Chapter 14

3.5K 97 6
                                    

Ilang beses na ba akong nagpaikot-ikot ng higa sa kama?

I lose count already.

Naiiritang bumangon ako sa malaking kama at umupo. Napatingin ako sa bintanang natatakpan lang ng manipis na kurtina. Lalo lang akong nairita nang makitang mataas na pader at maliwanag na buwan lang ang natatanaw ko.

Namamahay ako at halos tatlong oras ko na ata pinipilit ang sarili ko na matulog na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Isa pang dahilan siguro, nagugutom ako.

Sakto naman na kumalam ang sikmura ko kaya napahawak ako sa impit kong tiyan.

"Bahala na nga." naiusal ko at bumaba na ng kama.

Sinuot ko ang tsinelas na binigay ni Phoenix kanina. Inayos ko rin ang mahabang gray na t-shirt na ibinigay niya kanina. Sinigurado ko muna na hindi nakalihis iyon. Mahirap na. Boxer shorts lang ang pang-ilalim ko at maluwang pa sa akin.

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at binuksan iyon. Tumingin ako sa madalim na pasilyo at sa kwarto niya. Nang masiguradong wala siya ay maingat akong bumaba sa hagdan at hinanap ako kusina sa baba.

Pagpasok ko sa kusina ay halos mapatili ako sa gulat nang makita roon si Phoenix na nakaupo habang may hawak na wine glass.

Pinigilan kong mapanganga nang masilayan ko ang itsura niya.

Oh goodness gracious!

Wala siyang suot na pang-itaas at tanging pajama lang ang suot niya.

"Why are you still awake?" tanong niya bigla kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

Nakita ko ang amusement sa mukha niya pero agad din iyon nawala at napalitan ng blankong ekspresyon.

Well I guess, namalikmata lang ako. Nagkibit balikat ako sa kanya at lumapit sa ref niya. Tutal nahuli na rin naman niya ko, hindi na ko mahihiya.

"I'm hungry. I need food." sabi ko sa kanya at binuksan iyong malaki niyang ref.

Bumungad sa akin ang napakaraming laman ng ref at naagaw agad ng pansin ko iyong pecan pie. Kinuha ko iyon at inilapag sa kitchen island niya.

"Since nailabas ko na rin naman, can I eat this?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya habang nakatitig pa rin sa akin.

Pinilit kong isawalang bahala ang titig niya sa akin at kumuha ng saucer at utensils. Nag-slice ako ng malaki sa pie at umupo sa mataas na stool.

Hindi ko na siya pinansin pa at mas tinuon ko ang atensyon ko sa kinakain ko. Hindi ko maiwasang mapangiti. This is freaking delicious!

I licked my lips and enjoyed the pie. Good thing he has this insane food sa ref niya. I can have a good sleep because of this.

Nang mapansin ko na parang hindi siya nagalaw sa pwesto niya, ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. Halos tumalon ang puso ko nang makitang nakatitig pa rin siya sa akin at tanging liwanag ng buwan na nanggagaling sa bintana ang nagsisilbing ilaw para makita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata niya.

"W-why are you looking at me like that?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

Bumaba ang tingin niya sa hita ko kaya agad ko pinagdikit iyon.

Lascivious Series #3: Drive Me Crazy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon