Chapter 19

3.1K 90 2
                                    

Napayakap ako sa sarili ko nang umihip ang hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana. Napabuntong hininga ako at nangalumbaba habang nakatanaw sa buwan na nagsisilbing liwanag sa paligid.

I laughed at my own thought. Such a cliche moment but I find it really comforting. Yung pakiramdam na nakatanaw ka lang sa kawalan at sa buwan na para bang wala kang pinoproblema sa buhay.

I missed those times where I only have fun and enjoy life with my family and friends.

"When did you even started having a miserable life, Yell?" I asked myself as I embraced my knees.

Napatawa ako ng pagak at napailing. I guess, it's really a part of growing up and being an adult. Nagbabago ang perspective ng tao sa mundo. Nagiging masyadong mataas ang standard natin sa kung ano ba talaga ang makakapagpasaya sa atin.

When we were just kids, we used to be contented happy with simple things. Kahit ang simpleng pagkain sa hapag-kainan kasama ang mga pamilya natin, we can consider it as one of our best days. Pero habang tumatanda tayo, we tend to have bigger expectations sa kung ano ang kayang ibigay ng mga tao sa paligid sa atin, ng mundo.

We asked and expect for more until we can't even distinguish what will make us happy again.

Minsan yung mga napagdadaanan natin sa buhay habang tumatanda, iyon din ang nagiging dahilan kung bakit nagbabago ang mga bagay na makakapagpasaya sa atin. When we experience a lot of pain and heartache, we tend to ask for more too.

Nasa tao na lang talaga kung kailan niya pipiliin maging masaya... kung kailan magpapatawad... kung kailan magiging kuntento... kung kailan matututong ngumiti at magmahal ng walang hinahangad na mas malaking kapalit.

Napasandal ako sa bintana at unti-unting nagpadala sa simoy ng hangin.

NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko na para bang nakalutang ako sa ere. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Phoenix.

Sinulyapan niya ako saglit ngunit agad din naman nag-iwas ng tingin. Marahan niya akong binaba sa ibabaw ng kama at siya na rin mismo ang nag-kumot sa akin. Napapikit ako dala ng kaantukan.

Naramdaman ko ang pagdampi ng kung ano sa noo ko at ang malambing niyang bulong bago ako muling iduyan ng antok.

"Sleep well, mahal."

Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait sa kaalamang baka parte na lamang iyon ng isang panaginip.

NAGISING ako nang nanuot sa ilong ko ang amoy ng paborito kong pagkain. Idinilat ko ang mga mata ko at antok na napatitig sa kisame.

Surprisingly, I had a good sleep without having nightmares. Bihira lang ako makatulog ng mahimbing and I would take it as a blessing lalo na sa kabila ng mga nangyayari ngayon.

Napainat ako bago bumangon sa kama. Inayos ko muna ang kama pati na rin ang itsura ko bago napag-desisyunang lumabas na ng kwarto.

Papalapit pa lang ako sa kusina at natanaw ko na agad si Phoenix na abala sa pagluluto habang suot ang apron at walang kahit anong pang-itaas.

Napalunok ako at pilit iwinawaglit ang kung anong pumapasok sa isip ko.

"Don't you even have a decent shirt to wear?" mataray kong sabi sa kanya.

Nilingon niya ako at tinitigan lamang ako ng may blankong ekspresyon. What whould I expect from this man?

I shooked my head and swayed my hand in front of him.

"Nevermind." I told him before getting the milk inside the refrigerator.

Wala ako sa wisyong mag-kape ngayon. Nag-salin ako ng gatas sa basong nakuha ko sa may gilid at ibinalik ang box ng gatas sa loob ng ref. Walang salitang namutawi sa pagitan naming dalawa hanggang maupo ako sa harap ng hapag kainan.

Tahimik niya lang inihanda ang pagkain sa lamesa. Pinipilit ko naman ang sarili ko na hindi mapatingin sa kanya dahil nga wala siyang suot na pang-itaas.

"Call me when you're already finish with your breakfast." sabi niya bago tumalikod sa akin.

Napalabi ako ngunit mas pinili ko na lamang itikom ang bibig ko at kumain ng almusal. Patapos na sana akong kumain nang bigla na lang may malaking insekto na lumipad sa harap ko. Napatili ako ng malakas at tumakbo paalis ng sala.

Humahangos naman na pumasok si Phoenix sa bahay at mabilis akong nilapitan para ikulong sa bisig niya. Nagulat ako nang bigla niyang hugutin ang isang pistol sa gilid niya. Hindi ko maiwasang mapalunok sa kaba.

"W-what the freak?" tanging nasabi ko habang nakatingala sa kanya.

"Where is that motherfucker? Tang ina nasalisihan ako?" gigil niyang ani kaya napanganga ako.

Napapikit ako ng mariin bago siya kalabitin. Yumuko naman siya para tignan ako. Ang kaninang madilim niyang ekspresyon ay unti-unting lumambot habang masuyo na nakatingin sa akin. Humigpit din ang yakap niya sa akin dahil para mas lalo lamang akong madikit sa mainit niyang katawan.

"Are you okay? Stay beside me. I'll call my men-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"N-no need naman. Sorry. Hindi naman tao yung dahilan ng pagpa-panic ko. A-ano..." napaiwas ako ng tingin at napakagat sa ibabang labi ko.

"What is it?" tanong niya at marahang hinaplos ang beywang ko.

"Insekto..." mahinang sabi ko bago nag-angat ng tingin. "Malaking insekto kasi! Why naman kasi you didn't clean the house? Look! Madumi na tuloy yung food ko. This is all your fault!" mataray kong sabi sa kanya para maitago ang pagkapahiya ko. I can even feel my cheeks burning.

Gosh! Yell! Saktong-sakto ang pangalan mo sa'yo!

His eyes glimmered with amusement as he playfully smirked at me. He leaned closer to me which made me hold my breath.

"I don't even know what to do with you anymore, Yell San Pueblo. You'll be the death of me." sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"Can you please let me go na? Anong akala mo, close na us? Huh! Asa! Atsaka ano ba 'yan! Wala ka bang damit ha? Lagi na lang nakabalandra iyang katawan mo." sabi ko sa kanya at ramdam ko ang lalong pagtahip ng dibdib ko nang bigla na lang siyang yumuko at itinapat ang bibig sa tenga ko.

"Bakit ba affected ka masyado kung wala akong suot na pang-itaas? Hmm? You can touch my body if you want instead of looking at me like a prey, Baby." sabi niya at napasinghap ako nang kagatin niya ng marahan ang puno ng tenga ko.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi maiwasang mapasighap muli.

"Kung kinakailangan kong akitin ka araw-araw para lang bumalik ka sa akin, gagawin ko. Even if it means of torturing me to. I would do everything just to protect and to have you, Yell. I am willing to sacrifice myself just for you, mahal."

Lascivious Series #3: Drive Me Crazy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon