Chapter 6

3.9K 113 5
                                    

After what happened yesterday, mas pinili ko na lang mag-stay sa loob kwarto ko and do my works here.

Ayokong pumunta sa restaurant dahil hindi na maganda ang kutob ko. I just really hate the idea na baka bigla na lang siya sumulpot ulit na para bang walang nangyari.

"Senyorita Yell, nasa baba po ang mga magulang niyo." narinig kong katok ni Manang Teresita sa pinto ko.

Napakunot ang noo ko dahil hindi naman madalas lumuwas sila Mommy sa Manila. Unless, it's really urgent.

Ibinaba ko ang yakap kong plushie sa lounge chair. Lumapit ako sa pinto at pinagbuksan si Manang Teresita.

"Pakisabi po baba ako. I just have to send something lang sa staff ko." sabi ko sa kanya.

"Sige, hija. Ipaghahanda ko din sila ng maiinom at makakain." sabi niya.

"Thank you po." ngumiti siya sa akin at tumango bago tumalikod paalis.

Isinara ko naman ang pinto at dumiretso sa harap ng laptop ko. Nang ma-send ko na iyong email ko sa head manager ng restaurant, bumaba na agad ako sa sala.

Nandoon si Mommy at Daddy na prenteng nakaupo habang nagkwe-kwentuhan. Napabuntong hininga before lumapit sa kanila.

"Hi, Mommy. Hi, Daddy. What's up?" bati ko sa kanila at binigyan sila ng halik sa kanilang mga pisngi.

"Oh my gosh, Yell! Bakit lalong bumabagsak ang katawan mo? This is the reason why I don't want you to leave our hacienda. Hindi natututukan maigi iyong pagkain mo." exaggerated na reaksyon ni Mommy kaya napapailing akong umupo sa sofa na kaharap ng inuupuan nila.

"Mommy, I'm totally fine. I am still healthy and fit naman sabi ng doctor. I was just busy these past few weeks kaya nakakapag-skip ako ng meals. You don't have to worry about me." sabi ko sa kanya bago inumin iyong juice na nasa table.

"You can't blame us for worrying too much, Yell. Hindi kami sanay na hindi ka namin nakikita at nakakasama. Why don't you just comeback and just let your staff manage your restaurants here in Manila." sabi ni Daddy while sipping his coffee.

"No, Daddy. I am totally fine. I want to handle our business first hand because it really means a lot to me. You know naman na iniwan sa akin 'to nila Abuela and I wanna do my best to take care of it." wika ko kahit alam kong hindi lang naman iyon ang dahilan kung bakit ayaw kong bumalik sa hacienda.

It's been 5 hell years since it happened at sa tuwing gigising ako sa hacienda, hindi ko pa din siya makalimutan. Everything about Hacienda De San Pueblo reminds me of him.

I shook my head to shrug off those thoughts. Ayokong masira ang araw ko.

"Are you really sure na iyon lang ang reason mo, anak?" nag-aalalang tanong ni Mommy kaya napabuntong hininga ako.

"Yes, Mommy. Stop thinking too much. I am fine. You can even ask Cinnamon and Liona. They are always with me so you have nothing to worry about." sagot ko sa kanya.

"They are younger than you pero mas naaalagaan at nababantayan ka pa ata nila. I miss those two ladies." sabi ni Mommy ng nakangiti kaya napangiti na din ako.

"You should also visit them and their parents. I'm sure miss ka na ng mga amiga mo, Mommy. Lagi na lang kasi kayo ni Daddy ang magkasama." biro ko sa kanila kaya natawa sila pareho.

"Hay! Itong Daddy mo ang masyadong clingy. Kung saan ako pupunta, gusto palagi nakasunod." sabi ni Mommy kaya naglambing sa kanya si Daddy.

I can't help but smile. This is what I adore the most from my parents. They are sweet and caring to each other.

Lascivious Series #3: Drive Me Crazy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon