Chapter 25

2.5K 89 4
                                    

"I'm sorry, Phoenix. I'm sorry for losing our child."

Nakatulala lang siya at nakita ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha niya. Hinatak niya ako palapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.

Sumiksik siya sa leeg ko at rinig ko ang malakas na pag-iyak niya. Yumuyugyog ang mga balikat niya at ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

I couldn't bear to see him being so vulnerable and helpless like this.

Double ang sakit na nararamdaman ko sa kaalaman na nasasaktan ko siya. Puro sakit at paghihirap lang ang naging dala ko sa kanya.

He gave his all just to love and protect me. He was even willing to sacrifice his life just to save me.

And yet, all I ever did was to hurt him. I became too self-centered, thinking that it's all his fault why I became miserable.

Isinisi ko sa kanya ang lahat para lang may iba akong masisi sa sarili kong kagagawan. Para lang maibaling ko ang kasalanan sa kanya, napuno ng galit at puot ang puso ko.

"I know that this is too unforgivable. Maiiintindihan ko kung magagalit ka, mumurahin mo ako, sisihin mo ako, sasaktan mo ako o iiwan mo man ako. I will accept it, Phoenix. All I ever did was to hurt and blame you. I'm sorry."

Napahigpit ang yakap ko sa kanya at paulit-ulit na humingi ng tawad hanggang makatulugan ko na sa sobrang pagod.

NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko ang munting mga halik sa mukha at leeg ko. Nang idilat ko ang mga mata ko ay sumalubong sa akin ang gwapong mukha ni Phoenix.

Napayakap ako ng mahigpit sa kanya. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"I'm sorry, Phoenix."

"Stop apologizing, Yell. Walang may gusto ng nangyari. It wasn't your fault." sabi niya sa malumanay na tono.

Napaangat ako ng tingin sa kanya at kita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

"Kung hindi ako nag-isip ng kung ano-ano at hindi ko pinabayaan ang baby natin, hindi sana mangyayari 'yun. I became so selfish. All I ever did was to think about my own heartache. Naging mapag-tanim ako ng sama ng loob sa'yo kahit wala ka naman ibang ginawa kundi mahalin at protektahan ako."

He planted a kiss on my forehead and cupped my face.

"I deserve it, Yell. I hurted you. Hindi ako nag-isip ng paraan para maprotektahan kita ng hindi kita nasasaktan. I left you without even saying goodbye. Without even explaining my side."

Oh God. What did I do in my past life to have this loving man in front of me?

Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya at dinampian ng halik ang labi niya. Bigla naman sumulpot ang munting ngiti sa labi niya bago ako dampian din ng halik sa labi.

"Can we visit him?" tanong niya sa akin at nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya.

Sumikip ang dibdib ko. He's hiding his pain. Ayaw niyang ipakita sa akin kung gaano siya nasasaktan sa sinabi ko sa kanya.

Napakagat ako sa labi ko.

"If it's okay with you, we can visit him today." sabi ko sa kanya sa mahinang boses.

Tumango naman siya at kinintilan ako ng halik muli sa noo.

Tahimik lang kaming nag-ayos at kumain. Tila ba pareho kaming lutang sa mga oras na 'to. The pain is too much to bear for the two of us and I can see that we're both trying to act normal.

Itinuro ko sa kanya ang daan kung saan ko ipinalibing ang anak namin. Halos aabutin din ng isang oras bago namin marating ang lugar.

Naramdaman ko ang marahang pagpisil niya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

Lascivious Series #3: Drive Me Crazy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon