𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊 𝚅𝙸𝙸:𝙶𝚊𝚗𝚝𝚒𝚑𝚊𝚗

1 1 0
                                    


Bb.Cecilia Dela Esquireda

"Cecilia,k-kinakabahan ako"bulong sakin ni Lorina sa gilid ko ng pumila na kami kaharap ng pila ng mga kalalakihan.Kaharap na namin ngayon ang aming magiging kapareha.Napanguso ako ng magawi ang aking tingin sa kaharap,ang aking kapareha.Ang lalaking nakapulot ng pamaypay ko at nakabundulan ko kanina.Sa kinadami-dami ba naman ng mga kalalakihan rito bakit siya pa?!

Naging kapareha naman ni Lorina ang kaibigan nito na napag-alaman kong si Felix.Marahang ngumiti si Lorenzo sa akin na akin namang ginantihan din ng pilit na ngiti.Wala akong alam kung sino ang Lorenzo na ito dahil ngayon ko lang naman siya nakita.Sadyang maginoo siya tignan,kaaya-aya ang tindig at sabihin na nating macho siya sapagkat halos hapit na ang suot niyang amerikana sa kaniyang katawan.Napansin kong pasulyap-sulyap si binibining Belen sa gawi namin.Rumehistro sa mukha nito ang paghihinayang.

Bakit?nais niya bang siya ang makasayaw ni Lorenzo?Nakita kong binawi nito ang tingin at itinuon nalang sa kaharap ang paningin ng makita niyang nakatingin din ako sa kaniya.Nagsimula nang tumugtog ang orkestra ng medyo malamyos at nakakaindak na tugtog ng Cariñosa,ito na ang hudyat upang simulan na ng mga kalalakihan na yumukod sa harap namin at kami naman ay nakatapat ang aming mga pamaypay sa aming dibdib kasabay ng pagbigay galang namin sa isa't isa ay isisigaw ni Propesor Melchor ang mga hakbang na dapat naming sundin habang tumutugtog ang orchestra.Naroon kaming lahat sa gitna habang nasa kanang bahagi ang orkestra at nasa kaliwang bahagi naman ang propesor at Hermana.

Hindi ko mapigilang kunutan ng noo si Lorenzo na nakatingin sakin at ngingiti-ngiti.Nagpapalitan kaming lahat ngayon ng direksiyon,kapag nasa kanan humakbang ang mga kalalakihan ay nasa kaliwa naman kaming mga kababaihan hahakbang.

"A-ano ang iyong problema ginoo at tatawa-tawa ka riyan?"hindi ko mapigilang tanong kay Lorenzo sa gitna ng pagsasayaw.

"sapagkat mali ang iyong paghakbang binibini.Sumusunod ka sa akin"wika ni Lorenzo na halatang nagpipigil ng tawa.Napatingin ako sa kanan at maayos na nasusunod roon nina Lorina ang pagsayaw at napansin kong mali ang aking pagsayaw dahil sinusundan ko kung ano ang sayaw ni Lorinzo.Sa gulat ay mabilis kong sinunod ang hakbang ng mga kababaihan.Natawa naman si Lorenzo bagay na lumabas ang kaniyang biloy sa kaliwang bahagi ng kaniyang pisngi.

"Oh,isa pa!...ikot...ikot...humakbang ng dalawang beses..palakpak--binibining Esquireda sumubra ang iyong hakbang!"wika ni propesor Melchor na lalong nagpapula ng aking mga pisngi.Jusko!binanggit na naman ang aking pangalan!

Sumubra na naman ako ng isang hakbang.Kailangan ay dalawang hakbang lamang ngunit tatlong hakbang ang ginawa ko.Napatingin ako kay Lorenzo na nakalingon sa kanan at nagpipigil ng tawa.Napalunok pa ito ng makitang matalim akong nakatingin sa kaniya.Pinagtatawanan niya ba ako?!

Iginawi ko ang tingin sa iba pang mananayaw.Pinagtatawanan nila akong lahat!Gaganti ako sa lalaking ito!

Naroon na kami sa parting luluhod ang mga kalalakihan at pupunta naman kami sa likuran nila.At kasabay ng indak ng tugtog ay bahagyang ilalapat namin ang aming mga nakatiklop na pamaypay sa kanan at kaliwang balikat ng mga ginoong aming kapareha.Sa tuwing ilalapat namin ang aming pamaypay sa kanang balikat ay lilingunin naman kami ng aming kapareha at ganuon din ang gagawin sa kabila.Ng inilapat ko na ang aking pamaypay sa balikat ni Lorenzo ay liningun niya na ako na hindi parin matanggal ang ngiti sa kaniyang mukha na mas lalong nakapapadagdag sa kagwapuhan nitong taglay.Nagigitla ako sa tuwing sinasalubong niya ang aking paningin.

Sa hindi malamang dahilan ay hindi ko na namalayang malakas ko na palang napapalo ang leeg ni Lorenzo ng aking pamaypay.Nakita kong napangiwi siya.

"B-binibini...sa balikat mo lamang ako marahang p-papaluin hindi sa leeg"wika nito.Inismidan ko lang siya.

𝘕𝘢𝘬𝘢𝘨𝘢𝘯𝘵𝘪 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰!𝘩𝘢𝘩𝘢𝘩𝘢𝘩!tawa ko sa aking isip.Hindi ko lang siya pinansin at pinapalo ko parin siya sa leeg.

Crispin [ La Historia No Contada]-On-HoldWhere stories live. Discover now