𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊 𝙸𝙸: 𝙽𝚒𝚕𝚒𝚖𝚘𝚝 𝚗𝚐 𝙺𝚊𝚝𝚒𝚗𝚞𝚊𝚗

4 4 0
                                    

"Lorenzo!Lorenzo,anak!gising!"ginigising ni Doña Juancar si Crispin sapagkat sumisigaw ito sa kalagitnaan ng gabi,nasa kabilang cuarto lang naman natutulog ang doña kaya agad nya itong narinig.

Kasabay ng pagkidlat sa labas ng bintana ay siya ring pagmulat ng mga mata ni Crispin na takot na takot.Ang kaniyang mga mata ay animo'y humihingi ng tulong at nakasaksi ng karumaldumal na pagpatay.Agad na niyakap ni Doña Juanicar si Crispin at marahang hinagod ang buhok nito upang kumalma at matulog ulit ng mahimbing sa kaniyang mga bisig.

Wala siyang ideya kung ano ba ang eksaktong nangyari sa batang kanilang kinupkop o ano ba ang istado nito sa buhay ng hindi pa nawala ang ala-ala nito.Gayun pa man ay hindi na ito nais malaman ng doña dahil ang importante sa kaniya ay mayroon na siyang anak.

Kinaumagahan ay ipinahanda ng Don sa kutsero ang isang magarbong kalesa na kanilang sasakyan patungo sa patahian upang bilhan ng bagong damit si Crispin para sa pag aaral nito sa primaryang paaralan.

"Saan ho tayo tutungo ina,ama?"tanong ni Crispin kay Doña Juanicar at Don Emilio na makapanog sila ng kalesa.

"Sa pamilihan,anak ko.Bibilhan kita ng bagong kamiso at pantalon para sa nalalapit mong pag pasok sa paaralan"wika ni Doña Juanicar.

"Bibisitahin ko din ang aking mga amigo,Lorenzo.Nais ka nilang makilala"sabi ng Don at napahalakhak.Maya-maya pa ay tinahak na nila ang maalikabok at lupang daan ng San Diego.

"Mang Vicente,iyo munang ihinto ang kalesa dito sa tapat ng kombento"ani Don Emilio at nagpaalam sa mag-ina na pupuntahan nya sandali ang kaniyang amigo na nasa loob ng kombento.

Iginarahe ng kutsero ang kalesa sa lilim ng isang puno.Iginaya ni Crispin ang kaniyang paningin sa maalikabok at mataong daan.Maraming tao ang labas masok sa simbahan upang magdasal at mangumpisal sa kura.Mga binibini't ginoo na lumalakad sa iba't ibang deriksiyon sa ilalim ng mainit at maalingasaw na araw.Tag init ngayon at ang mga opisiyal,alperez,kapitan,kura at ang anak ni Don Rafael Ibarra na si Crisostomo Ibarra ay naroon sa ilog upang magkaroon ng kaunting salo-salo(piknik)kasama ang ilang binibini na kaibigan marahil ni Maria Clara na anak ni Kapitan Tiago.Ang salu-salo sa ilog ay pinag-uusapan ng mga ale sa kalsada ngayon na papauwi galing sa paglalaba sa ilog.

Maya-maya ay inagaw ang atensiyon ni Crispin ng isang babaeng marumi ang kasuotan,walang sapin sa paa,hindi nakasaayos ang buhok at mukhang wala sa sarili.Lakad-takbo ang ginagawa ng babae,animo'y may hinahanap ito at sandali'y humihinto at pagkatapos ay tatakbo ulit.Dumagundong ang puso ni Crispin ng makita niya ang baliw na babae na iyon.Lingid sa kaniyang kaalaman,iyon ay ang kaniyang inang si Sisa.Bagaman kakaiba ang kaniyang pakiramdam sa baliw na iyon ay wala siyang alam kung sino iyon.Pareho silang nakalimot sa totoo nilang pagkatao.Pilit itong pumapasok sa simbahan ngunit itinataboy ito ng mga guardia sibil dahil nababahala ang mga tao na baka ay manakit ito at gumawa ng gulo sa loob ng simbahan.

"Basilio!Crispin!mga anak ko!"pagsisigaw nito sa labas.Naghuramentado ang puso ni Crispin ng makita ang baliw,bagay na maramdaman niya ang kakaibang pakiramdam.Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ng makita ang babaeng baliw na iyon at ng sambitin nito ang mga pangalan na paulit-ulit nitong isinisigaw na animo'y tinatawag ang kaniyang mga anak na nawawala.

"C-Crispin!Basilio!sandali narito ang anak ko!s-sandali!narito siya!"pagsisigaw pa nito sa labas ng harangin ito ng mga guardia sibil at pilit na kinakaladkad papalayo ng simbahan.Nasalampak ito sa kalye at pagkatapos ay tumawa at tumangis naman pagkatapos.

