𝙺𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊 𝚅:𝙰𝚗𝚐 𝙿𝚊𝚖𝚊𝚢𝚙𝚊𝚢

1 1 0
                                    

Bb.Cecilia Dela Esquerido

"Cecilia!sa tingin mo ba'y kaaya-aya na akong tignan?"ani Lorena na isang oras na naghanda sa kaniyang susuutin para sa gaganaping unang pagi-ensayo sa nasabing sasayawing Cariñosa na ipapalabas sa araw ng pista sa San Diego.

"Oo naman,Lorina!Pati ang prinsesa ng Espanya ay walang sinabi sa suot mo ngayon"wala sa kondisyong sabi ko habang nagbabasa ng aklat at nakaupo sa upuan malapit sa aking kama.Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakasimangot na ang mukha ng kaibigan kong si Lorina.Naroon siya sa gilid ng bintana ng kwarto namin dahil naroon nakalagay ang isang rektangulong hugis ng salamin na sing taas ng tao.Nakasuot ito ngayon ng kulay puting magarbong baro at kulay kapeng saya na ipinagawa pa nito sa patahian malapit sa Intramuros.Pinaghandaan niya talaga ang araw na ito dahil ngayon lang naman kami ulit makakaluwas ng 𝘤𝘰𝘯𝘷𝘦𝘯𝘵𝘰.

Siya si Lorina Dela Cruz.Isa siyang mestiza,may maganda at maarkong kilay,hindi gaanong mahaba ang pilik-mata,matangos ang ilong at maputla nga lang ang labi na pinipinturahan ng pampapula sa labi upang hindi siya magmukhang masakitin.Katamtaman lang ang kaniyang taas,pati narin ang hubog ng kaniyang katawan at mahinhin kung kumilos na salungat naman sa kilos ko.Anak siya ng dating Alcalde Mayor ng Maynila na si Don Regalado Dela Cruz.Marami silang ari-ariaan dito sa maynila pati narin sa bayan ng San Diego na aming tinubuan.Bagaman wala nang katungkulan ang kaniyang ama sa lipunan,nananatili paring marangya ang kanilang pamilya.

Ang aming pamilya naman ay hindi gaanong marangya gaya ng iba.Ang aking ama ay isang kapitan sa San Diego,siya si Kapitan Basilio Dela Esquiredo,may lahing kastila ang aking ama at mahilig siyang magbasa ng Latin.Ang aking ina naman ay galing sa isang buena familia.Isang utusan lang ang aking ama noon ng mag-ibigan sila ng aking ina noon at ayaw iyon ng mga magulang ng aking ina.Hindi raw nababagay ang aking ina sa aking ama dahil sa antas ng pamumuhay nito.Bagaman tutol ang pamilya ni ina,hindi sila nagpatalo at hindi sila bumitiw sa isa't isa.Nagpakasal sila ng walang basbas galing sa pamilya ni ina at si ate Sinang at ako ay nabuhay sa mundong ito,naging malakas na mangangalalak ang aking ama at naihalal na maging Kapitan kalaunan.

Nang magdalaga ako ay pinadala nila ako rito sa Maynila upang papasukin sa beateryo ng 𝘚𝘵𝘢. 𝘊𝘢𝘵𝘢𝘭𝘪𝘯𝘢.

"Pinupuri mo ako samantalang hindi ka man lang nakatingin sa akin"wika niya ngunit nakatingin parin sa salamin.Ibinaba ko na ang libro na aking binabasa at tinignan siya na inaayos ang kaniyang saya.

"Aba'y 'wag mo nga akong busangutan diyan.Lorina,kahit anong isuot mo ay babagay lahat sa iyo!Lingid sa iyong kaalaman ay kanina pa kita pinagmamasdan,siguro'y mga isang oras na"wika ko sa kaniya at nilapitan siya.

"Totoo?"mahinhin niyang wika at marahang umikot.

"Siguro'y may iniibig ka sa isa sa mga ginoong nag-aaral sa Colegio na iyon ano?"pagbubuking ko sa kaniya na ikinapula ng kaniyang mukha at mahinhin lang siyng tumawa.

"Aba'y totoo nga ang aking hinuha!Hindi ka maghahanda ng isang oras para lang sa--"pinutol niya ang sasabihin ko.

" 'wag ka ngang maingay Cecilia!Baka marinig tayo ng Hermana.Pagagalitan tayo"nakangiti niyang sabi ng sinimulan kong kurot-kututin sa tagiliran habang namumula parin siya sa hiya.

"Sino ang maswerting ginoong 'yan?Lorina,sabihin mo.Aminin mo na!"pangungulit ko sa kaniya at nagtawanan kami.

"Susmaryusep na mga batang ito!magsitigil nga kayo!Nakakahiya sa mga makakarinig at pagsabihan tayong ang mga binibini sa conventong ito ay hindi tinuruan ng kagandahang asal!"dismayang wika ni Hermana Gloria ng pumasok sa aming dormitoryo at makita kaming naghaharutan.Napatayo kami ni Lorina ng maayos at yumuko ngunit hindi ko parin mapigilang mapangiti kahit na naroon na sa harapan namin si Hermana Gloria.

Crispin [ La Historia No Contada]-On-HoldWhere stories live. Discover now