𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊 𝙸𝙸𝙸 : 𝙰𝚗𝚐 𝚂𝚊𝚕𝚞-𝚂𝚊𝚕𝚘

4 3 0
                                    

Lumipas pa ang ilang buwan ay ipinadala na sa escuela si Crispin ng Don at Doña para paaralin sa primarya at pribadong paaralan.Si Ginoong Domingo Guevara ang naging maestro ni Crispin.Malapit na kaibigan ni Don Emilio si Maestro Domingo.Kilalang kinatatakutan(terror) na guro si Ginoong Domingo ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay malambot ang puso nito.Tinatakot lamang niya ang kaniyang mga estudyante upang mabilis ang mga itong matutong bumasa at sumulat sa wikang espaniyol.

Ang naging paaralan nila ay ang paaralan na nasa Cebu at ang paaralang ito ay pawang panlalaki lamang.Ito ay ang Unibersidad ng San Carlos.Ang itinuturo sa paaralang panlalaki ay ang katesismo,wikang Espanyol at Latin, pagsulat, kasaysayan, musika, heograpiya, pilosopiya, lokiha at retorika,, magandang-asal, pagbasa at matematika.

Sa pagtunog ng kampana,ang lahat ng batang mag-aaral ay nagtitipon-tipon sa simbahan.Sa pangunguna ng koro,aawit sila ng 𝑇𝑒 𝐷𝑒𝑢𝑚 na nagtatapos sa isang panalangin at pag-awit ng papuri sa mahal na Birhen.Pagkatapos,isinasagawa ang misa na sinusundan ng pagrorosaryo ng mga batang lalaki.

Pagkagaling sa simbahan,nagtutungo na sa paaralan ang mga mag-aaral.Doon ipinagpapatuloy ang pagtuturo ng mga dasal at katesismo.Dalawang tunog ng kampana ang hudyat ng kalahating araw ng pag-aaral.Umuuwi ang mga bata sa kani-kanilang bahay at bumabalik pagsapit ng ikalawa ng hapon para sa isa pang klase.

"Beunas Dias Ginoong Domingo!Nagagalak akong makita ka muli"wika ni Don Emilio ng pumasok ang mag asawang Concepcion sa opisina ng maestro ni Crispin.

"O,kayo pala iyan Don Emilio at Doña Juanicar!Ano ang inyong sadya at naparito kayo.Maupo ho kayo!"magiliw na tugon ni Ginoong Domingo sa Mag-asawang Concepcion at iginaya sa salas upang makapag kwentohan.

"Sumadya kaming bumyahe patungo rito upang kamustahin ang aming anak sa pinsan kong si Florinda.Tyempo namang nasa paaralan pa si Lorenzo kaya tumuloy na kami rito"wika ni doña Juanicar kay Ginoong Domingo ng makaupo sila sa mahabang upuan na gawa sa kawayan na kinulayan ng barnis upang maging makintab at kaaya-ayang tignan. Nasa kanang bahagi ng upuan nakaupo ang mag asawa habang nasa kaliwang upuan naman si ginoong Domingo.Nakasuot ng magarbong kasuotan si donya Juanicar,suot niya ang pinakamahal at pinakamaayos na baro at saya na denisinyuhan ng mga maliliit na dyamante sa mga laylayan at sa parte ng dibdib.Habang suot naman ni don Emilio ang kulay uling na 𝘴𝘶𝘮𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘢𝘬 na tininuhan ng kulay uling ding 𝘴𝘰𝘮𝘣𝘳𝘦𝘳𝘰 𝘥𝘦 𝘤𝘰𝘱𝘢 (𝘴𝘢𝘮𝘣𝘢𝘭𝘪𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘺𝘢𝘳𝘪) at kulay itim rin na baston na palagi niyang dala saan man siya magtungo.(𝘗𝘳𝘢𝘬--𝘰 𝘍𝘳𝘰𝘤𝘬 𝘤𝘰𝘢𝘵 ,𝘥𝘢𝘮𝘪𝘵 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘳𝘭𝘪𝘬𝘢 𝘯𝘰𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘵𝘪𝘭𝘢)

"Mabuti na rin na tumuloy kayo sa opisina ko upang kahit papaano ay makapagkwentuhan tayo Don Emilio,Doña Juanicar.Ilang taon na rin tayong hindi nagkikita-kita."nakangiting wika ng maestro.Si ginoong Domingo ay may bilugang mukha,matangos ang ilong,medyo singkit ang mga mata.Makinis ang balat ngunit kunot na ang noo na animoy inako ang lahat ng problema sa mundo.

"Tama ka,may ilang taon na ring hindi kami nakabisita sa bayang ito.Pansin ko'y mas naging maayos ang inyong paaralan maestro"komento ni don Emilio.Humalakhak naman si ginoong Domingo sa tinuran ng don.

"Hindi magiging maayos ang paaralang ito kung walang tulong sa pamahalaan at sa kura dito sa Cebu,amigo!"

"Marahil ay tama ka.Si padre Antonio pa ba ang inyong kura magpahanggang ngayon?"tanong ni Don Emilio.Uminom naman si donya Juanicar ng tsokolateng ipinahanda ni ginoong Domingo sa serbidura nito.Hindi na siya nakisali sa usapan at nakinig nalamang dahil usapan na iyon ng mga lalaki.

Crispin [ La Historia No Contada]-On-HoldWhere stories live. Discover now