"susmaryusep itong babaeng ito!"

"Naku!baliw na 'ata."

"Lumayo ka rito baliw!hindi ka nararapat sa pueblong ito!"sabi ng ilang ale na matatalim ang dila na pakutyang tinatawanan ang baliw at pinagtataboy sa kung saan sapagkat magiging malas raw ito sa kanilang pamumuhay.

Maririnig ang pandidiri at panlilibak ng mga tao na nakapansin kay Sisa sa labas ng kumbento.Tumatawa ito sa hangin at kinakausap ang mga hayop at bagay sa paligid bagay na inilalayo ng mga ale ang kanilang mga anak sa baliw na si Sisa na pinagkakamalan ang nakikitang bata na kaniyang anak na si Basilio at Crispin.Pagkatapos na pinakawalan sa kuwartel ng mga guardia sibil si Sisa noon sa utos ng kura ay umuwi siya ng kanilang bahay kubo at uligagang hinanap at pinagtatawag ang kaniyang anak na si Basilio sa ilog,gubat at bangin dahil tumakas ito ng aarestuhin ng mga guardia sibil.

Hindi magkamayaw si Sisa noon sa paglabas at pasok sa kanilang bahay kubo upang tignan ang kaniyang mga anak kung uuwi na ang mga ito ng bahay ngunit nawala ang kaniyang pag-asa ng walang Crispin at Basilio ang uwmuwi sa kanilang bahay.Tinatawag niya ang kaniyang mga anak ngunit alingawngaw ng kaniyang boses ang tumugon sa kaniya pati ang ingay ng ilog ang sumasagot sa kaniyang pagtawag at pagtangis.Naisipan niyang puntahan ang bahay ni tandang Tasyo ngunit wala ito roon.Pumasok nalamang si Sisa noon sa kanyang bahay kubo at doon ay nanalangin siya na humantong sa paghikbi at panaghoy sa madilim at tahimik na gabi.Labis labis ang pagluluksa ni Sisa sa loob ng bahay kubo dahil sa labis na kalungkutan.Natigil si Sisa sa pagtangis ng makatulog siya at kinabukasan ay gumala-gala na ito na tumatangis,ngumingiti,at kinakausap ang mga bagay sa paligid.

"Bakit ka umiiyak,Lorenzo?!meron bang problema?"nag-aalalang boses ni Doña Juanicar ang nagpabawi ng tingin ni Crispin sa baliw.Hindi nya naramdaman na lumuluha na pala ang kaniyang mga mata sa hindi malamang dahilan.

"w-wala ho,ina.Napuwing lamang ako dahil sa alikabok"agad na pinunas ni Crispin ang mga luha sa kaniyang pisngi upang hindi na mag alala ang kaniyang ina.Hindi nya mabatid kung bakit ay nakaramdam siya ng kakaiba sa babaeng baliw na iyon.Natatanaw na nila si Don Emilio na papabalik na ng kalesa at nakita nyang kumakanta na ng kundiman si Sisa kasunod ng Don.Pamilyar ang tinig at kanta nito ngunit hindi nya maalala kung saan niya ito narinig,marahil ay narinig nya na ito ng kinanta din ito ni Doña Juanicar sa tuwing siya ay pinapatulog.

Nang makapanaog na si Don Emilio sa kalesa ay pinatakbo na ng kotsero ang kalesa at dinaanan nito si Sisa.Sa huling pagkakataon ay nakita ni Sisa si Crispin na lulan ng magarbong kalesa kasama ang mayaman na don at doña sa gilid nito.

"C-Crispin....Crispin!Crispin!anak ko...ang aking pinakamamahal na anak!Cripin.Ibalik nyo ang anak ko!!!"pagsisigaw ng baliw na si Sisa na napalitan ng pagtangis sa dumaang kalesa.Pinagtitignan lamang siya ng mga mapanlibak na tao sa daan at itinaboy kung saan.




***************************
#𝙲𝚛𝚒𝚜𝚙𝚒𝚗 [𝚃𝚑𝚎 𝚄𝚗𝚝𝚘𝚕𝚍 𝚂𝚝𝚘𝚛𝚢]

Buenas dias/buenas noche amiga amigo!Naway nasiyahan kayo sa pagbabasa ng nobelang ito.Ipagpatuloy ang pagbukas ng mga hindi nahayag na kabanata!

Ang inyong manunulat,
𝓗𝔂𝓹𝓸𝓬𝓦𝓻𝓻𝓲𝓽𝓮𝓼

Crispin [ La Historia No Contada]-On-HoldWhere stories live. Discover now