝚞𝚕𝚋𝚒𝚝 𝚗𝚐 𝚊𝚕𝚊-𝚊𝚕𝚊

2 1 0
                                    

Cecilia Dela Esquerido

"Aaaaggghh!!!"wala sa sariling sigaw ko dahil sa inis.Narito ako ngayon sa aming dormitorio.Alas siete na ng gabi at oras na ng seyesta.Kakatapos palang naming maghapunang lahat at agad akong humiga sa kama dahil sa pagod at pagkainis.Napatalukbong ako ng aking kumot at doon ako nagsisigaw.Malamlam ang ilaw na nagmumula sa tatlong malalaking kandila malapit sa tokador na mas nagbibigay pa ng bigat sa aking nararamdaman.

"Ano ba ang iyong problema at nagsisigaw ka riyan?"tanung sa akin ni Lorina na kakapasok pa lamang sa aming silid at dumaretso sa may tokador para sindihan at palitan ang kandilang naupos na.Nakasuot na ito ng manipis na damit pangtulog,sa ganuong ayos ay mas lumalabas ang kaniyang karikitan.

Hindi ko siya sinagot kundi napabuntong hininga nalamang ako.Walang magandang nangyari sa araw na ito.Ang una,nailaglag ko ang aking pamaypay sa daan.Pangalawa,nagkauntugan kami ng Lorenzong iyon.Pangatlo,palagi akong nagkakamali sa pagsayaw kanina dahilan para pagtawanan ako ng ibang mananayaw.Pang-apat,bumagsak kami ng lalaking iyon sa sahig at ang pang-lima,pinagalitan ako ni Hermana ng pagkauwi namin ng convento at ako ang pinaluto ng hapunan!mabuti nalang at tinulungan ako ni Lorina at Luciana sa paghahanda kanina ng hapunan para sa dalawampung binibini na nag-aaral sa beaterio.Sino ba ang hunghang na ngingiti pa sa mga pangyayaring iyon?kaya sa inis ay isinisigaw ko nalang ang aking galit.

Nakita kong kumuha ng libro si Lorina sa estanti ng mga libro sa aking gilid at nagsabi,"ano bang pinag-usapan ninyo kanina ni Ginoong Lorenzo?Ang buong akala ko'y nagkakamabutihan na kayo...ngunit sa palagay ko ay nagkamali ako sapagkat mukhang beirnes santo iyang mukha mo kanina pa sa bulwagan pagkatapos ninyong bumagsak sa sahig,Cecelia"natatawa niyang sabi at dumaretso sa kama nito.

"Hay naku,Lorina.Pinaalala mo pa talaga ang pangyayaring iyon.Ang Lorenzo na iyon ang sumira ng araw ko!ahh!"inis na tugon ko bagay na ikinatawa niya at nagsimulang magbuklat ng hawak na libro.

"Ano ba ang inyong pinag-usapan at ikaw ay lubos na naiinis sa kaniya?"tanong niya at napagdesisyunan kung ikwento na sa kaniya ang mga nangyari sa pagitan namin kanina ng Lorenzo na iyon.Natatawa pa siya ng sinimulan kong ikwento ang tungkol sa pagsadya kong pagpalo sa leeg ni Lorenzo.

"Sandali,alam nga siguro ni ginoong Lorenzo na sinasadya mo ang pagpalo sa kaniyang leeg,at siyang siya ka sa mga oras na iyon.At naisipan niyang gantihan ang iyong kapilyahan!"aniya at mahinhin na tumawa.Sapo nito ang bibig ng mga kamay habang tumatawa.Kinaugaliaan na ng mga pilipina ang ganuong pagtawa lalo-lalo na ang mga binibining nakatira sa ciudad at pueblo na pinamumunuan ng mga espaniyol.Kapag nakatira ang isang binibini ng nasasakupan ng Real Audencia,marapat na kumilos ito ng naaayon at kinakikitaan ng magandang pag-uugali o kagandahang asal.Ngunit,aywan ko ba kung bakit ako isinilang sa panahong ito samantalang ang aking kilos at pakikipagtalastasan ay taliwas at hindi napapanahon.Kapag ako'y tumawa ay sadyang malakas sa tuwing hindi ko napipigilan,nakikipagtitigan din ako kahit ito'y ipinagbabawal.Ngunit sa aking palagay,hindi naman iyon papansinin ng mahal kong Espaniya sapagkat ang panahong ito ay halos walang karapatan ang mga kababaihan.Bahay at simbahan lamang ang sentro ng aming buhay,kaya ano man ang kanilang sasabihin,gagawin ko ang aking nais.

"Marahil tama ang iyong hinuha,Lorina.Ngunit,kaaya-aya ba sa isang ginoo ang gantihan ang isang babae na kagaya ko?"wika ko.Tumingin naman siya sa akin at isinarado ang libro.

"Cecelia,inakusahan mo siyang sinadya niya ang pag-apak sa iyong saya kaya sinabi niya ring sinadya mo rin siyang hinawakan sa damit upang madaganan mo siya"natatawa niyang sabi at humiga na sa kaniyang kama.Napangiwi nalamang ako at napataklob ulit ng kumot.

"Aaagh!basta,isa siyang lapastangan!"usal ko at sandali akong natahimik ng dumaan sa aking balintataw ang nangayari kanina ng bumagsak kami sa sahig at napaibabawan ko si Lorenzo.Naalala ko ang kulay kape niyang mga mata na sinalubong ang aking paningin ng madaganan ko siya kanina,naalala ko rin ang kulay rosas niyang mga labi na bahagyang nakaawang ng akin siyang madaganan at mauntog ang aking ulo sa malapad at matigas niyang dibdib.

Crispin [ La Historia No Contada]-On-HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon