𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊 𝚅𝙸:𝚂𝚊 𝙱𝚞𝚕𝚠𝚊𝚐𝚊𝚗

1 1 0
                                    


G.Lorenzo 'Crispin' Concepcion

Lahat ng mga mata ng mga nasa loob ay nagawi sa amin ng kaibigan kong si Felix ng pumasok kami sa isang malaking bulwagan.Naroon na ang ibang mga mag-aaral na lalaki sa gilid ng bulwagan habang naroon naman sa bandang likuran ang mga naguumpukang mga dilag sa bandang kanan malapit sa bintana.

"Ipagpaumanhin ninyo Propesor Melchor,Hermana Gloria sa aming pagkahuli.Nakakahiya po at narito na pala ang lahat!"wika ko at tinanggal ang sobrero at itinapat sa dibdib bago marahan na yumuko sa Propesor at Hermana.Ganoon din ang ginawa ni Felix sa gilid ko.

"Wala iyon Lorenzo.Hinihintay pa naman namin ang orkestra na tutugtog sa gaganaping pagi-ensayo sa sayaw mamaya,hindi ba kagalang galang na Hermana?"nakangiting tanong ng Propesor sa Hermana na nasa gilid habang marahan na pinapaypayan ang sarili.Napilitan itong ngumiti at kunwari ay sumang-ayon sa sinabi ni Propesor Melchor.

"Mas mabuti pa'y pumunta na kayong dalawa sa hanay ng mga lalaki at ihanda niyo na ang inyong mga sarili sa pagsayaw mamaya"pekeng ngumiti ang hermana na halatang naiinis sa amin.

"Sè!Hermana!"sabay naming wika ni Felix at nagbigay galang uli bago tinungo ang mga kalalakihang nag-uumpukan sa kaliwang bahagi.Napadako ang tingin namin ni Felix sa mga dilag na nasa kanan na masayang nagbubulungan ng maglakad kami sa mga kalalakihan na pasulyap-sulyap rin sa mga naggagndahang dilag lalo na si Felix na maypayuko-yuko pa bilang pagbigay galang sa mga binibini.Kapansin pansin ang isang binibining nakatalikod at nakadungaw lang sa malaking bintana.Pamilyar ang binibining ito.

"Kamusta ang iyong pagsusuring-basa at nahuli kayo ngayon,Lorenzo,Felix?"panunuyang tanong ni Joselito sa amin ni Felix ng lumapit kami sa kanila.Kilala itong hambog at mapanghusga.Animo'y isa itong Kapitan Heneral kung makapagmura sa mga Indiyo na dili man ay isa ring Indiyo at kay taas ng tingin sa sarili.

"Aba'y wala kang pakialam samin kung nahuli kami,Ginoong Joselito!Kung nais mo ay magphuli ka rin sa susunod"panunuyang wika pabalik ni Felix at nakipagtagisan ng bagang kay Joselito.

"Huwag kayong magpanggap na isa kayong mahalagang tao sa paaralang ito.May nalalaman pa kayong pahulihuli ah!"banat pa ni Joselito at nagsitawanan ang iba pa niyang mga kasama.Magsasalita pa sana si Felix ng tinapik ko na siya sa braso at binulungan na huwag ng patulan ito.

"Pasensiya na kung nahuli kami ng dating ginoong Josilito.Alam namin na hindi kami espisiyal na tao at sa tingin ko ay teyimpo naman ang dating namin dahil wala pa ang orchestra na tutugtog.At kung patuloy niyo pang bigyang pansin ang aming pagkahuli ng dating..siguro nga'y espesiyal nga kaming panauhin"diretso kong sabi sa kaniya at ginawaran siya ng mapanuyang ngiti.Nanlisik ang mga mata niya ng marinig niya ang tinuran ko.Natahimik naman ang iilang mag-aaral na nasa gilid namin na maayos na narinig ang aking sinabi sa anak ng Alperez.Kung panunuya ang babatuhin niya samin,ganoon din ang ibabato ko sa kaniya.

Narinig ko pang napamura si Joselito at antimano'y umalis sa grupo."Nakita mo 'yun?hindi ko akalaing babanatan mo ng ganuon ang hambog na Joselitong 'yun!Aaa,wala lang siya sa hinliliit mo,Lorenzo!"kapag kuwan ay biro pa ni Felix sakin.

Napagawi naman ang tingin ko sa mga kababaihan.Nahagip ng paningin ko ang isang binibini malapit sa bintana na aking nakatitigan kanina.Nakita niya rin ako!
Kapansin-pansin sa kanilang grupo na siya lang walang panakip na pamaypay.Kaya siguro ay pagkailang minuto ay tumatalikod ito upang pagtakpan ang kaniyang mukha.

Tinignan ko si Felix na abala na sa pakikipag-usap sa mga kapwa naming estudyante kaya hindi na ako nag atubiling magpaalam at tinungo na ang grupo ng mga kababaihan.

"Isang magandang araw sa inyo,mga binibini!"bati ko sa mga naguumpukang binibining mahinang nagkikwentuhan at nagbigay galang sa pamamagitan ng pagyuko.Sa mga oras na ito ay binati rin nila ako pwera sa babaeng nakadungaw sa bintana at mukhang walang pakialam.Nakasuot ito ng magarbong damit na kulay krema kapansin pansin din ang maitim at maaalon nitong buhok na hanggang bewang ang haba.

Crispin [ La Historia No Contada]-On-HoldDonde viven las historias. Descúbrelo ahora