Chapter 28

2.4K 84 4
                                    

"I'm hungry..." lambing ko kay Phoenix habang yakap ko siya sa beywang.

Papalabas na kami ng hospital pero hindi pa rin mapuknat ang ngiti sa mga labi niya.

"What do you want to eat?" tanong niya sa akin.

Inalalayan niya akong muli pasakay sa van at agad na tumabi sa akin. Idinikit niya ako sa kanya at inilagay ang matipuno niyang braso sa beywang ko.

"Jollibee." nakangiti kong sagot.

"No. You have to eat something healthy. Baka makasama kay baby ang fast food." sabi niya ng nakakunot ang noo.

Napanguso ako at sinamaan siya ng tingin.

"Tatanong-tanong ka, hindi mo naman pala ako bibilhan. Don't talk to me!" naiiritang sabi ko at lumayo sa kanya.

Kulang na lang ay isiksik ko ang sarili ko sa bintana. Ngayon lang naman ako ulit makakakain sa fast food tapos ayaw niya pa. Hindi naman makakasama sa baby 'yun. Edi sana marami ng napahamak na buntis kapag nakikita ko sila roon na kumakain.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya at marahan akong hinihili palapit sa kanya.

"Fine. Just this once." pagsuko niya kaya napatingin na ako sa kanya.

Unti-unti akong napangiti at yumakap ulit sa kanya.

"Thank you, Love."

"I don't know what to do with you anymore. Alam mo masyado ang kahinaan ko." naiiling na sabi niya sa akin kaya napangisi ako.

Ilang sandali lang ay huminto kami sa may fast food chain na nasa daan. Inalalayan niya ako pababa sa van at hindi naman masupil ang ngiti sa labi ko.

"I miss eating here." sabi ko sa kanya habang nakatingin sa menu sa harap ng cashier.

"Good Morning, Ma'am and Sir. May I take your order po?" tanong ng staff na nasa cashier.

"What do you want?" malambing na tanong sa akin ni Phoenix.

"Jolly spaghetti, Jolly hotdog and fries. Pineapple drinks ha?" nakangiti kong sabi sa kanya.

Hinalikan niya ako sa noo at umorder na kami sa cashier. Naghintay lang kami sandali at inabot na rin lahat ng order namin.

Umupo kasi sa may dulong bakanteng upuan. Siya na ang nag-asikaso ng pagkain ko. Napangiti ako at mabilis siyang hinalikan sa pisngi.

"Thank you, Love." pasasalamat ko sa kanya.

Lumawak naman ang pagkakangisi niya at agad akong hinapit papalapit sa kanya para halikan ako sa noo.

"You're welcome, Love." sabi niya ng nakangisi.

"Are we going home after this?" tanong ko sa kanya.

Kumuha ako ng fries at kinain iyon. Nakatingin lang siya sa akin.

"Do you want to go somewhere else?" tanong niya pabalik sa akin.

"Nope na. Uwi na lang tayo. I want to stay with you lang sa bahay." lambing ko sa kanya kaya lalo siyang napangisi.

"You're really driving me crazy. Lagot ka sa akin mamaya pag-uwi." pang-asar niya.

Ramdam ko na naman ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Inirapan ko siya para itago ang pagkahiya ko.

"Bastos."

Lascivious Series #3: Drive Me Crazy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon