𝙺𝙰𝙱𝙰𝙽𝙰𝚃𝙰 𝙸:𝙰𝚗𝚐 𝙷𝚒𝚗𝚍𝚒 𝙽𝚊𝚑𝚊𝚢𝚊𝚐 𝚗𝚊 𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊

11 4 0
                                    

[KABANATA 1]

"Hayun ang sakristan!Dakpin!"

"Isa siyang magnanakaw!salot sa lipunan!"

"Kung ayaw ninyong gawin,ako ang gagawa!

"K-Kuya...kuya...kuya!!!Tulongggg!!!!!"napabalikwas ng higa si Crispin sa pagkakahiga sa isang malambot na kama.Pinagpawisan siya at animo'y uhaw na uhaw.Naramdaman niyang sumasakit ang kaniyang ulo at balikat,napahawak siya sa kanyang ulo at naramdaman niyang may nakabenda roon pati sa kanyang balikat.

"Wag ka munang bumangon hijo... kailangan mong magpahinga upang mapabilis gumaling ang iyong mga sugat"wika ng lalaking nakatayo sa pintuan ng magarbong kuwarto.Sa pananamit nito ay malalamang may mataas itong katungkolan sa pamahalaan at nasa mataas na antas ng pamumuhay.Mataas at maputi ang lalaki,may matangos na ilong at kulay kapeng mata.

"Kamusta ang iyong pakiramdam?sumasakit pa ba ang iyong ulo?Huwag kang matakot... Hindi kita sasaktan"hinimas himas nito ang ulo ni Crispin na nakabenda at sabay na ngumiti,bigla kasing naalarma si Crispin nang lumapit ito sa kanya,si Crispin man ay nabigla sa kanyang kilos dahil naalarma siya ng ganuon samantalang wala namang ginagawa ang lalaking iyon.

"Naaalala mo ba kung sino ang gumawa sa iyo nito?"anito at tinignan sya

"H-hindi ko p-po a-alam...wala ho a-kong na..n-natatandaan"sabat ni Crispin sa lalaki na parang gulong gulo.

Wala na syang naalala.Pagkatapos nyang mahulog sa bangin sa kagubatan na pagmamay-ari ng mga Ibarra ay nauntug ang kaniyang ulo dahilan upang mawala ang lahat ng kaniyang mga madidilim na ala-ala.Naawa ang Don sa kanya lalo pa't hindi na nito maalala kung saan ito nanggaling at kung sino ang pamilya nito,wala itong mapupuntahan at sa palagay ng Don ay tinutugis ito ng pamahalaan.Walang kamuwang-muwang ang batang kanyang natagpuan,tantiya niyang pinagbintangan ito ng mga may katungkulan sa pamahalaan.

Ang Don na si Don Emilio Concepcion ay nabibilang sa mga elitistang pamilya sa San Diego,tanyag itong manggagamot at mayroon itong sariling pagamutan sa iba't ibang lugar.Nakapag-aral ito sa Eurupa.Noong nag-aaral pa ito ay palagi itong nakakatanggap ng subre saliente(mataas na grado o marka)sa kanilang paaralan noon sa Maynila.At ng magkaasawa ito,natanggap rin nito ang kaniyang certifico sa panggagamot at tumayo agad ito ng isang pagamutan hanggang sa makapagtayo ito ng sariling Ospital sa iba't ibang lugar.

"Nais kong manatili ka sa bahay ko ihjo,dito ka na maninirahan kasama ang aking asawa"nakangiting wika ni Don Emilio kay Crispin na nakatulala lang sa kaniya habang namamawis ang mga kamay,hindi naglaon ay tumango si Crispin bilang tugon sa mabait na Don.

Maya-maya ay bumukas ang pinto ng cuarto at pumasok si Doña Juanicar na mahinang pinapaypayan ang sarili ng mamahaling abaniko na galing pa sa Inglatera.Kilalang relehiyuso,mabait,matulungin,at mapagdasal ang Doña.Tumutulong din ito minsan sa pagamutan ng kaniyang asawa ngunit nagkasakit ito at ilang taon ding nanatili lang sa kanilang tahanan."Emilio,nais kong makausap ka"mahinhin nitong sabi sa asawa.

Dahan dahan namang inalalayang mahiga ng Don si Crisipin sa kama upang pagpahingahin na agad din namang nakatulog ng payapa.

"Sa Salas tayo mag-usap, Juanicar.susunod ako"wika ni Don Emilio at kinumutan si Crispin.Agad din namang lumabas si Doña Juanicar at naupo sa sala hinihintay ang asawa,bakas sa mukha nito ang pagkabalisa at pagkatakot.Maya-maya pa'y bumaba na ang Don at naupo sa kabisera ng lamesa.

"Emilio,nais mo bang ipahamak ang buhay natin?!"pagsisimula ni Doña Juanicar sa asawa na naguguluhan.Wala silang anak sapagkat hindi pweding mabuntis si Juanicar at manipis ang sinapupunan nito.

Crispin [ La Historia No Contada]-On-HoldWhere stories live. Discover now